Prologue.

7 1 0
                                    

Almost will never be enough.

Pero yung feeling na andun ka na, malapit na is blissful. Yung tipong okay lang kasi parang ganun naman din yun.

Parang malapit ng bakasyon, not totally pero kasi malapit na kaya ayos na. Yung tipong almost perfect na sa quiz, nakakahappy diba? Yung phone mong replica lang pero choks lang kasi kamukha naman diba? Hahaha Yung mga bagay na ganun, not totally pero napagtytyagaan.

Lalo na sa love, yung tipong napatingin lang sayo, bilis na ng tibok ng puso mo. Napadaan lang at naamoy mo yung pabango niya, nakukumpleto na araw mo. Nangitian ka lang, kilig to the bones na. Nagkaparehas lang kayo ng kulay ng damit akala mo naka couole shirt na kayo.

Yan yun mga bagay na nararamdaman ko sa kaibigan ko. Yung mga birong "baka kayo na magkatuluyan niyan ha" diba asang asa na lola niyo? Hahaha Tapos sasabihin, "Bat di na lang kayo bagay naman kayo." Yung puso ko my gosh

Kasi best friend lang kami. Kaibigan lang. Magkaiba pa rin naman ang mahalaga sa mahal na. Pero mahirap naman di umasa kung lahat ng taong nasa paligid mo full support diba?

Yung nandun ka na sa puntong gusto mo nang sumuko kasi alam mo naman walang patutunguhan, pero di maalis sa isip mo na baka sakali, na kahit katiting lang, magkaroon ng chance.

Pinapaasa natin sarili natin sa mga what ifs. Pero that's the only thing we can hold on to. It will never be enough, but it will never happened if we don't take the risk of what 'almost' could end up with.

Almost Lovers.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon