Chapter 44 (Paris)

573 25 18
                                    

Chapter 44

Paris

"So anong gusto mong mangyari?," Nohlan straightforwardly asked me as we were sitting on a bar counter.

Matapos ang usapan namin nila Mommy last dinner ay hindi na ako mapakali.Gusto kong makumpirma kung ang babaeng tinutukoy nila ay ang babaeng ilang taon ko nang hinihintay.

"You're married,you know," paalala ni Nohlan sa akin.Among our friends,he's the only one to know what happened between me and Rhum.Kung bakit sa  kanya ko lang sinabi ay dahil alam kong sa kanya lang din nagcoconfide si Rhum. And I'm thinking that Rhum would contact him among us all if ever.

"I don't know," ngumiti ako nang mapait habang sinasagot ang tanong niya. "Hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari. Basta gusto ko lang siyang makita at makausap," tinungga ko ang basong may lamang brandy. "Maybe,for closure? A proper one?," I added.

"Talaga ba? O umaasa ka pa?," ngisi ni Nohlan.

Umaasa? Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait habang pinapaulit-ulit ang salitang iyon sa aking utak. Baka nga! Considering this very moment,I have never anticipated Cea's coming back home.But I've been too ecstatic just by mere thinking that I'll be able to meet Rhum.Kahit mas imposiblr iyon kumpara sa una.

"Tangina! Akala ko matino na ako," iyon na lang ang naisagot ko sa tanong ni Nohlan na agad niya namang tinawanan.

"Gago!" tawa niya. Bahagya siyang natahimik at muling bumaling sa akin. "Hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari,pero isa lang ang paalala ko sa'yo,huwag kang gagawa ng desisyong may maagrabyado ka. Kung
magkita man kayo ni Rhum at mahal mo pa talaga siya sana naman ay tapusin mo muna ang sa inyo ni Cea.Rhum is my friend,and we both know,she deserved more than being just on the sideline. Pero, tandaan mo,may anak kayo ni Cea, sa ngayon lahat ng desisyon mo,kailangan mong isipin ang kapakanan  ni Caleb.Plus,you vowed to love Cea for better or for worse."

Nohlan's right.And I hate him for pointing out those things.As if hindi rin siya siraulo.But atleast there's someone to remind me of those.

INARAW-ARAW ko ang paghatid kay Caleb sa school. Kahit hindi ko naman iyon ginagawa dati. Parati ko rin siyang sinusundo paglabas.Kahit out of way ang school niya. Kahit may mga trabaho akong napag-iiwanan na.

Pero mag-iisang buwan na ay hindi ko pa rin makita ang aking hinahanap. Though I get to see Zeta's face everyday.Napakagaan ng pakiramdam ko para sa bata. Pero sa tuwing nakikita ko ang Mommy niya,nadidisappoint lang ako. Her mom is indeed beautiful,pero kasi,lagpas isang buwan na akong umaasa na si Rhum ang nanay niya. At hindi ko naman nga alam kung bakit.

It was the last day of their summer class and Caleb has been asking me to eat somewhere the night before it.And who am I to say no to my unico hijo's request.

Kinahapunan ay sinundo ko siya sa school at naabutan ko siyang kausap si Zeta. They've become close friends as I've noticed.

"Daddy," eksayted niyang sigaw habang kumakaway sa akin.Gumanti ako ng kaway sa kanya at agad siyang kinarga nang tuluyan akong makalapit.His small arms snaked around my neck.

"Zeta will eat with her Mommy as well,let's join them instead," bulong ni Caleb sa akin.Agad akong sumang-ayon. I just couldn't afford to say no to him.Plus I like the little girl so it's not bad at all.

Hinintay lang naming dumating ang Mommy ni Zeta at nangconvoy na kami papunta sa kainan. Nang makarating kami sa diner ay excited na tumakbo ang mga bata papasok dito.It was a child-friendly place. Pagkapasok mo pa lang ay bubungad na sa'yo ang mga iba't ibang kulay ng dream catchers in different sizes.Sa multicolored wall ay may mga motto at saying na nakapost.Sa isang side ay may counter kung saan pwedeng kumuha ang mga bata ng art materials.

Ang mga upuan doon ay kakaiba rin sa mga usual na kainan.Imbes na dining table and chairs ay iyong upuan at lamesang pang-kindergarten ang nakalagay.

Habang nagdodrawing si Caleb at Zeta ay umorder namin kami ni Paris,ang Mommy ni Zeta.

"They're enjoying," ani Paris habang nakatanaw sa dalawang bata.No matter how I looked at her,hindi niya talaga kamukha si Zeta.O baka naman mana ang bata sa ama niya.

"Staring is rude,you know," she smirked.

Napahiya ako roon at agad na nagsorry. "Iniisip mo ba kung bakit hindi ko kamukha si Zeta?," she giggled.

Nahihiya akong tumango.Mukhang malakas ang pakiramdam niya. "H-How'd you know?," utal kong tanong.

"Because I get it a lot," she smiled. "Well she took after her father," aniya. Bahagya akong napangiti at lihim na nadismaya.Hope is gone,man!

"Everything.Her taste in food.Her likes and hobbies.Kahit tanungin mo siya kung anong gusto niya paglaki,lahat nakuha niya sa tatay niya," she heaved a sigh and stopped for a while. "Even her fingernails does," aniya habang nakatingin sa cellphone na aking hawak.

"Where is he?," diretso kong tanong.Gusto ko lang makumpirma kung kamukha nga ba ni Zeta ang tatay niya.For what I know,Rhum was adopted.Baka iyon 'yong nawawala niyang kapatid. Puta! Kung ano nang naiisip ko.

"Her father? Nasa tabi-tabi lang iyon," she said while smirking.That means she doesn't have a good relationship with Zeta's dad.

"Sorry I asked," tangi kong nasabi.

"Okay lang iyon,ano ka ba?," aniya sa slang na tagalog.Pumangalumbaba siyang nakatingin kay Zeta.  "Alam mo,kahit pangalan niya,hinango sa pangalan ng tatay niya," she smiled. "Things love can do," umiiling niyang turan.

"Why didn't you fought for him?," it was a question I have never thought to voice out.

Napatanga siya sa akin at bigla akong naalarma. I must have crossed a line. Mukhang bubugahan niya na ako ng apoy ngunit nang ibinuka niya ang kanyang bibig ay kabaligtaran ng aking naiisip ang sagot niya.

"We don't get to win every battle. Not because we're incompetent,but because we're on the wrong ground. Home court ng kalaban," aniya pagkatapos ay tumawa. "Sabihin na nating,pumatol ako sa taong hindi ko na dapat pinatulan," she added.

"D-Does he know about Zeta?" I asked getting engrossed with her messed up love story.

"I don't think so. If I were to ask,hindi na niya dapat malaman,but I don't have a say in it," mabilis niyang sagot.

"What do you mean," usisa ko.She's the mother,so she has a say. Though thinking that the Father will not be able to know about his child is heartbreaking. I couldn't imagine life without Caleb anymore.

"Zeta deserves a father.Every decision a mother makes must be for her child," she answered.

Natigil lang ang pagkukwentuhan namin nang dumating na iyong mga pagkain naming inorder.Ngunit habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Zeta.The girl will be very beautiful when she grows up.It's a shame his father abandoned her.

"Is Mama not coming?," she asked her Mommy.

"Mama is busy,baby," ngiting sagot ni Paris. Matapos niyang sagutin ang bata ay tumingin siya sa akin at alanganing ngumiti.

NANGUNOT ang aking noo nang makitang may nakaparadang kotse sa garahe.It wasn't my brother's or Mom's. Agad akong bumaba sa kotse at kinarga si Caleb.

"Ser,nandyan na po si Ma'am Cea," turan ni Nana Sela. Nasagot niyon ang katanungan sa aking isip.

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa bahay ay bumungad na sa akin si Cea.

"Hey,babe," her sweet smile greeted me. Matapos nun ay bumaling kay Caleb. "Hi,baby," she greeted and tried to get Caleb from me but the kid tightened his arms around my neck and buried his face there too.

"Bakit hindi mo sinabing darating ka para nasundo kita?" tanong ko matapos niya akong halikan sa labi.She doesn't mind when Caleb ignored her.

Ganun naman parati.Sa tuwing uuwi siya,aloof ang bata sa kanya. Caleb knows that she's Mommy but the kid isn't emotionally attached to her. Aminado akong kasalanan ko rin. Hindi ko rin naman parating ikinukwento si Cea sa kanya.Tuloy malayo ang loob ng mag-ina ko sa isa't isa.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon