-2025-
"Naisahan kita dun fret hahaha wala naman talagang sakit si cristoff trip lang namin papuntahin ka dun" natatawang sabi ni gelo
"Ang galing galing niyo talaga" -_-
"Pumasok naman bigla kinaumagahan non si cristoff ibig sabihin ikaw nga lang pwede maging dahilan para pumasok yan" raffy
"Yung jacket ko nga pala?" napatingin ako ng bahagya kay cristoff
"Nabalik ko na diba?"
Nabalik ko na nga ba???
2015
"Buti na lang tinawag mo ko roxanne kundi di ko na alam gagawin ko dun"
"Kasi naman kung tingnan ka nila, lalo na ng mga classmates natin na babae eh para bang papatayin ka na nila nakakainis mga inggitera!"
"Kasalanan to ni bidabida kung hindi niya ko kinausap"
"Teka nga pala sabay ba kayo pumasok?"
"Hindi ahhh Ang kasabay ko si keiser kaso nga lang nung nasa gate na kami di na ko tinigilan ni bidabida"
"Ah ganun ba, eh nakauwi ka naman ng maayos kagabi?"
"Oo nakauwi naman ako ng maayos. Sorry pinag alala ko na naman kayo. Pero teka si jewel asan?"
"Hindi ko alam hindi ko pa siya nakikita"
"Goodmorning guys!" bati samin ni jewel
"Oh ayan na pala yung hinahanap mo! Kamusta nagkita ba kayo kagabi?" tanong ni jewel
"Ha?" takang tanong ko
"Ah hindi ako tumuloy sa bahay nila fret nag-alala din kasi ako sayo kaya binalikan kita kung saan ka bumaba roxanne, pero wala kana nun baka nakasakay kana ng taxi kaya bumalik na lang din ako sa party. Sorry roxanne sobra lang talaga kong nag alala kay fret kasi diba alam natin na magkaaway sila ni cristoff"
"Ahh hindi ka pala tumuloy kila fret. Sorry din nasigawan kita kagabi nag-aalala lang din ako sayo girl"
"Ako dapat ang mag sorry guys kasi hindi naman kayo mag kakaganyan kung di dahil sakin. Pinag-alala ko kayo ng sobra" sabi ko naman
"Basta next time magtetext ka agad samin ha girl pinag-alala mo kami ng sobra" Roxanne
"Oo huhu sorry talaga"
"Basta okay na yun ha" jewel
At niyakap nila kong dalawa ang sweet talaga ni roxanne at jewel tapos ako palagi ko na lang sila pinag-aalala hays
-KYLA-
"Okay lang ba kung ito isuot ko mars para mamaya?"
"Oo mars maganda yan pero try mo din yung white ayun oh"
Nasa mall kami ngayon ni mars olivia(mother ni fret) para bumili ng damit na isusuot ko mamaya sa dinner namin nila keiser.
"Sino ba yang boylet na yan na ipapakilala mo kay keiser?"
"Boyfriend ko mars!"
"Boyfriend? Jusko mars ang tanda mo na para sa boyfriend na yan may anak ka na kaya"
"Bakit bawal na ba mag boyfriend mars? Di pa naman ganoon katuyo ang ating mga perlas hahaha"
"Hay nako mars puro ka kalokohan haha kaya ba isasama mo si keiser?"
"Oo mars, kinakabahan nga ako sana naman okay lang kay keiser"
"Dapat kasi kinausap mo muna si keiser ng kayo lang dalawa baka mabigla yung bata"
BINABASA MO ANG
Fall (On-going)
Teen FictionMali ba yung pinasok ko? Mas maganda ba talagang nanahimik na lang ako? Pero kilala ko sarili ko ayoko ng nananahimik lang. Pero paano kung isang katulad ni Zeym Cristoffer Del mundo ang makabangga ko? Mas gugustuhin ko pa bang lumaban o manahimik n...