A/N: Sorry about that! Sabi ko 11pm ako maga-update but wattpad gone loko on me T_T ayaw niyang ipakita yung pini-paste ko so I ended up typing again! Walang proof read to kaya expect typos!
Inihagis ng isang lalaki ang hawak niyang umiilaw na maji ring sa target na gumagalaw na kahoy.
Dalawang segundo.
Sapul ang kahoy at nagkawasak-wasak ang katawan nito. Bumalik naman agad ang mga piraso nito sa kamay ng isang babaeng nakaupo di kalayuan.
"Magaling Branz!" malapad ang ngiting puri ng babae. "Pagdating sa bilis ng pagbato ng maji rings, iilan lang ang makakapantay sa'yo."
"Sobra ka Endy, para sa'kin mabagal pa ang dalawang segundo," sagot ni Branz pero halatang masaya sa resulta ng ensayo. "Sa susunod isasakto kong isang segundo. Doon lang ako makokontento!"
"Kayabangan."
Toink tengeneng toink toink toink
Toink tengeneng toink toink toink
Toink tengeneng toink toink toink
Kumunot ang noo ni Branz sa sunud-sunod na tunog ng bimbong nasa bulsa niya. Kinuha niya 'yon at sinagot ang tawag.
"Branz, kasama mo ba si Endy?" diretsong tanong no'ng nasa kabilang linya. Hindi uso rito ang 'kamusta'.
"Oo," tugon niya. Isa lang ang ibig sabihin kapag tinatawagan sila nito.
"Isang nindertal pa ang nadagdag sa listahan."
Gaya ng inaasahan niya.
"Pangalan?"
"Avanie Larisla."
'Larisla? Larisla... Larisla... parang narinig ko na ang pangalang 'yon. Hmmm-ah!'
"Ang itinakdang Prinsesa ng Ishguria?"
Lumapit na rin si Endy para pakinggan ang sinasabi ng kausap nila. Nawala na ang ngiti sa mukha nito.
"Pupunta tayo sa Mizrathel gamit ang long range teleportation, nandoon ang target. Kailangan natin 'tong gawin nang mabilis. Iyon ang utos."
✴✴✴
"Hachew!" Inis na pinunasan ni Avanie ang ilong bago kumagat uli sa hawak niyang mansanas. "Mukhang may nagbabalak ng hindi maganda sa likod ko ah."
Tumingin siya sa likuran niya habang panay ang nguya. Normal lang ang kilos ng mga nindertal sa pamilihan, wala siyang nakikitang kahinahinala.
"Hmmm... imahinasyon ko lang ba 'yon?"
"Avanie-hana!" tawag ni Yhayuk habang tumatakbong papunta sa kanya.
"Isang tawag mo pa ng Hana sasamain ka na sa'kin!"
Napa-preno si Yhayuk at alanganing ngumiti. "P-Pero isang malaking insulto sa royal ng Ishguria ang hindi paggalang sa mga miyembro ng pamilya ng Hari."
Inilapit ni Avanie ang mukha kay Yhayuk. "Tumingin ka sa mata ko." Sumunod naman ito. "Mukha bang may pakialam ako?"
"Huh?? Ah... w-wala?"
Lumayo si Avanie at muling kinagatan ang mansanas niya. "Bakit mo ako hinahanap?"
"Ah! Oo nga pala. May kararating lang po na balita galing sa Ishguria. Ibinilin ng mahal na Hari na sabihin ko agad ito sa inyo."
BINABASA MO ANG
QUINRA [Volume 2]
FantasyDahil sa pagkamatay ni Haring Riviel Qurugenn ay naparusahan si Avanie Larisla at ipinatapon sa Mizrathel; Ang lupain ng mga Exile. Samantala, apat na Kaivan ang tumulak papuntang Mordiven para makuha ang kaluluwa ni Chance at maibalik ang buhay ni...