The Only Exception

23 0 0
                                    

The Only Exception

~Written and PUBLISHED by BrokenHeartedPlayGirl~

**Marami man akong babaeng niloloko at di sineseryoso ,  pero ito ang tatandaan mo . Hindi ka kabilang sa mga babaeng iyon . Dahil ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng totoo hanggang mamatay ako ..**

The Only Exception 

" Tsk tsk .. napakababaero talaga niyang si Steven =____= . Walang pinapalagpas na babae >.< , sipain ko yan eh ." 

Sabi yan ng kaibigan kong si Veronne . Ewan ko ba diyan , ang gwapo gwapo naman ni Steven pero hindi siya tinatablan . Iba na talaga ang mga queen bee .

(A: Okay okay , dahil one shot lang ito . Mag pplug po ako ng story na ang title ay "Investigated Necklace" . Hindi man poo bida si Veronne diyan pero napakahalaga ng role niya . New story din pala siya . )

"Patricia wag kang papatol sa mokong na yan ah =____= , napakababaero niyan ."

"HIndi ko maipapangako yan Veronne . Crush ko din siya eh . Hihi <3 "

Opo , crush ko si Steven . Kasalanan ko bang tinamaan din ako sa kanya tulad ng iba ?

Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang lumalandi sa iba . Hindi ba pwedeng .. ako nalang ?

"Ah ganun ha ? *taas kilay* STEVEN !!"

Nagulat naman ako sa pagtawag ni Veronne kay Steven kaya naitulak ko siya sanhi ng pagtumba niya .

"Yes -- Sweetie ?" - nagtatakang tanong ni Steven

"Ay sorry Veronne ! Sorry sorry !" 

Itinayo ko na si Veronne . Tapos pinagpagan ko siya .

"Sorry talaga Veronne ah . Peace ^_^v"

Nagulat naman ako ng biglang ngumiti si Veronne sabay sabing ..

"Steven .. matunaw naman yan .. :)) "

Pagkasabi niya ng Steven , napalingon ako sa kanya . At BOOM ! 

O//////////////////O

Nakatitig siya sakin !!

Ngumiti siya sakin nun kaya di ko na din napigilan at napangiti na din ako sa kanya . Hindi lang kami matitigil kung hindi nag *Ehem* si Veronne .

"Babe . Ang tagal naman eh ---

Pipigilan sana ni Veronne ang panlalandi ang tuko na yun kaya lang hindi pa man natatapos ang sinasabi ni tuko ng biglang nagsalita si Steven .

"Alis . "

"Babe ? Bakit --

"Break na tayo . Ngayong nandito na ako sa harapan ng taong minamahal ko ."

Napatingin ako kay Veronne nun . At ngumiti lang siya sakin . Na siyang ikinasikip ng dibdib ko .

Ngayong nandito na ako sa harapan ng taong minamahal ko ? 

Si Veronne ba yun ?

Ang sakit naman ata </3 , bakit harap harapan pa ? At sa bestfriend ko pa ?

"A-ah Veronne , congrats ah . C-crush ka pala talaga n-ni Steven . W-wait lang ah --

"Eh ? Pinagsasasabi mo diyan Patricia ? Nasa likod mo po ako =.= , edi sino ang nasa harap niya ?"

Tinuro ko pa yung sarili ko . Eh --

"AKO ?!"

Nagulat nalang ako ng biglang pinisil ni Steven yung pisngi ko .

"Ang cute mo talaga Patty^^ ."

O______O , t-teka ?? Anong nangyayari ??

"Matagal na kitang gusto Patricia . Sadyang torpe lang talaga ako kaya hindi ko masabi sayo . Pasensya na kung nambababae ako ha ? Sinusubukan ko kasing kalimutan ka .. pero wala eh .. "

Tapos hinawakan niya ako at itinapat niya iyon .. sa puso niya ..

"Ikaw lang talaga ang tinitibok nito .. "

O//////////O

Sheeeeeet !! Kinikilig ako ~!!

"Pero naisip ko .. wala namang masama sa pagttry diba ? Kaya nagtapat ako sayo . Hindi ko lang alam kung uuwi akong luhaan ko happy T3T "

Uwaaaaa ~!!! Ang kyooot niya magpout !! Sarap ikisssssssssssssss !!!

Ay ? Ano ba namang utak yan Patty =.=

"Patricia .. "

Tapos lumuhod siya sa harap ko at may inilahad na .. singsing ??

"Can you be my girlfriend ?? "

O_____________________O

ANO DAW ?!

"Kinikilig ako sa inyo , takte =.= "- Veronne 

"Sorry .. But 

... No " 

Nagulat naman si Veronne nun at napasigaw .

"WHAT ?! WHY ?! DIBA CRUSH MO RIN SIYA ?! BAKIT HINDI ?!"

Napatayo naman si Steven nun .

"A-ah , wag na Veronne .Okay lang sakin , Patricia . I respect your desisyon ."

Sa totoo naman , gusto ko siyang sagutin eh .. Kaya lang , isa siyang playboy .. nakakatakot , baka pinaglalaruan niya lang pala ako ..

"Playboy ka Steven .. Natatakot ako , paano nalang kung mahulog ako ng tuluyan sayo ? "

Napangiti naman si Steven nun . Kaya lalo akong nahuhulog sa kanya eh </3

Pero hindi pwede ..

"Marami man akong babaeng niloko at di sineryoso . Pero ito ang tatandaan mo , hindi ka kabilang sa mga babaeng iyon . Dahil ikaw lang ang mamahalin ko ng totoo hanggang mamatay ako ."

"At kung mahulog ka man sa akin . Wag kang mag - alala ,  nandito ako para saluhin ka . Di kita hahayaang mahulog at masaktan .. You .. are the only exception Patricia ."

Napangiti naman ako sa mga pambobola niya . Ang kyooot kyooot niya talaga *O*

"You are the only exception Steven .. Dahil , ikaw lang ang hahayaan kong maging boyfriend ko ."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Only ExceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon