Chapter 10

3.7K 87 0
                                    

Lumipas na rin ang ilang linggo mula nang makabalik si Avery from Las Vegas. Noong una ay hindi pa siya makatulog ng maayos for several nights but nowadays ay back to normal na ang buhay niya. It seems na unti-unti nang nafa-flush mula sa kanyang sistema ang mga pangyayari.

She is now focused on work. As a senior game programmer sa Storm Shuffle Entertainment, or SSE for short, her pride in her work drives her to be even more successful. Of course, she's one of the elites in her field, lalong-lalo na at lagi naman naghi-hit sa market ang mga desktop and mobile games na na-dedevelop niya together with her team.

Right now, busy siya sa pag-aasikaso sa naiwan niyang trabaho. Siya ang team lead ng grupo nila kaya naman mas mabigat ang responsibilities niya. May pagka-career oriented din siya na tao kaya naman gusto niya na successful ang kung ano man ang projects na ibinigay sa kanila.

Bago siya umalis pa-Vegas ay nasa testing stage na sila sa game app na plano nilang i-launch a few months from now. Kailangan nilang i-make sure na walang bugs and errors ang app. Otherwise, hindi iyon tatangkilikin ng tao. More than that, it will also be a shame for the company.

Pagbalik niya, as she expected, marami-rami rin ang bugs na kailangan nilang i-fix. As the head programmer, may share din siya na dapat niyang trabahuin. Confident naman siya though na makakaya nilang ayusin ang bugs within the timeline na ibinigay sa kanila since magagaling naman ang kasamahan niya sa trabaho.

The best thing about working with people who are good at their jobs is that alam mong magagawan niyo nang paraan ang kung ano man kailangang i-troubleshoot. She is proud with her team members too dahil without them, her team wouldn't be one of the top teams within SSE, and perhaps in the industry too. May ranking internally ang SSE na ang pinagbabasehan ay ang performance ng mga game apps na naka-launch na sa market. Although madalang lang maka-first ang team niya, mostly nasa 2nd or 3rd sila. That's not bad, right?

She finds her life quite fulfilling now at unti-unti na rin niyang nakakalimutan ang kahibangang ginawa niya one month ago.

Until that one morning na magising siyang parang hinahalukay ang kanyang sikmura. That feeling was so awful that she had to run towards the bathroom quickly. Isinuka niya lahat ng kinain niya noong nagdaang gabi pati na rin ang gastric juices sa tiyan straight sa toilet bowl. Ilang minuto din ang inilagi niya sa banyo sa kakasuka bago siya lumabas. Nanghihina ang buong katawan niya at para siyang nahihilo.

"May sakit pa yata ako ngayon.", sabi ni Avery sa sarili. "May nakain ba akong masama?"

Napahiga siya uli sa kama bago inabot ang cellphone na nasa bedside table. Tiningnan niya ang oras.

Dalawang oras na lang at dapat nasa opisina na siya. Pinakiramdaman niya ang sarili kung kaya ba niyang mag-clock in today. Para namang gumaan-gaan na ang pakiramdam niya matapos niyang mag-suka kaya nagpalipas na lamang siya ng ilang minuto bago naghanda para sa pagpasok sa office.

Pagkatapos maligo at magbihis, umalis na agad siya ng condo unit niya at dumiretso sa kalapit na eatery na kung saan suki siya.

"Ate Mariz!", tawag niya sa may-ari ng eatery na nakapalagayang-loob na rin niya. "Anong ulam?"

Tiningnan niya ang naka-display na pagkain. Puro pang-agahan ang naroon. Umorder siya ng tig-iisang serving ng bacon, hotdog, itlog, at corned beef tsaka dalawang kanin.

"Takaw natin ngayon ah!", puna ni Ate Mariz sa kanya.

"Oo nga ate eh.", pakikipagkwentuhan niya rito habang hinahanda nito ang order niya. "Sumuka kasi ako kanina pagkagising ko kaya pakiramdam ko walang laman ang tiyan ko."

"Ha? Naku bata ka! May sakit ka ba?", buong pag-aalalang tanong nito sa kanya. Sa ilang taon na bang dito siya laging kumakain sa eatery ni Ate Mariz, parang pamilya na rin ng turing nito sa kanya.

"Wala naman po akong lagnat." Ngumiti pa si Avery para i-assure ang babae na okay lang siya. "Baka po may nakain ako na masama kagabi, baka hindi lang ako natunawan."

"O baka naman buntis!", pasabad na kantyaw ni Kuya Albert, isa sa mga serbedor sa eatery. Natatawa pa itong nakatingin sa marami-rami ring pagkain na inilagay ni Ate Mariz sa tray niya.

Natigilan si Avery sa narinig. Bigla na lang bumilis ang pintig ng puso niya at nanlamig ang kanyang mga kamay.

'No.', pag-iling niya sa sarili. 'Imposible. Isang gabi lang yun nangyari uie!

'Isang gabi nga pero paulit-ulit naman!', sumbat pa ng isang bahagi ng isip niya.

"Magtigil ka nga Albert!", saway ni Ate Mariz. "Hindi porke't nagbubuntis ang asawa mo ngayon ay iisipin mo na na lahat ng babae ay buntis!"

-----

A/N: Matakaw ako. Konti pa sa akin ang tig-iisang serving ng apat na klase ng ulam at dalawang cup ng rice. Hahahaha.

Vote kayo pag may time. :)

[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon