Dear diary, it's about time. Akalain mo nga naman, it's my birthdaaay. Pero bakit parang wala namang special sa araw na 'to? Even my own parents forgot my birthday. I think I should just get a blade and do what Hannah Panadera did, kaso wala kaming bath tub, so baka sa inidoro nalang. So anyways, I really wanna cry pero makakabawas yun sa beauty ko, so I will just act na it's an ordinary day. As usual, nasiraan nanaman yung school bus, mama decided na wag nalang ako mag school bus kasi sayang lang sa pera. Everyday nalang daw akong magpapahatid kay papa para less gastos.
Buti nalang at hindi na ako late ngayon, hindi ko na maririnig yung bungangang pagkalakas-lakas ni Ms. Panganiban (yassss). Lumapit sakin yung bestfriend ko, si Chris, Christopher Dominic Dimapasoc sa umaga, Christine Dominique Pinapasocan sa gabi #pak🔥. Omg nakaka touch, I can't stop my tears na. Natapakan niya kuko ko sa paa, like Oh my gosh, darling 😭. Hihiram lang pala ng ballpen ang kabayo, akala ko naman naalala niya birthday ko. Hmph, tampo na me, I hate everyone today, except for papa Jake mylabs (kahit hindi rin niya ako binati 😞).
Limang tests ang hindi ko nanaman nasagutan ngayong araw (as usual). Buti nalang at multiple choice yung tatlong test, essay naman yung dalawa. So I may not be smart, I may not be wise, but it's my birthday so bahala kayo diyan. #Enerew?
Habang nasa sasakyan ni papa, nag text si mama. "Pakainin niyo yung isda natin ah, kawawa naman, hindi napakain kaninang umaga.", ouch... So yung isda naalala niyo, pero birthday ng sarili niyong anak hindi niyo man lang naalala? Anong klaseng mga magulang kayo? Anong klaseng magulang ang magagawa 'to sa sarili nilang anak? May damdamin din naman ako no, sana ako nalang yung pesteng goldfish na yan. Ayun, sa sobrang kadramahan ko biglang nag break yung sasakyan, nahulog phone ko tapos nauntog pa ako. #SadLayp 😞
Nakakaloka talaga, naputulan yata kami ng kuryente at napakadilim, humayghad. Pagbukas ko ng pinto, habang nagpapark si papa, ayun, surprise. Nakakatouch talaga, nakakaiyak, nasurprise ako. Nasurprise akong malaman na magiging ate na ako, buntis si mama. Ginalingan yata nila papa eh. 😅
But yah, you know, I'm thankful kahit feeling ko hindi si papa yung ama kasi parang shocked siya (nabutasan yata ng condom or what, hindi ko maexplain). Omg, biglang may kamay na nakapatong sa shoulders ko. Omg omg omg, nakatayo pa naman ako sa tapat ng pinto. Feeling ko talaga friends ko to eh, they're going to surprise me. But no... It's just papa, "Ano ba anak? Para kang bulateng binuhusan ng asin diyan, tumabi ka nga." I hate this family, good luck nalang sa kapatid kong fetus palang ngayon, baka nga hindi pa maalala ni mama na buntis siya eh, hmph.
Time check, 11:40. I expected na isusurprise nila ako, pero I think it's too late if ever may balak silang gawin yun. #BaklaNgTaon (Chris/tine) texted, Omg, birthday mo pala gurl. Hindi mo naman sinabi at sana nabati man lang kita. Pero at least it's still your birthday naman so... Happy birthday sa pinakamagandang (no choice) babae sa mundo!! Libre mo ako tomorrow or else hindi ko na ibabalik yung ballpen na hiniram ko sayo kanina pati last year. Chos! Oh siya, nagrereview pa ako ng human anatomy, pinagaaralan ko yung abdominal muscles ni papa Jake 😍.
Oh well, at least may nakaalala. And look who texted, it's my mother dear.
Anak, bumaba ka nga muna dito.
Tignan mo nga naman, mukhang may ipapabili nanaman 'to sa 7-11... But no, nagulat ako na pagbukas ko ng pinto, may mga rose petals, kung sino man nagplano nito malamang hindi ako kilala. I'm allergic to rose, humayghad. Pero thankful naman ako na may lilinisin ako later, pakalat-kalat pa ng rose petals, akin din naman ipapalinis. Pagpunta ko ng kitchen, naiyak na talaga ako, for real, like I don't know what to do na. There was a blueberry cheesecake na may candle sa table. May carbonara, barbeque, salad, red wine, and a note.
To Joanne Aquino, happy birthday! Siguro akala mo hindi namin maaalala noh? Doon ka nagkakamali, hinding hindi namin makakalimutan ang kaarawan ng aming unica hija.
After reading the message, naramdaman ko na nasa likod ko na sina mama at papa. Habang umiiyak, nabitawan ko yung note at niyakap ko kung sino man yung nasa likod ko (mama or papa, not sure). Tignan mo 'to si papa, nagpabango pa. And parang nag iba pabango niya, in fairness, bet ko yung amoy.. Pagkatingin ko, omg si papa Jake put@&**%@, shet. Nakangiti lang siya sakin, shet ang cute niya, nayakap ko pa siya shet humayghad. Nakakahiya ang shunga ko, pero happy ako, naramdaman ko abs niya hihihi nasa #WishList ko kaya yun 😜.
Bago pa ako makapagsalita, sumigaw na ang bakla ng taon sa tabi ni papsi Jake, "HAPPY BIRTHDAY JOAAAANNE!!" with matching party poppers pa talaga. Best birthday evah, dalawang kaibigan ko, mag o-overnight sa aming house 😍 (actually isa lang pala yung kaibigan, yung isa, ka-ibigan 😍😍😍).
Best birthday ever, may bago akong kapatid, nayakap ko si papa Jake (at naramdaman ko yung abs 😍😜), at mag o-overnight sila sa bahay namin ❤. Sana nga lang dalawa lang kami ni fafi Jake, epal yung isa eh, hindi nalang mag bar, chos!! 😂😜
And that is how a queen bee celebrates her birthdaaay 👑💖.
"Fafa Jake, tulog na tayo, dito ka sa kama ko hihihi 😜."
= To be continued (part 3 released) =
YOU ARE READING
Your Typical Filipina Story
HumorHi guys 👋, this is Joanne Aquino, and welcome to my world. You are about to read my diary, and for me, that diary is the only place kung saan pwede akong maging totoo sa aking sarili. Doon ko nilalagay ang aking mga saloobin, hinanakit, kilig, mga...