3: Ayoko na

4.6K 18 4
                                    

Mahal, isang salita ang nagpatapos saating pagmamahalan
Isang salita ang nagpaguho ng aking mundo
Isang salita ang nagpadurog ng aking puso

Mahal, yang salitang binitawan mo ang siyang madaming katanungan ang pumasok sa aking isipan,
Hindi pa ba ako sapat?
Hindi pa ba sapat yung mga iginugol ko?
Hindi pa ba sapat yung pag-iintindi ko?
Hindi pa ba sapat yung paghihirap ko?
Hindi pa ba sapat yung pagmamahal ko?
Hindi pa ba sapat yung ako?
Hindi pa ba sapat yung merong ikaw at ako?

Mahal, ang sakit.
Ang sakit sakit.
Kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko,
Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at lungkot dito sa puso ko

Sunod sunod na iyak galing sa mga mata ko
Sunod sunod na hikbi na akala mo hindi na ako makahinga sa sobrang lungkot

Ayoko na, kasi pagod na ako
Ayoko na, kasi hindi ko na kaya
Ayoko na, kasi wala na akong ipaglalaban
Ayoko na, ayaw mo na nga ano pang gagawin ko?
Kung yung pinaglalaban ko sumuko na.

Mahal, hindi ako nagkulang
Mahal, binigay ko lahat
Mahal, minahal kita at mahal na mahal padin kita
Pero mahal ano pang silbi ko kung ikaw ay may mahal nang iba?

Ayoko na...
Siguro nga hanggang dito na lang
Siguro nga kailangan ko na ding palayain ka
Siguro nga kailangan ko nang maging masaya
Siguro nga kailangan ko nang tanggapin

Kasi ayaw mo na...

A Spoken Poetry: Para sa mga brokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon