simpleng tula na ginawa sa loob ng 3 minuto. Para sa mga naging estudyante ko sa RHS. :) Pwedeng Mag-comment. xD
Iba-iba sila,
Mula ulo hanggang paa.
May kaakit-akit at kahali-halina,
Mayroon din namang ‘no comment na lang’.
Iba-iba sila,
Mula sa itsura ng mukha nila.
May maganda at gwapo,
Mayroon din naman ‘teka, busy ako.’
Iba-iba sila,
May patay na bata, mayroon ding bibo.
Pero minsan sobra na,
Tuloy, nahahigh-blood na si Teacher.
Iba-iba sila,
May matalino, may feeling matalino.
Pero kahit ganoon sila,
PROMISE, willing silang matuto.
Iba-iba sila,
May masipag, may matino.
Pero di mawawala ang nakikiuso,
Kay Juang Tamad na Brother-in-law.
Iba-iba sila,
Parang sangkap sa Chopsuey.
Mukhang pagkain man ng baboy,
PROMISE, magugustuhan mo rin sila!
Iba-iba sila,
Mula sa hubog ng katawan.
May seksi, may macho,
Pero ‘di yun totoo.
Iba-iba sila,
Mayroong matino.
Pero di mawawala ang baliw-baliwan,
Lalo na’t kung saan usapan ay gustong makisawsaw.
Iba-iba sila,
Mula ACAPULCO hanggang ATHENS.
Di mawawala ang BAGHDAD,
Samahan mo pa ng BERLIN at CAIRO.
Iba-iba sila,
Batay sa mga nakikita ng aking mga mata.
Ngunit kahit gano’n sila,
Napamahal na sa akin ‘yan.