Naglalakihang mga puno ang bumungad sa akin pagkadating sa Apolonya. Ang daang dinadaanan ng kotse namin ay hindi man lang sementado at lubak-lubak, pero napapalibutan ang gilid namin ng nga naglalakihang puno. Napaisip tuloy ako kung ilang taon na ang mga punong ito. Isang daan? Dalawa? Baka nga limangdaan.
"Jess, " Sinilip ako ni Papa mula sa driver's seat. Nginitian niya ako.
"Nandito na tayo, " sabi ni Mama at natawa na lamang siya sa tagal ng biyahe.
Sampung oras ang biyahe mula Manila hanggang dito sa Apolonya. Kasama na don ang dalawang oras na biyahe sa dagat.
Mga trenta minutos pa ang minaneho ni Papa hanggang sa makarating kami sa harap ng bakod ng isang malaking bahay. Hindi ito matuturing na mansyon pero malaki na ito kumpara sa karamihan ng bahay sa Maynila.
Ginising ko si Jared, ang bunso ng pamilya, at sabay sabay kaming lumabas ng Honda. Sinalubong kami ng isang babae na ilang taon ang tanda siguro kay Mama. Halata rin ang pagkahawig nilang dalawa. Mula sa itim at mahabang buhok hanggang sa malaki at brown na mata.
"Jared, Jessica, magmano kayo sa Tita Cora niyo," sabi ni Mama. Ginawa namin ang gusto niya.
"Ito na ba sila Jared at Jessica? Ang laki-laki na nila ah, huling kita natin, ganito palang sila kaliit, " ani Tita Cora habang nilelebel niya ang kanyang kamay sa kanyang bewang. Ngayon, mas matangkad na ako sa kanya at mas matangkad naman sa akin si Jared kahit na mas bata siya sa akin.
"Siguradong pagod na kayo sa mahabang byahe. Jared, Jessica, yung kwarto niyo nasa taas, sa dulo ng hallway sa kanan, magkaharapan iyon kaya madaling makita. Pwede na kayo mauna don kung gugustuhin niyo, " Aniya Tita Cora pagkapasok namin sa bahay. Sumalubong sa akin ang isang makalumang staircase sa kaliwa at makaluma rin na kahoy na sliding door na may ukit na antik sa kanan. Sa dulong harap ay isa rin sliding door na gawa sa kahoy at salamin. Doon ata palabas sa hardin. Sa kisame ay may isang engrandeng chandelier at pin lights sa gilid.
"Ayos 'tong nabili niyong bahay, Cora ah, " sabi ni Papa habang tinitingala ang kisame na tila inaalala ang bawat detalye ng mga cornice.
"Makaluma ang design niya pero malinis at malaki, gaano ka na katagal dito? " dagdag ni Mama. Ang pagkakaalam ko ay parehas kami na ayaw sa makalumang disenyo.
"Ah oo, naswertehan ko talaga to, mga tatlong buwan palang. Dating nagaabroad ang nakatira dito, " sabi naman ni Tita Cora.
Tinignan ko siya at ganun rin ang ginawa niya. Nginitian niya ako at ngumiti ako pabalik. Halatang mas matanda siya kumpara kay Mama, kaya siguro mas nadepina ang mga katangian sa mukha niya. Ang sharp jawline, mataas na cheekbones, at ang mas matangos na ilong nito.
"Bakit nila binenta? Sayang naman, " tanong ko. Yumuko siya at napailing.
"Naghiwalay ang mag-asawa. Itong bahay, napunta sa babae. Hindi na rin niya siguro balak tumira dito sa Apolonya, kaya binenta, " sagot ni Tita Cora. Napatingin si Mama sa kanya.
"Tinutukoy mo ba yung magulang nung isa sa nawala? " Tanong ni Mama na parang gulat.
"Ah, oo. Grabe talaga awa ko sa mag-asawa," sagot ni Tita Cora na umiiling.
"Sinong nawawala? " Tanong ko. Binangga ako ni Jared nang papunta siya sa hagdan. "Si Ate, chismosa, " sabi ni Jared habang umaakyat ng hagdan. Bitbit niya ang isang bagpack at bagahe niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa naglaho siya sa hallway sa kanan.
BINABASA MO ANG
Anito
Misterio / SuspensoPapunta sa isang bakasyon, nawala na parang bula si Nora Salvez. Ngayon, isang misteryo ang umiikot sa lalawigan ng Apolonya na umagaw sa interes ni Jessica Roca, isang dayo. Kasabay ng interes niya ay ang pagkahumaling niya kay Lucas Gallo, ang...