YUNG PAKIRAMDAM NG...

1.2K 12 3
                                    

October 22, 2011

alam mo yung pakiramdam na hindi ka na makahinga?

hindi ka makahinga kasi hindi mo na makayanan?

dahil sa hindi mo na makayanan gusto mo nang kumawala

kumawala sa mundong ayaw mo nang galawan

dahil sa bawat galaw nasasaktan ka lang ..

iyung pakiramdam na parang dinudurog na 'yung puso mo?

yung feeling na you have to but you don't want to?

ito yung pakiramdam na walang nakakaalam at walang gustong umintindi

yung para bang sige na intindihan mo na ako pero walang makagawa ?

iyong gusto mo nang tapusin pero hindi mo magawa?

iyong nakatali ka na sa mga salita mo pero bigla mo na lang bibitawan at iiwan na lang ..

iyong mga pakiramdam na gusto mo nang maalis para hindi ka na magdusa..

pakiramdam na kahit kailan hindi mo mararanasang makamtam dahil hindi pwede at nakakasama ..

natatakot kang maramdaman dahil ayaw mong masaktan kaya iniiwan mo na lang ..

at kapag naramdaman mo na at nagustuhan mo sosobra ka at ikamamatay mo na ...

na para kang naoverdose sa nireseta sayong gamot na hindi mo naman dapat iinumin pero natukso ka kasi gusto mong malaman kung anong pakiramdam kapag ininom mo iyon ...

mga ....

pakiramdam na ayos lang kahit na hindi naman.

pakiramdam na gusto mo pero ayaw mo pala.

pakiramdam na sige lang pero wag pala.

pakiramdam na gutom ka pero hindi pala.

pakiramdam na naiihi ka pero hindi pala kasi kinikilig ka lang.

pakiramdam na gusto mong sabihin pero ayaw mo baka kasi hindi niya matanggap.

pakiramdam na may nakita kang gwapo pero bakla pala.

pakiramdam na gusto mo siyang titigan pero nung tinitigan mo siya nakatitig din pala siya sayo.

pakiramdam na gusto mong sugurin 'yong taong nanakit sa 'yo pero hindi mo magawa kasi ayaw mo siyang masaktan.

pakiramdam na sobrang saya mo pero kung titignan ka sa mata mo hindi naman pala.

pakiramdam na hindi ka nasasaktan pero ang sakit sakit na pala.

at iyong pakiramdam na hindi kita mahal pero mahal pala kita.

mga pakiramdam na ayaw mong maramdaman pero nararamdaman mo na.

mga pakiramdam na gustung-gusto mong iwaglit pero makulit dahil ayaw kumawala.

mga pakiramdam na ayaw mong maranasan ng iba kaya pinapayuhan mo sila pero iyong mga payong iyon ay hindi mo masunod ng ikaw lang ...

mga pakiramdam na nagtatanong ka sa sarili mo ng bakit?

bakit.. bakit.. bakit..

bakit kailangang humantong sa ganoon?

bakit kailangang ako, siya at ikaw pa?

bakit kailangang maramdaman mo ang lahat?

bakit kailangang magtanong ka pa kung alam mo naman ang sagot sa mga katanungan mo?

lahat may dahilan ...

pero pano kung ang dahilan ee para masaktan ka lang?

siguro dahilan din yun para maging matatag ka ..

dahilan para makabangon ka sa hirap na iyong dinaranas ...

hirap na kaya mong lagpasan ng may paniniwala sa iyong sarili at kakayahan at sa Diyos na iyong sinasamba ..

paniniwalang wala nang makakatapak pa sa 'yo dahil naging matatag ka ..

IYONG PAKIRAMDAM NG masaya ka na dahil nakamtam mo na iyong tunay na kaligayahan ...

pero kailan mo kaya iyon mararamdaman ..

iyong pakiramdam na gustong-gusto mong makuha noon pa ...

MALAYANG TALUDTURANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon