3:40 pm
Same time and place. Pano kaya ako makakalabas?? .......... I know na :D
"Cess, sasama kaba sa pagsundo sa papa mo mamaya?" tanong ni mama.
Napalaki mata ko sabay tingin sa Calendar. April 2.Shems, ngayon nga pala uwi ni papa. Naging busy ako masyado kay Ram.
"Opo. Anong oras po ba?"
"8 ng gabi aalis na tayo."
"ok." .. "Ay ma bibili lang ako ng meryenda."
"Sige. Bilisan mo."
"Opo. Sandali lang po ako."
4:00 pm
Sakto ako pero wala naman siya. Geez. Nagintay ako ng mga tatlo o apat na minuto tyaka ako umuwi. Sabi ko kay mama sandali lang ako e.
Paguwi ko, kinuha ko ang laptop ko at dun nagmeryenda at tumambay sa terrace. Nag online ako para imessage siya, pero hindi siya Online. So I just leave him a message.
Me: pumunta ako pero wala ka naman.
*Out*
------
9:53 pm @NAIA
"Ma anong oras ba dadating si papa?" bored na bored na ko. Mag iisang oras na kaming naghihintay.
"10:00 daw." sagot ni mama habang tumitingin sa orasan.
mga ilang minuto lang ....
"AYUN SI PAPA." sigaw ni Carlo.
"Asan???" tanong ni mama.
"Ayun oh. Naka Yellow na Polo." turo ni Carlo.
Pinuntahan namin si papa at syempre, hindi mawawala ang yakapan.
"Tara na." aya ni papa.
Kumuha kami ng FX Taxi pauwi.
Tahimik lang sa sasakyan. Nakatulog nadin kami.
"Cess,Carlo andito na tayo."
Pagmulat ko ng mga mata ko, nakita ko may mga nakatambay. Bumaba ko ng sasakyan pero iniwasan ko ng tingin yung grupo ng tambay, saka nagmadaling umuwi.
Pagkauwi, binuksan na agad yung mga pasalubong ni papa. Chocolates, bags, shoes, clothes etc. May nakuha pa kong perfume.
Nag thank you at yumakap kami kay papa tyaka nahiga at natulog.
------
7:15 am
Paggising ko. Nag almusal na kami. Ang sarap tignan na buo kami. Sana laging ganito.
After namin kumain. Naghugas nako ng pinggan at nagsaing nadin para wala nang proproblemahin mamaya.
"Yatz, peram laptop mo." ate Jen.
"Huh? Bakit? May cellphone ka ah."
"EMP-TY."
"There's a thing we called 'charger'."
"Yun nga nagchacharge. Eh kachat ko si Jhomar e. Dali na peram na kasi."
"Wait. Ako muna."
Binuksan ko yung kalan para sa sinaing tyaka ko pumasok ng kwarto para kunin yung laptop ko. Nag Online ako ...
1 New Message.
Ram: Di mo ko pinansin kagabi.
online siya.
Me: di kita nakita. wala yung salamin ko.
Ram: Lagi nalang ganyan, anong mangyayari satin niyan?
Me: *LogOUT*
Mahirap nga kapag di kayo legal :(
mahirap ang secret relationship. Walang freedom na magkita. Hindi mo mararamdaman. Hanggang sulat lang. Hanggang chat lang. Paano namin makikilala ang isa't isa kung wala akong panahon na makipagkita sakanya? Kung hanggang chat lang ang communication namin?
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
De Todo"Ram ... can we try it again." What if you made a wrong decision of letting go the person you love the most and you just realize that after a year. You realize that you can't love anyone but him. That's Princess Dionisio for you. Since grade 5, cru...