March 16, 2014
Akala ko puso natin ay iisa,
ngunit ako lamang pala.
Nagmamahal sayo, ano pa ba?
Kulang nga ba ang mahal lang?
Bakit di kayang suklian?
Ginawa ko na ang lahat kahit na bawal pa.
Naging tanga na't lahat ano pa?
Kulang pa rin ba?
Nasaktan ka sa iba, alam ng lahat.
Kung kaya't ang pag-ibig ay ginawa nating larong dalawa.
Ngunit ano itong balita?
Puso mo raw ay may laman na palang iba.
Umasa akong may pag-asa at may bukas pa.
Ngunit pinaasa mo lang pala ang puso kong tanga,
na walang ibang ginawa kundi mahalin ka.
Buo at tunay di katulad ng iba.
BINABASA MO ANG
MALAYANG TALUDTURAN
PoesiaNang magsimulang magkamuang sa mundo ng pagsulat at imahinasyon. Para bagang nasa isang dimensyon na hindi mo maapuhap kung saang lupalop ng mundo. Isa itong pinagsama-samang damdaming bumubuo sa aking sarili sa bawat araw, buwan at taon. Mga damdam...