still crazy

64 5 3
                                    

*lastPart*

"Angie?" gulat na gulat nya sambit, dahil sa hindi inaasahang pangyayaring ito, hindi nya aakalaing ang unang magiging pasyente nya ay ang babaeng nagmarka sa kanya noong sya ay kolehiyo pa.

akala nya ka-pangalan lang nito ang magiging pasyente nya, pero nagka-mali sya.

gustong umiiyak ng dalaga ngunit tila ubos na ang tubig nito sa katawan at wala na syang maiyak pa.

"Christian.." ngumiti ito, sa loob ng pitong taon na pagkukulong nito sa kwarto ngayon lang ito ulit ngumiti.

marahang humakbang ang lalaki papalapit sa dalaga, hindi maipinta ang emosyon nito, may awa, lungkot at kung ano sa puso nya ang kumirot dahil sa nakikita ngayon.

"bakit nangyari sayo 'to?" naiiyak na sambit ng lalaki ng makalapit sya ng tuluyan sa dalaga.

lumuhod sya at hinawakan ang kamay ng dalaga.

nabura ang ngiti ng dalaga at muling itinuon ang pansin sa labas ng bintana.

pagkatapos ng pitong naging isang doktor si Christian, isang ispesyalista sa pag-iisip. pareho sila ng kinuhang kurso ng dating kasintahan, ngunit ng ito'y umalis sa bansa nila, at itinuloy nya ang pag- aaral sa ibang bansa.

ngunit ano nga bang dahilan kung bakit umalis ng bansa ang lalakinh matagal nang hinihintay ni Angelene? dahil lang ba sa pag-aaral?

bakit nga ba kinailangan nya pang lisanin ang babaeng nagmamahal sa kanya ng lubusan?

lumipas ang ilang linggo, ngunit mukang mas lumala ang lagay ni Angelene, hindi na ito kumakain at natutulog, hindi niya na rin ginagalaw ang gamot niya. Palagi na lang syang nakatingin sa labas ng bintana, tila naghihintay ito ng sagot sa lahat ng kaniyang tanong.

araw-araw na pinupuntahan ni Christian si Angelene, at halos buong araw ay binabantayan ito  nagbabakasakaling masagot ang lahat ng tanung nya sa dalaga.

pareho silang may tanong, si Angelene na gustong ang magmula pa noong gumugulo na sa isipan niya, ngunit wala siyang lakas. At si Christian na gustong magtanung tungkol sa nangyari ngunit wala syang lakas ng loob.

ngunit isang araw, naisipan ni Christian na ibalik ang dati, naisip nya na baka makatulong ito sa pag galing ng dalaga, dahil nasabi sa kanya ni Jay na, nasiraan ito ng bait ng mawala sya sa buhay ng dalaga, nalaman nya na muntik na itong mamatay ng dahil sa kanya.

pumunta ang doktor sa kwarto ng dalaga ng walang dala kahit ano, hindi sya nakasuot ng ano mang suot ng doktor, tanging simpleng sya ang dinala nya, pero imbes na makatulong, parang mas lumalala pa ang lahat dahil ng tignan sya ng dalaga umiyak ito at nagsimulang bitawan ang picture frame nilang dalawa.

"sssshhhh... tahan na, tahan na." sambit ng lalaki habang yakap yakap nya ang dalagang umiiyak

umupo sila sa higaan habang nasa ganoong pwesto parin.

unti-unting tumahan ang dalaga "bakit?" mahinahon at malumanay na tanong ng dalaga.

hindi alam ng lalaki kung paano nya sasabihin ang tunay na sagot sa mga tanung ng dalaga.

kung bakit nga ba talaga nya iniwan ang babae?

tahimik lang na hinahaplos ng lalaki ang balikat ng dalaga upang ito'y pakalmahin, habang ang dalaga'y nakatitig lang sa litrato na nasa sahig.

sa kabilang banda naman, nakatingin lang si Jay sa kanila, may pintang inis at galit ang muka nya para kay Christian.

sumapit ang buong maghapon, at oras na ng pag-uwi ni Christian sa bahay nila nang bigla syang hablutin ni Jay sa bandang gate.

Crazy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon