"Miss Lilia" minulat ko ang aking mata at nakita ko ang isang pamilyar na figure. Mejo blurry siya dahil kakagising ko palang.
“hmmmmm” pumikit ulit ako at humiga patagilid, gusto ko pang matulog!
“Miss Lilia” Mejo naging clear na ang kaniyang boses namulat ko na rin ng buo ang mata ko, umupo na ako sa bed at tinignan ko na rin kung sino ang gumigising sa akin, napa kunot ang noo ko.
“Sebby, sabi ko sayo gisingin mo ako gamit ang “cute” form mo” payo ko dito. Si Sebby pala ay isang “Demon” at familiar ni kuya Shiro, familiar pala ang tawag nila sa “pet” nila, sabi ni Kuya Shiro, loyal daw ang mga familiar sa master nila. Sabi rin niya inalagaan niya si Sebby noong itlog pa ito at ahem! Ako ang nagpangalan sa kaniya, ang cute diba?
“Pero hindi naman po nagwowork ang paggising ko sainyo tuwing ‘yon yung gamit ko”
“Hindi Kaya!”
“Oo kaya”sabay pukpok sa ulo ko ng isang papel na bagay. Tumingin ako sa likod ko kung sino ‘yon, si Shiro na may hawak na dyaryo, nakadamit na ito pang eskuwela.
“Hinihila mo kasi si Seb sa bed mo tuwing naka “beast form” siya at matutulog ulit” Patuloy niyang inirason, “Seb” ang tawag niya kay Sebby ko kasi ayaw daw niya yung pinangalan ko sa kaniya, gusto niya mas “cool” kasi daw “cool” yung nakuha niyang breed na familiar, “dragon” type daw ito, maliit palang yung cute form niya dahil bata palang daw ito, mas matanda nga daw ako kay Sebby ng 5 years. Black ang skin nito at fluffy pa, kaya nga ang sarap niyang yakapin eh parang unan lang.
“aa, Miss Lilia, kumain na po kayo, nakahanda na po yung umagahan ninyo” singit ni Sebby sa usapan, mejo matinis ang boses niya pero matangkad ito at naka suit pa, nakakaasar lang kasi mas matangkad siya saakin, kaya nga hindi siya cute! “human” form ang tawag doon at only high level na beasts ang may kaya nito, in fairness may itsura rin siya tuwing naka human form ito, pero mas prefer ko parin ang cute form niya.
“Ayaw” humiga na ulit ako sa bed at tinakpan ko ang sarili ko ng kumot.
“Ahhh, Ang spoiled mong prinsesa ka” narinig ko ang pagkairita ni Shiro, ayan na sasabihin na niya….
“Ano ba ng gusto mo?” Yehey!
Umupo ako sa hinihigaan ko at tinaas ang kanang kamay at sinabing “Cute Form!” Obvious na sa kanila kung ano ang ibig kong sabihin.
Napabuntong hininga si Shiro at tumingin kay Sebby, mukhang naintindihan ni Sebby ang sinasabi niya sa kaniya via tingin lang.
And then *POOOF* si Cute form na! Ito ang dahilan kung bakit “Sebby” ang pangalan niya! Lumipad ito sa akin at niyakap ko siya tumakbo na rin ako papunta sa pintuan.
“Oi Lilia, may nakakalimutan ka pa” geh, may masungit sa likod ko. Bumalik ako kay Shiro at kiniss siya sa cheek at tumakbo na sa dining room, ang cute cute talaga ni Sebby.
“Hayy nako, ibang-iba kay “Ate Lilia”” bulong ni Shiro sa sarili niya tapos sumunod na ito sa dining room. Kung ganun lang ang “Lilia” sa school ay hindi na nito siya papayagang pumasok, ayaw niyang may nakakaalam ng “Spoiled” side nito.
WALA SILA MOMMY sa bahay, hindi ko alam kung nasaan sila pero ang alam ko nagtatravel sila around the world. Iniiwan na nila ako dito kaya alam ko na pinagkakatiwalaan nila si kuya Shiro, pero sobra namang madalas na ang pagtravel nila at hindi na nila pinapaalam sa akin at hindi man nila sinasabi kung nasaan sila, NAKAKAASAR!
BINABASA MO ANG
My Lover is a Vampire Prince
RomanceA Love story about a Vampire and his lover; the President. Everyone calls him: Nerd, Dork, Pathetic, Not deserving but they don't know that he have something that they might want it. A lover. Moreover the President's lover. Beautiful, Rich, Cool, la...