Prologue

3.3K 64 16
                                    

"Paki-abot sa akin yung scalpel." sabi ng doktor na sinusubukang buhayin ang patay na babae.

"Ito po." inabot naman ng kanyang assistant ang scalpel na pinapakuha ng doktor.

Hiniwa niya ang ulo ng bangkay at ipinatak sa utak ang gamot na pinag-eksperimentuhan niya kagabi. Ngunit lumipas na ang ilang minuto at wala pa ring nangyayari. Nakapikit pa rin ang bangkay at hindi pa rin humihinga.

Pang-isandaang subok na niya ito, pero wala pa rin. Punong puno na ng bangkay ang kaniyang laboratoryo dahil bawat isang subok ay isang bangkay ang kanilang ginagamit.

Napahampas sa mesa ang lalaking doktor na ikinagulat ng kanyang katulong.

"Walang kwenta!" bulyaw niya sa bangkay na nilagyan niya ng gamot kani-kanina lamang.

Kung titignan ang doktor, siya ang depinisyon ng "mad scientist". Gulo-gulo ang puti nitong buhok, ang bigote'y tila hindi na alintana nito. Suot niya ang kanyang lab coat at ang kanyang salaming napaka-kapal at bilog na bilog.

Ang laboratoryo naman nito'y nagmukha nang morgue sa dami ng bangkay na nakabalandra doon. Ang ilan sa mga ito'y nabubulok na, inuuod na at inaagnas na. Kaya naman ang amoy ay hindi na matatagalan ng mga tao.

Kulang nalang ay masuka na ang kanyang binatang assistant kahit pa may face mask ito.

Bumalik sa pag-eksperimento ng bagong gamot ang nasabing doktor, iba't-ibang kemikal na pinaghalo-halo upang mabuhay ang mga namayapa na. Sino ba namang nasa tamang pag-iisip ang gugustuhing mabuhay ang dapat nakahimlay na at nagpapahinga na?

Hindi nagpatinag ang doktor sa kabila ng mga kapalpakan niya. Tila tuwang-tuwa pa ito habang gumagawa ng bagong kemikal. Humahalaklak pa siya habang umuusok ang mga delikadong likido sa kanyang harapan.

Sa loob ng dalawang oras ay nakagawa nanaman siya ng bagong gamot. Dala-dala ang pag-asang mabubuhay na niya ang patay, nagpakuha ulit siya ng bangkay sa kanyang katuwang sa laboratoryo.

"Ikuha mo ulit ako ng isa pang bangkay. Dalian mo!" parang puputok na ang kanyang mga litid sa leeg dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya.

"Opo." ang nasabi na lamang ng binata at tumakbo na siya upang kumuha ng panibagong katawan.

Bumalik ang kanyang assistant dala ang bagong bangkay, at sa pagkakataong ito'y isa namang lalaki. Inilapit niya agad ito sa doktor na tila nauubusan na ng pasensya dahil sa talim ng tingin nito sa kanya.

"Bakit napakatagal mo?!" tanong niya rito na nanlalaki pa ang mga mata.

"Pasensya na po." sabi nito at napayuko na lamang. Naisip niya tuloy kung bakit pa siya nagtatagal sa puder ng kanyang amo. Sa kanyang among baliw. Pwedeng-pwede naman niya itong takasan kahit anong oras.

Katulad ng proseso kanina, binuksan ng doktor ang ulo ng bangkay at inilagay ang napakalapot na kulay berdeng gamot sa utak nito.

"Mabuhay ka. Mabuhay ka." bulong ng doktor na nagbabakasakaling mabuhay ang lalaki. Lumipas ang isang minuto, dalawa, hanggang sampu ngunit wala pa rin.

"Siguro kailangan ko pang mag-hintay ng mas matagal." pagpapakalma nito sa kanyang sarili.

Napabuntong-hininga na lamang ang binata niyang kasama dahil sa kabaliwan nito. Wala naman kasing nagsabi na gumawa siya ng gamot na bubuhay sa mga patay. Siguro'y gusto lamang niyang maparangalan at makilala. Ang naisip nito.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon