Dance Night
- - - - - - - - - - - - - - -
I'm not good looking.
I'm not good in dancing.
And most of all, I'm not confident. Wala akong confidence sa katawan, I always let myself down, hindi ko man alam kung bakit, pero since when I turned 13 nawala lahat ng kumpyansa ko sa sarili.
Wait, before I forgot.
I'm Francheska Trinidad, third year high school student sa kung saang iskwelahan.
Today is the day sabi ng mama ko, nag-hire pa siya ng make-up artist para lang paayusan ako. Ayoko kasi sa mga ganitong bagay, masyadong Girly.
"Cheska! Gumising ka na jan at andito na ang magaayos sayo" -ang aga pa, pero ginising na ko nito ni Mama.
"Opo, babangon na."
Agad namanakong tumayo sa higaan at agad na dumiretso sa banyo, syempre maghihilamos lang naman muna ako.
Excited nga ba ko sa high school night, o dun sa surprise na sinasabi ng friend ko? Either way, pupunta ako kahit hindi ko naman gusto nung umpisa.
At sa wakas, matapos ng napakahabang oras, natapos na rin ang pag-aayos dahil sobrang init.
"Wow, you look gorgeous." -natawa nalang ako sa sinabi nung stylist.
Masabi ko lang ha? Kelan ba hindi namangha ang isang tao sa sarili nilang gawa? Wala pa naman di ba?
Nagpahinga lang naman ako saglit, kasi medyo maaga pa naman.
By 5:00 tinawag ako ni mama at sinabing aalis na daw kami, ihahatid niya kasi ako e. Yun talaga yung usapan namin.
Mga 6:00 na kami nakarating ng school, at dahil nga hindi ako sanay sa suot ko, i kept on hiding para lang hindi ako makita ng mga school mates ko.
Pero wala ring nangyari at nakita nila ako.
"Wow, Francheska! ang ganda mo talaga!" -sabi ni Maika na akala mo e ngayon lang ako ulit nakita. Although ngayon lang niya ako nakitang mag-suot ng ganito.
"Oo nga e, bagay sayo." -dagdag nitong si Kate.
Ano kayang nakain ng mga to?
Maya-maya lang, yung mga batchmates ko namang lalaki ang dumaan sa harap namin nila Maika.
"Cute"
"Adorable"
"Ganda mo ah?"
"CHIX!"
"OMG, Ikaw yan?"
Ang dami kong narinig na ganya, pero nung siya na yung dumaan? He just look at me and continue walking without saying any single word.
Nay nako naman kasi, bat nga ba ko nag-expect na may sasabihin rin siya? Napaka-assumera ko talaga! Nakakainis!
Napabuntong hininga na lang ako. Tss, naiirita ako.
"Oh? Bakit? You should be happy, you improved a lot." -sabi ni Joseph na sobra kung mambola.
E kung kay Cedric ba naman galing yun e malamang naglulundag na ko dito sa tuwa.
"Tigilan mo na nga ko, I've never been beautiful, pretty, cute, charming or what so ever, kaya ikaw, wag mo na ko bolahin." -sabay tawa ko naman.
I try to give them a smile, a big fake smile kasi alam kong nag-aalala sila sa nararamdaman ko.
"Hay nako mama!" -sabay na sabi ni Maika at Jamm.
Lahat nalang sila nahuhuli emosyon ko, wala na ata akong maitaga sa mga to e.
BINABASA MO ANG
Dance Night (One-shot)
Teen FictionAng istoryang ito ay pawang imahinasyon lamang. Salamat.