Sa awa ng Diyos ay naibenta ko ang bahay at lupa. Sapat na ang binayad sa akin para magsimula ako ng bagong buhay. Nadungisan ang pangalan ko at hindi ko alam kung paano ito lilinising muli.
Umarkila ako ng truck na magdadala ng mga gamit ko. At ng mapadaan kami sa bahay ni Chrollo ay napabuntong hininga ako.
Sana balang araw mapatawad nya ako kahit wala naman akong ginawa. Inilaban ko lang ang tama,ang naging mali lang nya ay pumanig sya sa mali. Were just even,pareho lang nadungisan ang mga pangalan namin.
Ako,nadungisan dahil may bad record na ako,plus the fact na dati akong bilanggo.
Sya,nadungisan dahil sa unang pagkakataon ay natalo ang kasong hawak nya.
Naisip ko na pareho lang naman kaming biktima ng pagkakataon. Pero ang katotohanang mahal ko pa din sya ay hindi magbabago. Matagal na itong nakaburo,simula pa lamang ng una ko syang makita. Napakahirap nyang abutin,at ngayon mas humirap pa.
Sa tutuusin ako ang agrabyado,napagbintangan ako at nakulong,namatay ang kamag anak kong si Leila na wala akong nagawa.
Napatiim bagang na lamang ako. Kung sakaling mahuli na si Delo ay gusto ko syang makaharap,gusto ko syang makausap kung bakit nya iyon ginawa kay Leila? Hindi pa ba sapat na iniwan nya ito noon?
Hapon na ng makarating ako sa bagong bahay na nabili ko,wala itong taas pero may dalawang kwarto,malalawak pa. Ganun din ang sala malawak,maging ang kusina. Tatlo ang banyo, sa tabi ng kusina at tig isa ang bawat kwarto,may likod pa na pwedeng paglabahan at pag pahingahan.
Nang maiayos ang mga gamit ay binayaran ko na ang mga tumulong. Pagal na naupo ako sa couch.
This is it,Im starting a new life. Kailangan ko na ding humanap ng bagong trabaho,kung hindi naman ay mag nenegosyo na lamang ako. Masyado ng malaki ang naitulong sa akin nina Sir Mike at Cloud. Ayaw ko ng dumepende pa sa kanila.
Napapikit ako at inalala yung unang araw na lumipat kami dun ni Leila sa lugar na yon. Tahimik ang buhay namin nun ngunit masaya. Hanggang sa napansin ko si Chrollo. Nung una ay crush ko lang sya,hanggang sa lumalim yung damdamin ko para sa kanya.
Araw araw ko syang tinatanaw,araw araw akong nag aabang. Ngunit walang pagkakataon para magkausap kami,kontento na ako sa ganon. Para nga akong stalker nun,dahil sa mga kapitbahay ay madami akong nalaman tungkol sa kanya.
Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. At ng magising ako kinabukasan ay ang gutom kong tyan agad ang bumungad sa akin.
Naghahanda na ako sa kusina ng may sunod sunod na doorbell at katok. Nataranta ako dahil ni hindi pa ako nakakapag hilamos at toothbrush.
"Sino kaya yon? Wala namang nakaka alam ng bago kong bahay ah?" ani ko sa sarili habang naglalakad papunta sa pinto. At ng buksan ko ito ay sumalubong sa akin ang isang lalaki at isang babae. "Uhm.. Yes?" ang sabi ko lang.
"Hi! Im Eunice,and this guy is Quad. Mga anak kami ng President at Vice ng Home association ng subdivision na ito. Gusto ka lang naming makita at makilala dahil ikaw ang pinaka bagong lipat dito." magiliw na sabi nung magandang babae. Habang yung lalaki naman ay nakahalukipkip at parang na bo-bored. Sayang gwapo pa naman.
"Ahm,ganon po ba? Ako si Kendall Abalos." at inilahad ko ang kamay ko na tinanggap ni Eunice,pero yung Quad ay nagpatay malisya.
"Gutom siguro si Quad kasi suplado." nakangising sabi ni Eunice.
"Ha? Ganon ba? Tuloy kayo. Tamang tama,magluluto pa lamang ako eh. Pasensya na kayo,medyo magulo pa." ani ko at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok ang dalawa at inilibot ang tingin sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Love Above The Law
General FictionBOYXBOY BROMANCE GAY | Isa kang mabuting mamamayan,may magandang trabaho,may magandang set of friends. At kahit kabilang ka sa 3rd sex ay tanggap ka ng lahat. Paano kung isang araw ay magising ka na isa ka ng suspect sa isang krimen? Paano mo hahara...