highschool memories

19 1 1
                                    

Highschool dito ko naramdaman ienjoy ang pagiging estudyante.

Bakit? Simple lang kasi masyadong complicated ang buhay dito. Mararanasan mong magiging masaya,malungkot,manerbyos,kiligin,matakot,maexcite,mainlove at iba pa

Sa loob  ng apat na taon ng highschool naranasan ko ang mga emosyon na iyan minsan nga sabay-sabay ko pang maramdaman yang mga yan eh. Nasabi ko nga sa sarili ko nun "pwede pala yun?"

Sa loob ng apat na taon marami akong nakilala na  naging importante sa akin yan ang mga kai igan ko.. Sila ang nagturo sa akin na mahalaga ang pagkakaibigan.. sila rin ang nagparamdam sa akin na lahat ng tao ay may kanya-kanyang abilidad kung saan yun ang magpapakilala sa kanila bilang sila.. pinaramdam rin nila sa akin na hindi ako nag-iisa dahil nandoon sila at di ako iiwan..

sa bilis ng paglipas ng panahon di ko namalayan na mag 2nd year college na ako... parang kailan lang nang magkakasama kami ng mga kaibigan ko na nang iistalk ng mga crush namin.. tapos papasok kami ng school na lukot ang mukha dahil pare-pareho kaming napagalitan sa bahay ang astig nga noon eh sabay kaming napapagalitan wahaha.. Natatandaan ko pa na tuwing lunch break namin eh sabay- sabay kaming pupunta sa canteen at bibili ng pambansang ulam kay manang which is "torta"... ang epic nga nang mukha namin nun kc tuwing lunch eh torta nalang ang natitira sa amin.. pagkatapos naman naming kumain eh pupunta kami sa tambayan namin (sa girls cr) haha naalala ko kung ano-ano pinag gagawa namin doon magwiwiwi, magseselfie, maglilipstick, magpupulbos, magmamascara haha tapos pagkatapos ng ritwal naming yun eh hihintayin naming lumabas ang mga 2nd year haha may crush kasi yung kaibigan ko doon kagaya nga ng sinabi ko kanina eh nagiistalk kami ng mga crush namin haha.. tapos 15 minutes before bell ay pupunta na kami ng classroom namin at hanang hinihintay naming magbell eh nag gigitara ang mga classmates kong boys at kaming mga girls ang singer nila.. naalala ko pa nga isang araw noon  eh ginawa naming bar ang classroom namin hahaha paano? magpapasko noon at may decoration kaming x-mas light haha so yun yung ginawa naming bar lights tapos sinara namin yung mga bintana at pinto pinatay rin namin yung flourescent light haha at yun party party na kami haha buti walang mga teacher noon kc may meeting sila haha.. minsan nga napagtripan  namin yung teacher namin haha tinaggo ng mga classmate kong boys yung table at upuan nya haha inis kasi kami sa kanya haha tas ayun nagalit yung teacher namin at muntikan nakaming ma office lahat kasi walang gustong umamin kong sini ang nagtago ng table at chair nya haha pero iniligtas kami ng mga boys so sila lang ang na office hihihi xD sikat kami noon haha kc star section muntik ng ma office haha...

tuwing C.A.T time naman hala nakakatakot yung corp commander namin lalo na pag galit lahat kami gusto ng magtago sa palda ng nanay namin pero isa lang ata di natatakot sa kanya  walang iba kundi ang abnormal kong bff crush nya kc si corp haha kung kami nanginginig sa takot siya kinikilig lang haha ang hot nga daw tignan ni corp hehe... nung C.A.T graduation namin nakajackpot ang bff ko kay corp haha kc niyakap kaming lahat ni corp wahaha...

pero gaya ng sabi ko kanina mabilis lumipas ang panahon at agad dumating ang pinakakatakutan kong araw yun ay ang araw ng aming graduation...

putek di ko nga alam mararamdaman ko noon eh kung magiging masaya ba kasi nalagpasan at natapos ang pagsubok ns hinarap namin sa loob ng 4 na taon o magiging malungkot kc magkakahiwalay- hiwalay na kaming magkakaklase at magkakaibigan?? Tandang-tanda ko pa nung araw na yun ang mga mukha ng mga kaklase kong umiiyak tapos pare-pareho lang ang sinasabi nila yun ay "walang limutan ah"

WALANG LIMUTAN yan ang pinanghahawakan kong salita na nagmula sa kanila pero ngayon ay unti-unti ko na itong bininbitawan...

Maraming  nagbago pagkatapos ng graduation iba't ibang university kami ng pinasukan at ang malas ko pa dahil ako ang pinakamalayo sa kanila dahil napadpad pa ako ng Baguio haha bihira nalang ang naging communication ko sa mga kaibigan ko nawalan ako ng contact sa mga kaklase ko...

Isang araw nakatext ko ang bff ko at sinabing marami na daw nagbago at nakalimot sa mga kaklase namin may iba daw na magbff eh naging magenemy... meron naman daw na nagiisnob kapag nakakasalubong mo sa daan or nakasakay mo sa jeep meron ding iniiwasan ka na parang may nakakahawa kang sakit ang sakit lang isipin na sa pinapakita nila ay parang wala kaming pinagsamahan at doon ko napagtanto na the only permanent thing in this world is CHANGE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

highschool memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon