“..at bakit ngiting ngiti ka, ha. Miss Nathalie?” tanong ni Pinky sa kaibigan noong magkita sila sa crossing. Balak kasi nilang magsabay pumasok sa school.
“Pinky, naaalala mo ba si Lorenzo Madrigal?” pag-iiba ito sa usapan.
“What kind of question is that, Nathalie? Oo naman! Kahit kelan, hindi nakalimutan ng isang girlfriend ang pangalan ng boyfriend niya, unless nalang na may amnesia siya, duh!” Pinky yelled at her.
“Wait,” napahinto sa paglalakad si Nathalie dahil sa sinabi ni Pinky, Napataas ang kaliwang kilay nito na nilingon siya, “You mean, girlfriend ka niya? Di nga?” dugtong nito.
Humaglpak ng tawa si Pinky matapos marinig ang tanong ng kaibigan, “Syempre naman hindi! Gusto ko lang i-claim!” sabi pa nito sabay nagsimula muling maglakad.
Nathalie rolled her eyes, she must be used to it. Mahilig talagang mag-feeling si Pinky na para bang girlfriend siya ng lahat ng gwapo sa mundo. Minsan nga hindi mo na alam kung ano ‘yung totoo at hindi.
Napahinto ng lakad si pinky sabay lingon kay Nathalie, “Bakit mo nga pala naitanong?” biglang tanong naman ni Pinky sa kanya,
Nathalie took a deep breath. “A-Ano kasi, pinky. It keeps on bothering me…ano,”
“Ano nga?”
“Eh kasi, kahapon. Nagmumukmok ako habang umiiyak doon sa lumang faculty sa tabi ng mini gymnasium. Dahil, alam mo na, nag-away kami ni Victor,“
“—Sandali,” pagpuputol ni Pinky sa kuwento. “Bakit hindi ko alam ‘yan? Naglilihim ka na ba sakin ngayon? Atsaka bakit hindi ko alam na nag-away kayo ni Victor?” sunod sunod na tanong ni Pinky sa kaibigan sabay pout nito.
Hindi naman masisisi ni Nathalie si Pinky dahil ugali na talaga nilang simutin ang sikreto sa bawat isa. Bawal ang maglihim, dahil sa pagkakatanda nila, they are ‘bestfriends’
Hindi naman sinasadya ni Nathalie na h’wag sabihin kay Pinky ang nangyari, hindi lang talaga siya maka-recover sa nangyari hanggang sa matagpuan nalang niya ang sariling umuuwi nang hindi manlang nasasabi kay Pinky ang lahat lahat.
She’s bothered. Hindi dahil big deal para sa kanya ang ganoong Gawain ng lalaki. Pero hindi talaga niya iyon inexpect mula kay Renz. She just thought that Renz was too snob to do a thing like that.
“I hate yooou! I hate you!” sigaw ni Pinky na halatang halata namang nagtatampo.
“Makinig ka nga!” sigaw rin ni Nathalie sabay hawak sa ulo ng kaibigan pero patuloy parin ito sa pagsigaw, “Nakakainis ka!”
“Susuntukin ko si Lorenzo pag hindi ka pa tumigil! You know I’m serious.” she added.
Napahinto sa pagsigaw si Pinky. Alam niya kasing kung minsan, sadista talaga sa lalaki si Nathalie. Minsan ngang lokohin siya ng ex niya ay sinugod nito iyon at binigyan ng isang black eye.
“Okay, okay!” tinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko ‘kuno’
“Pwede ko na bang ituloy ang kwento ko?”
Tumango lang si Pinky bilang pagtugon,
“So yun nga, Lorenzo came up. Tinanong niya ako kung ano raw ang problema ko,” pagtutuloy nito.
“Sinungitan ko siya, at tinapon ko pa talaga yung bag ko! Eh kasi naman, ni-hindi ko nga alam na si Lorenzo pala siya! kaya ayun, nakita niya yung I.D ko. Alam ko naman talaga nanakawin niya yon, pero nung hinabol ko siya, nag-deny naman tapos sabi niya tignan ko raw ulit sa bag ko, so I did,”
“Tapos?!” excited na at kalmado nang sabi ni Pinky. She can’t help herself from being so interested about Lorenzo.
“Pero pagbukas ko ng bag ko, wala naman ‘yung I.D, pero may panyo sa loob..” napahinto ito ng bahagya, “Na may kasamang sulat,”
BINABASA MO ANG
Hypnotized (The man of Revenge)
Romance“Beware of some good looking guys around. Some of them might have the ability to hypnotize you."