Hindi Man {one-shot}

74 2 2
                                    

 Hindi Man © HeartWita  / WhoIsThisAngel

One-shot {3/16/2014}

 Pi-nost ko 'to sa first account ko pero pinost na rin dito :)

--

“Patulong na please.. please.. please..”  Pinakita-kita niya pa ang dimples niya at Kanina pa nangungulit ang lalaking ‘to sa’kin. Bale siya? Siya ang kaklase ko. Ewan ko ba kung anong relasyon namin sa isa’t isa maliban sa classmate. Baka siguro Close friend?

Saka hindi ko naman siya bestfriend pero close kami. Pero wala nga lang siyang masyadong alam sa’kin. “Ayoko na. Ang torpe-torpe talaga nito.”  Sabay talikod sa kanya. Tungkol dun sa sinabi ko?

Kasi.. Ganito ‘yun. May gusto siya sa isang campus princess. Sa isang popular na babae. Hindi tulad namin. Mga Nerds. Saka kaya naman ako nakasalamin kasi Malabo na ang mata ko. Hindi rin naman ako sobrang talino. Nasobrahan lang sa pagi-internet.

“Please, Elly naman e.”  Hinabol pa ko ng mokong. Kyle! Bakit ba ang kulit mo?”  Lazily na sabi ko sa kanya. “Marami pa kong gagawin okay?”  Saka naglakad ulit. “Anong gagawin mo? Magi-ispazz maghapon? Magiging admin at magsusulat ng mga fanfics saka mage-edit ng covers? Tss. Tulungan mo na lang kaya ako.”  Pamimilit niya.

Natigil ako sa paglalakad. Kahit pala papaano. May alam din ang ugok na ‘to sa’kin. Ano nga bang magagawa ko.. Malakas siya sa’kin. Makakatanggi pa ba ko?

“O-Oo sige na. Saka itigil mo na ‘yang pagpu-puppy eyes mo. Hindi bagay sa’yo.”  Napangiti niya sa pagpayag ko. Lumapit pa ang mokong at inakbayan ako. “Sabi ko na nga ba. Hindi mo ko matatanggihan.”  Sabi pa niya.

Dug! Ganyan ang nangyari dahil sa gulat ko sa pag-akbay niya.

Aamin na ko. May gusto ako sa kanya…

“Anong first step?”  Dalawang kilay pa ang nakataas na nagtatanong ang mokong. “Wait ka lang. Edi.. Lapitan mo.”  Sabay tulak sa kanya.

“Hah?”  Gulat siya e.

“Oo lapitan mo tapos sabihin mong gusto mo siya tapos hintayin mo yung sagot niya. Then tapos. Tinulungan na kita sa pagamin sa kanya. Oh diba? Ang dali lang.” Sabi ko.

“Eh? Hindi ‘yun ganun kadali. Kung magpalit kaya tayo ng pwesto? Ikaw ang aamin? Kaya mo bang aminin sa taong mahal mo yung nararamdaman mo agad-agad?”  Natahimik ako. Mahirap nga ‘yun.

“Tamo? Hindi ka makasagot? Saka kapag lalaki ang aamin. Nauubusan agad ng lakas. Parang may mga pagaalinlangan baka kasi—“

Hindi ka niya gusto?” Pagdugtong ko.

Tumango siya. “Edi kung mahal mo siya dapat tanggapin mo yung nararamdaman niya.”  Nakatingin pa kong sinabi ‘yun. Walang hiya talaga ako. Napaka-masokista ko. Dapat hindi ko na siya tinulungan at tinanggap ang request niya kahapon.

“Eh.. hindi naman ganun kadali ‘yun… Hindi niya kasi naiintindihan.”  Sabay kamot sa batok. Naiintindihan ang alin. “Ano?”  sabi ko.

“Wala. Ang sabi ko. Turuan mo na lang akong magtransform. Tutal dati sikat ka din nung hindi ka pa nerd. Siguro naman alam mo yung tamang ayos ng lalaki.” Bumugtong hininga ako saka hinila ang bag niya.

Hindi Man {one-shot}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon