Chapter 4:
Nagising kami ni hestia na nasa isang ilalim ng puno ng mansanas, may mga kalesa kaming nakita na dumaan kaya tumayo ako at nag unat-unat. Sa tingin ko na sa isa kaming ligtas na lugar, may mga iilang tao din akong nakita na nagsasaka sa bukiran.
Tumingin ako sa kalangitan ng bigla kong makita ang imahe ni oracle na nakangiti.
Salamat sa lahat ng na itulong mo sa akin oracle. Ipinapangako ko na papaslangin ko ang lahat ng mga halimaw at ang masamang reyna na sinasabi mo. Para maipag higanti ko na rin ang mga magulang ko, Atsaka ako nag labas ng mapait na ngiti.
Lumipad naman sa balikat ko si hestia at tumingin din sa kalangitan, Tinignan ko siya at tumingin din ito sa akin.
"Charm namimiss ko na agad si oracle!" Sabi niya at naiyak na naman ito.
"Wag ka ng umiyak hestia. Ako din naman eh namimiss ko na siya." Pinatahan ko siya pero lalo pa siyang umiyak, kaya napabuntong hininga na lang ako. Mamaya naman ay titigil din yan eh.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil naramdaman kong nagugutom ako. Narinig ko namang tumunog ang tyan ni hestia dahil na sa balikat ko lang siya kaya rinig ko agad iyon.
Namula ang buong mukha niya at tinakpan niya ito. Pinigilan kong matawa dahil alam kong magbubunganga na naman ito mag damag kapag inasar ko siyaa, kaya hindi ko na lang ito pinansin at tumalon paakyat ng puno. Simula ng turuan at sanayin ako ni oracle ay gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko nga lumilipad ako kapag tumalon ako dahil sa taas nito eh.
Pumitas ako ng mansanas at ibinigay kay hestia, ngumiti naman ito at nag pasalamat. Pumitas na din ako ng isa pa para naman sa akin, agad ko naman itong kinain. Tinignan ko ang kutsilyong binigay sa akin ni oracle, napaka kakaiba nito kumpara sa mga kutsilyong nakikita ko. Pinilit kong basahin ang nakasulat sa kutsilyo pero hindi ko talaga ito maintindihan.
"Ang sabi dyan sa kutsilyo ay SHEIDA LASTHA. NEDUNAS MUSTE, BANAL NA SANGGRENG ADES, DINGGIN MO ANG AKING PANALANGIN IPAGKALOOB MO SA AKIN ANG WALANG HANGGANG KAPANGYARIHAN." Nagulat ako big lang pagsasalita ni hestia. Nagulat kami ng biglang umilaw ng kulay asul ang mga bawat salita na nakaukit dito.
Nanlaki ang mata ko ng biglang lumiwanag pati ang katawan ko, kaya't agad kong pinaalis si hestia sa aking balikat dahil baka madamay siya sa kung anong liwanag na bumabalot sa aking katawan. Mas lalong lumiwanag ang kutsilyo ng hawakan ko ito ng mahigpit.
Nagulat ako ng biglang mag dilim naman ang buong paligid ko at parang napunta ako sa kalawakan. May isang babaeng maganda ang biglang lumitaw sa aking harapan ngunit parang..... kamukha ko ito. Nangunot ang noo ko sa nakita ko, totoo ba ito?
"Ako ang banal na sanggre na si ades. Nadinig ko na tinawag mo ang aking pangalan, tila nanghihingi ka ng tulong upang mag karoon ng walang hanggang kapangyarihan." Sabi sa akin ng babaeng kamukha ko. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niyang iyon.
"A-a-ah! Nagkakamali ka! Hehe. Binasa lang namin yung nakasulat sa kutsilyong ito." Sabi ko sa kaniya at ipinakita pa ang kutsilyong hawak ko.
"Nagugulumihanan ako sa iyong sinasambit aking kaibigan, maari mo bang sabihin kung ano ang iyong ibig sabihin." Sabi ng babaeng kamukha ko. Wow ang lalim ng salitaan niya hindi ko kaya yun.
"A-a-ah. Sige. G-ganito iyan banal na sanggreng ades. Binasa lamang namin ng aking kaibigan ang nakasaad sa kutsilyong ito. Hindi namin ibig na gambalain ka sa iyong ginagawa. Maari mo na ba akong ibalik sa mundo ko?" Sabi ko sa kaniya habang napapakamot ako sa aking batok. Grabe nakakautal ang presensya niya.
"Gustuhin man kitang ibalik sa mundo mo ngayon, subalit ay hindi maari!" Sabi niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko iyon.
"Huh!? B-bakit naman banal na sanggreng ades?" Tanong ko sa kaniya.
YOU ARE READING
How to be a Warrior: Oracle's Quest
FantasyDisclaimer: contains men to men relationship. Si Charm Cardinal ay isang ordinaryong bata na masayang-masayang kapiling ang kaniyang magulang na kumakain sa kanilang tahimik at masayang tahanan. Ng biglang sumalakay ang mga halimaw at pinatay lahat...