Let It Rain (one shot)

209 13 5
                                    

Author's Note: Magulo ang story kaya para hindi ka masyadong malito, yung mga nakasulat ng italic ay flashback lang. So ayun lang naman. haha.

Enjoy reading! :) -♥

---------------------------- 

"Hi! Ikaw yung transferee? Ako nga pala si Nathan! Ikaw? Anong pangalan mo??" nakangiting tanong ng isang lalaki sa'kin.

"A-ako si Cristina." kinakabahan ko pang sabi.


Nakakamangha na sa pagbabalik ko sa eskwelahang ito, nagbalik rin sa'kin ang napakaraming mga alaala.

"Cristina? Ang ganda naman ng pangalan mo. Pero pwede bang 'Nana' na lang ang itawag ko sayo?"

"Ha? A-ah sige."

First year highschool ako noon nang lumipat ako sa eskwelahang ito. Pero buwan na ng setyembre yun kaya wala akong gaanong kakilala. Pero si Nathan, hindi siya nag-atubiling kaibiganin ako.

"Nana, anong gusto mo paglaki mo?" tanong niya sa'kin nung mag second year highschool kami.

Gusto ko? Gusto ko lang naman maging masaya pagtanda ko. At higit sa lahat, gusto ko kong tumanda kasama ka... 

"Gusto kong maging engineer." sagot ko sa tanong niya.

"Talaga?" tanong niya nang nakangiti. Nginitian ko lang rin sya. "Alam mo bang yun din ang pangarap ko? At dahil bestfriend kita, pareho tayo ng school sa college ha?"

Unti unti, nahuhulog na pala ako sa kanya.. sa kanya na bestfriend ko.

Pinuntahan ko yung classroom namin dati at doon, hinayaan kong bumalik ulit sa'kin ang lahat. Hinayaan kong bumuhos uliit ang napakaraming mga alaala.

"Nate, na inlove ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Mapakaraming beses na akala ko na inlove na ako. Pero isang tao lang pala talaga ang nakapagparealize sa'kin kung ano ang true love.. Yung mga naramdaman kong paghanga noon, walang wala yun sa nararamdaman ko para sa kanya ngayon."

Nang bumalik ako sa reyalidad, hindi ko maiwasang hindi mabingi sa sobrang katahimikan. Ako lang ang tao dito pero tila nakikita ko ang lahat noon.. sa pagtingin ko sa bawat sulok ng kwartong ito, nakikita ko ulit ang mga pangyayari ilang taon na ang lumipas.

"♪♫ Dahil ang tanging panalangin.. dahil ang tanging panalangin.. ay ikaw. ♪♫"

ibinaba ni Nathan ang gitara niya pagtapos niyang kumanta at atsaka humarap sa'kin. "Happy Birthday Nana!" masigla niyang bati habang iniaabot sa'kin ang isang maliit na kahon.

Tiningnan ko ang kamay ko at nakita ang bracelet na ibinigay niya sa'kin nung araw na yun. Nung 15th birthday ko. Lumabas ako ng room at pumunta sa quadrangle ng school. Dito noon ginanap ang isang stargazing activity ng school.

Let It Rain (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon