nakakapagod rin pa lang umunawa,
umunawa sa paulit ulit na bangayan,
nakakapagod rin pa lang maghintay,
maghintay na bumalik ang dating tayong dalawa,nakakapagod rin pa lang umiyak,
umiyak sa paulit ulit na sakit na nararanasan,
nakakapagod rin pa lang lumaban,
lumaban sa ating pagmamahalan na akala ko dalawa tayong lumalaban pero bakit tila ako na lang mag isa.mahal kita pero nakakapagod na,
tao rin naman ako may pakiramdam,
pakiramdam na unti unti nang nawawala,pinipilit kong lumaban pero ang puso ko na ang kusang napagod,
napagod na kasi kakahintay na maging okay muli tayong dalawa pero parang wala nang pag-asa..nakakapagod,
nakakapagod nang magmahal...
BINABASA MO ANG
A Spoken Poetry: Para sa mga brokenhearted
PoésieA Spoken poetry: Para sa mga brokenhearted. Date started: June 2017 Date finished: October 2017