3

13K 115 8
                                    

BYERNES.

Maagang nakarating sa skwelahan si Sofia. May usapan kasi sila ni Yeshia na magpa-practice ng steps at ipa-finalize iyon dahil mamayang gabi na ang program nila.

Pumwesto siya sa isang bench habang ang apat na bodyguard niya ang nakatayo lang sa likuran niya. At muli, pinagtitinginan na naman siya ng mga schoolmates niya na dumadaan sa harap niya. Sa twing nakabuntot sa kanya ang mga bodyguards niya ay nasa kanya lahat ng atensyon, tinatanong ng mga ito kung anak ba siya ng presidente.

"Hi!" Saad ng kung sino kaya napatingala siya. Parang magnet na nagsalubong ang mga kilay niya. At sino naman ang lalaking 'to?

Ngumisi ito sa kanya.
"Remember me?" Anito.

Inirapan niya ito.
"Sino ka ba? Si Renz Verano, kumanta ng 'Remember me'?" Pagtataray niya. Tumawa ito.

"Silly! Hindi mo ba ako naaalala?" Anito. Muli niya itong tinignan. There's something in his eyes na parang nakita na niya ang lalaking ito, nakilala na niya ito. Hindi lang niya alam kung saan.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito.
"Sofia taba!!" Anito.

Parang kidlat na bumalik sa utak niya ang mga alaala ng lalaking ito. Naningkit ang mga matang tinitigan niya ito.
"Anong kailangan mo?"labas ang pangil na asik niya dito. Hindi pa niya nakakalimutan ang mga ginawa nito sa kanya. Ang mga kahayupan nito. At dahil dito bininyagan niya si Satanas at binigyan ng bagong pangalan. And Satan's new name was Zac. Zac Gabriel Gutierrez.

Naglakad ito papalapit sa kanya.
"Ganyan ka ba bumati sa mga kaibigan mo?" Parang nagtatampo na tanong nito pero nakangisi naman ito.

"Excuse me, FYI, hindi kita kaibigan!!" Pagtataray niya.

Lalong lumaki ang pagkakangisi nito.
"Hindi ka parin talaga nagbabago." Anito at akmang uupo sa tabi niya.

"Hep! Hep!! Anong ginagawa mo?" Tanong niya. Natigil ito sa akmang pag-upo.

"Hindi ba pwedeng umupo?"balik tanong nito.

Tinaasan niya ito ng isang kilay.
"Pwes, maghanap ka ng upuan mo!! Pwesto ko 'to." Aniya na para bang pagmamay-ari niya ang bench na yon. Pero parang walang narinig ang lalaki. Umupo parin ito sa tabi niya.

"Sir, pasensya na po! Humanap nalang po kayo ng ibang upoan. Hindi po kayo pwedeng lumapit kay Ma'am Sofia." Saad ng isang bodyguard niya at hinawakan ang balikat ni Zac.

Kunot noong tinignan ni Zac ang apat na lalaki sa likuran nila.
"Wait! Sino ba kayo?" Asik nito at tinapik ang kamay ng lalaking nakahawak dito.

"They are my bodyguards." Siya ang sumagot. Humarap sa kanya ang binata. Humalukipkip siya at muli itong tinaasan ng kilay.
"Thanks to you dahil mula noong muntik na akong mamatay dahil sa pagkalunod, kumuha si Dad ng taga bantay ko. To avoid evildoers like you!!" Bulyaw niya dito na parang kakainin na ng buhay ang lalaki.

Napansin niya ang pagwala ng kulay ng mukha nito. Yumuko ito. At napabuntong hininga.
"I---I'm sorry to hear that."

Natawa siya dahil sa tinuran nito. Just wow! Humingi ito ng tawad? Kelan pa ito natuto?
"Wag mo ng sabihin yan Zac, walang silbi ang paghingi mo ng sorry. Inagaw mo na ang kalayaan ko! Just think about having bodyguards even if you're already 21. Para akong kriminal, hindi man nakakulong pero bantay sarado naman ng mga taohan ng Daddy ko. Hindi ko man lang naenjoy ang pagdadalaga ko. At lahat yun, dahil kay Satanas. Kilala mo ba sya?" She stated then grind.
"That's you!! To me, you're such a demon!!" Madiing bulyaw niya at dinuro pa ang binata.

BESTFRIEND SERIES: BOOK II - Revenge of a Queen (Zac & Sofia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon