5: malaya

4.6K 16 0
                                    


tila nakakapagod,
nakakapagod nang umunawa
umunawa sa paulit ulit nating hindi pagkakaintindihan,
pagkakaintindihan na ngayon ay sobrang gumulo,
gumulo na dumating sa puntong parehas tayong napagod na,

nakakapagod,
nakakapagod kaya tama na,
tama na ang sakitan,
tama na ang iyakan,
tama na,

malaya kana,
malaya kana sa piling ko,
sa piling ko na alam kong nasasakal kana,
nasasakal kana sa ugali kong selosa,
selos na pumapatay saakin sa tuwing nakikita kitang katawanan ang iba,

malaya kana,
malaya na ako,
malaya na tayo,
malaya na tayong dalawa sa sakit,
malaya na tayong dalawa sa paghihirap,
pero bago ka kumawala pwede bang kahit saglit lang?
kahit segundo lang?
kahit ngayon lang, maramdaman ko ang huli mong yakap.

A Spoken Poetry: Para sa mga brokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon