AKSIDENTENG NAHULOG!
Ako si Cassandra Lualhati, 19 years old nag-aaral sa paaralan ng mga magagandang babae at mga gwapong lalaki kaya for sure schoolmates tayo kaya alam nyo na pretty ako at kayo din for sure.
Ngayong araw ay pauwi na ako sa medyo gabi na ako umuwi dahil college na ako. Hehehe.
Syempre dahil maganda akong babae maraming nakatingin sa akin habang naglalakad ako sa may street namin. Sikat kaya ako dito sa amin dahil ako ang muse ng basketball team na nag-champion last year. Hahaha.
Pero may isa lang lalaking talagang umagaw ng atensyon ko.
Gwapo siya. Matangkad. Mabango. At syempre matalino.
Waah! Ang gwapo talaga. Kung bakit kase hindi pa nya ako ligawan. Hahaha!
Nakatingin sya sa kin habng naglalakad ako.
Nakatambay kase sya sa may tindahan at uminom ng coke na nasa plastic. Hahah. ANg gwapo sa lahat ng anggulo.
Syempre para mapansin model like walk sa runaway ang lakad ko!
SMILE! CHECK
FLIP HAIR! CHECK NA CHECK
SEXY SWAY OF HIPS! PERFECTIONIST NA KO DYAN
Pero tong isang to ang hindi ko na- check!!
Habang nag-lalakad ako aksidente akong nahulog& & ..
Sa BALON!!
Sa isang madilim, masikip at mabahong balon!!
Bakit naman po ganito ang kinatapusan ko!?
Bakit ako pa!?
Sana nabangga na lang ako ng pedicab.
O
Kaya hinabol ng isang bulldog!!
Pero bakit nahulog ako sa isang balon.
Sa balong malalim!!
Hindi pa nagiging kami ni crush!
May concert pa ang 2ne1 at Daniel Padilla!!
Manunuod pa ko ng Diary ng panget the movie!! (Hi ate Denny) Guys sa April 2 na po un!!
Hindi pa ko nakakabili ng second half ng She died at ng Talk Back and your dead!!
May VLeague pa sa March 23.! Go Ateneo!! Valdez for MVP!! Huhuhu!
At higit sa lahat!
May defense pa kami thesis bukas!
Ang pinakamasaklap nakatingin si crush habang umiinom ng coke na nasa plastic!
Oh nos!
Wala na kong magawa kundi umiyak at hintayin ang katapusan ko!!
Na ang tulad ko palang isang magandang babae ay matatapos lang sa isang balon.
Bye wattpad. Twitter. IG. FB. Mamimiss ko kayo!
"Hoy Careng! May balak ka bang dyan na tumira!?" ----
Boses ng isang lalaki! Boses ng aking prinsipe!!
Pagtingin ko si crush!! Si Myco!!
Hindi ito maari!?
Nasa langit na ba ako!?
Lord naman hindi man lang ba ako madadala sa hospital at kahit ma-coma man lang!
Pero wag na yun!! Pag gento namansg si Myco ang makakasama ko okay lang!!
" Hoy!! Ang baho mo na oh!!" ---
Kahit ba sa heaven mabaho pa rin! Dapat man lang po pinalogo nyo muna ako!! Pero imposible yun! Wala na nun dito sa langit!
" Imahinasyon mo lang yun! Nasa langit na tayo! Wala ng mabaho dun! "---- Sagot ko sa kanya!
" Hahahah! Langit ba ang twag mo dyan sa mabhong kinalalagyan mo ha!? Ang galling mo magjoke, Careng!" ----
Hay! Bakit ba ganyan si Myco!!?
" Myco tanggapin mo na pede! Myco dapat mong malaman na nasamid ka sa iniinom mong coke na nasa plastic tapos ako naman (nakakahiya naman sabihin) nahulog! Kaya nasa langit na tayo! Pero tingnan mo nga naman magkasama pa rin tayo! Uyyyyy! Meeant to be tayo!"------
" hahahahaha! Careng! Tigilan mo na nga yan!! Saan ba akala mong nahulog ka sa septic tank ha!? Eh sa bangbang ka lang naman nahulog e! "---
Grabe naman ung septic tank!! Balon nga lang ang sa akin e! Septic tank sa gitna ng daan patawa tong si myco!
Pero?
What?
Sa Bangbang lang ako nahulog! Sa mabahong maitim na mabaho talagang bangbang!
YUCK!!!!!!!!!!!!!!!
"O ano dyan ka na lang?! "----
NO EFFING WAY!!
Dali dali akong umahon sa kinalubugan ko! At bilis-bilis lumakad!
At oo hindi ko na sya kinausap pa ulit kahiya kaya!!
Pero tinawag nya ko!! At yung sinabi nya ang isa sa pinakamagandang bagay na hindi ko pagsisihan sa pagkahulog ko sa mabaho at maitim na bangbang na yon!
" Careng, ingat naman! Hindi pa kta naliligawan e baka mawala ka agad! Pero hindi bale pag naging tayo na ako na mag-iingat sayo!! Good night!" ---
That was so kilig!!
Kaya naman walk like an Egyptian naman ang peg ko! Gandara Park ang peg!!
Niligon ko sya!
"Okay!! Sabi mo e kawawa ka naman kung hindi mo ako maliligawan!!" ---
At tumawa na naman sya! Ang gwapo!!
____________________
At dyan natatapos ang kuwento ng aking aksidenteng pagkahulog!!
Mukahang may makakasama na ako sa panunuod ng Diary ng Panget The movie!! Yieeeeeeeeeeeeh!
The END!!
_____________
A/N:
ANG STORY PONG ITO AY PURO TRIP LAMANG SANA AY MASIYAHAN KAYO!:))))))))))))
BINABASA MO ANG
AKSIDENTENG NAHULOG! ♥
HumorDadating talaga ung pagkakataon na MAHUHULOG ka!! Maaring sa maling panahon at lugar!! Pero may pagkakataon talagang mararamdaman mo na lang na!!! MASARAP PA LANG MAHULOG!