Title: Sa Kadiliman
.
Ang mga nagniningningan na bituin, kay gandang pagmasdan sa kalangitan, katahimikan na bumabalot sa madilim na gabi. Paligid na pinagmamasdan ng maliwanag na buwan. Ang gabi ay payapang lugar para sa mga taong gustong makapag-isa, magkaroon ng tahimik na buhay kahit sandali lamang.
Kapag unting-unti ng nilalamon ng liwanag ang lahat ang bituin na kanina ay nagniningning ay hindi na makikita sa kadahilanan na may mas maliwanag pa sa kanila. Ang buwan ay ngayon ay papaalis na at ngayon ay paparating na ang umaga, umaga na kay gulo para sa taong nagtatago sa dilim ng gabi.
Nasisilaw sa kagandahan ng himpapawid, ang taong hindi kayang umalis sa dilim kahit nariyan na ang liwanag na siyang pinalilibutan siya.
Hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang mga pangyayari sa kaniyang nakaraan. Para sa kaniya mahirap limutin ang lahat. Na hindi solusyon ang iwanan ang nakaraan at gumawa ng bagong istorya sa buhay niya.
Ang pagkakaroon ng isang ganitong bagay na matagal na niyang pasan-pasan ay hindi biro. Pero ayaw parin niya itong bitawan kahit ano pang mangyari. Naniniwala kasi siya na kapag ginawa niya iyon ay madadamay ang pinaka-iingatan niya ayaw niyang muling masaktan, ayaw niyang magsakripisyo na naman dahil sa mga desisyon niya na hindi niya alam kung tama ba o mali.
Dahil sa paniniwalang iyon ay ayaw na niyang bitawan ang mga nakaraan.Kahit na ang lahat ay kinalimutan na ito. Hindi siya sumuko na darating din ang araw na kahit hindi niya matanggap ang pagkawala ng marami ay maaayos din ang lahat. Sa paniniwala niyang magiging maayos din ang lahat.
Ang buhay niyang nanatili sa dilim ay hindi pa natatapos, na kahit na magtago pa siya ay hindi siya makakaalis sa katotoohanan. Katotohanan na ang dilim na kaniyang tinatago ay unti-unti ng naliliwanagan na maaring matuklasan nino man. Maaaring may mga taong tutulong sa kaniya. Ngunit hindi lahat ng tumutulong ay totoo sa mga hangarin.
Pero hindi siya nagpaapekto sa mga kagustuhan niya na kahit anong mangyari ay hindi siya papatumba kahit kanino man, na kung maliwanagan man ang lahat sa nagyayari patuloy parin siyang kikilos at ito ay tatakpan ng kaniyang mga palad.Walang sino man ang nakakaunawa sa tunay na dahilan kung bakit siya nagkakaganito ang alam lang nila ay namumuhay siya sa kadiliman. Kadiliman na akala nila ay kasamaan. Ang taong ito na maraming sikreto sa buhay. Sikretong ayaw niyang ibunyag sa lahat hanggat maaari. Hanggat kaya niyang isekreto ang lahat gagawin niya ang makakaya.
Ang pagging misteryoso ang dahilan kung bakit akala ng lahat ay isa siyang nakakatakot na nilalang na nabubuhay dito sa mundo. Ang buhay niya ay isang hiwaga na walang makatuklas-tuklas, na tanging kadiliman lamaang ang nakasasaksi sa lahat.
End.
**********
Salamat sa pagbabasa.:) anong nalaman niyo mula sa taong nasa dilim? kwento na yan-- i-comment na yan~ :)
Dagdag lang.:)Nyctophilia nyc·to·phil·i·a (nĭk'tə-fĭl'ē-ə) n. A preference for the night or darkness. Finding relaxation or comfort in the darkness. Also called scotophilia .