Bukid Horror Story (Certified True Story) by AiMagZ

5.2K 6 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:  ( Aison Magsoling A.K.A. AiMagZ )

Alam ninyo mga friend, this is my first time to write a horror story which based on reality. Nais ko sanang i share sa inyo ang kwentong naipon ko at nararanasan talaga ng tao sa paligid natin.

Ang mga kwentong ito ay may halong kababalaghan, katatakutan at nakapanindig balahibo. Kadalasan ang naisulat kong kwento ay nangyayari sa probinsya namin (yung remote areas).

Heto na po........

EPISODE 1:ANG NAGLILIYAB NA LIWANAG ( SANTILMO IN BISAYA)


Experience ito ng pinsan kong babae kasama ang mga kaibigan niya. Nanggagaling sila sa kapitbahay nila na nanonood ng tv. Pag uwi nila, may nakita silang puno ng mangga na nanghihitik sa bunga. Iyong bang mga bunga nito ay muntik ng maabot sa lupa. Nanguha sila ng mangga. Habang panay sila sa pgkuha nito, biglang may umilaw na napakaliwanag na bagay. Akala ng pinsan ko na iyon ang may-ari ng mangga at inilawan sila gamit ang flashlight. HIndi pala. Isa pala itong bola o ulo na nagliliyab sa apoy ( hindi masyadong madescribe) kasi hindi niya itong

masyadong makita sa sobrang liwanag nito. Sakit sa mata.


Agad na siyang bumaba kasama ang mga kaibigan niya at tumakbo kasi iba na ang pakiramdam niya. Sinusundan yata sila ng nito. Sa bilis ng takbo niya nahulog siya sa isang lungga( hole) kung saan nagkahiwalay sila ng mga kasamahan niya. Umiiyak siya at yumuko nalang upang hindi masundan ng liwanag. Pagkatapos, hinanap siya ng maga kaibigan niya at natagpuan siya sa kinaroroonan niya at puno ng dumi ng oling sa mukha.

Comment at votes naman po kayo mga friend. salamat!

EPISODE 2:  ANG BABAENG NAKAITIM

 Ang kwentong ito ay nangyari sa kapitbahay namin. Galing siya sa trabaho, construction worker at gabi na siyang umuuwi sa kanila. Upang makatipid pamasahe, naglalakad siya( shortcut na daan) para madaling makauwi. Dumadaan siya sa bundok na napapalibutan ng malalaking kahoy. Habang naglalakad siya, meron siyang namalayang isang babaeng nakatayo. Itim at mahahaba ang mga buhok niya. Ang nakakatakot pa yung nilapitan siya nito. . Pumasok ang buhok ng babae sa ilong, baba, tenga at mata niya. Hindi na siya makahinga ng maayos.Napaluhod siya. Natatakpan ng buhok ang katawan niya. Sabayan pa ng isang napakabahong amoy nito. Mammaatay ka sobrang baho. Napapikit siya. Naisipan ng kapitbahay namin na magdasal at magbigkas ng iilang salita ng diyos " Ama Namin" paulit-ulit niyang sinasabi yung at hindi natatapos. Hanggang sa mawala ito na parang bula. Siya naman ay nakadapa sa lupa na hirap huminga.

Comment at votes naman po kayo mga friend. salamat! boring noh!! cge heto naman pasabog ko next episode.

EPISODE 3: ANG LUMILIPAD NA PUTING KABAONG

Iyong isa ko namang tiyo ang may experienced-- Sabi niya, gabi na siyang nakauwi sa bahay na mangyari ang isang katatakutan. Naglalakad siya at puno at dumaan sa isang napakalaking puno at doon nakita niya ang isang napakaputing kabaong na humaharnag sa daa. Napakalinaw ng nakita niya at totoong totoo. Ang pinagtataka niya kung bakit nakalipad ito. Nangangamoy pa ng bulaklak ( kalachuchi). Nagulat ang tito ko dahil hindi siya pinapadaan. Kung dadaan siya sa gilid. Haharang ito sa kanya. Napagdesisyunan ng tiyo ko na kunin at dalhin ito sa bahay. Napakabigat at pinapawisan ang tiyo sa pgdala niya. Pag uwi niya sa bahay, laking gulat niya na ang kabaong na dinadala niya ay naging puno na saging.

Comment at votes naman po kayo mga friend. salamat! boring noh!! cge heto naman pasabog ko next episode.

EPISODE 4: ANG TAGHOY NG BABAE SA DAGAT

Syempre mangingisda din ang tiyo ko. Hindi niya maiiwasan na makakaranas ng kababalaghan. Mga pasado ala 1 am, pumunta ang tiyo ko sa dagat upang mangisda. Napakatapang niya. Isipin niyo pumunta sa dagat mag isa. Habang sumakay siya sa bangka may narinig siyang taghoy ng isang babae sinabayan pa ng napakalakas ng malamig na hangin. Alam niyang hindi ito normal. Kaya hindi niya ito pinansin. Nagtataka ang tiyo ko pati mga isda hindi niya magawang mahuli. Para bang ilusyon ang lahat. Nagsalita ang tiyo sa kalagitnaan  ng dagat na huwag siyang saktan at pag interesan dahil nangingisda lamang siya. At iyon biglang bumalik sa  normal. Nakahuli na siya ng mga isda.

 Votes naman po kayo mga friend. salamat! silent reader's sana magustuhan din ninyo ito....

EPISODE 5: ANG MGA INGAY SA BATIS


Tiyo ko naman ang bida dito. Miyembro ng barangay siya at nagkaroon sila ng meeting. Gabi na siyang nakauwi. Habang naglalakad siya, may narinig siayng ingay na nanggagaling sa batis. Mga agos at tawa ng mga babaye. Dahil sa curiosity, tiningnan niya ito kung saan ito nanggaling. Nakita niya ang tatlong babae na nakasuot  ng maputing damit. Dinagdagan pa ng kanilang napakaputing kutis. Bise sila sa paglalaba. Nagtatawanan at may pinagbubulungan. Hindi niya marinig ang mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung ano ang maga ito. Hindi naman white lady. Baka engkanto. Kaya napag isipan ng tiyo ko huwag pansinin at umuwi nalang.

 Comments at votes please.....sa inyo ko lang kinukuha ang lakas ko...( ano power?) cge..god bless! huwag masyadong dibdibin guyzzzz!

EPISODE 6: ANG MISTERYOSONG NILALANG SA SINAG NG BUWAN


Bandang alas dose ng hatinggabi, galing ng piyesta yung tiyo ko. Habang naglalakad siya may nakita siyang walong baboy. Una, hindi niya itong masyadong makita. Ngunit ng maliwanagan ito ng buwan mas lalo pa niya itong nakita.  Nakita niya ang isang inahing baboy kasama ang pito niyang mga anak. Namumula at nanlilisik ang mga mat nito ngunit hindi naman siya sinaktan. Nagpatuloy ito sa paglakad. Hindi matatakutin ang tiyo ko. Sanay siya na makakita ng kababalaghan. Kaya hinabol ng hinabol niya ito ngunit hindi niya itong magawang mahuli kahit ano pa ang kanyang gawin. Nakabilis tumakbo ang mga baboy lalo na ang mga anak. Pinagmasdan ng tiyo ko ang mga baboy at nagulat siya na umikot ito sa isang napakalaking puno at nawala.

hi! natapos na first horror story ko.... next time may bago na  naman akong pasabog... experienced ko naman at experienced ng kapatid koh at marami pah... abangan niyo..

Comment at votes naman po kayo mga friend. salamat! sana patuloy kayo sa pgsuporta sa mga horror stories ko... GOD BLESS!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bukid Horror Story (Certified True Story) by AiMagZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon