"Hulaan niyo kung anong regalo sa atin ni Mommy ngayon?" Masayang tanong ni Duanne sa amin at dahil lahat kami ay pagod dahil sa paggawa ng booths para sa darating na Christmas Festival.
Nasa Cafeteria kami ngayon at kasalukuyang namamahinga.
"Ano ba iyan?" Tanong ni Jaimee at binuksan ang isang chichirya aa harap namin.
Inilapag lang ni Duanne ang isang brown envelope sa harap namin na kinuha niya mula sa bag ng laptop niya.
Tinitigan lang namin ito at wala ni isa sa amin ang nagkusang magbukas.
"Walang mangyayari kung tititigan niyo lang yan." Iritang saad ni Duanne kaya't kinuha ni Maureen ito para buksan.
Pagkabukas niya ay bigla siyang natulala.
Lumapit ako para tignan iyonat gaya niya ay natulala rin ako ng ilang minuto.
"KYAAAAAAAAHHH!" Sabay naming sigaw ni Maureen.
Am I dreaming? Pero hindi e. Kinurot ko yung sarili ko at nasaktan ako. HINDI AKO NANANAGINIP!
Nagkatinginan kami ni Maureen at nagyakapan kami bago sabay na nagsalita. "Oppa, here I come."
O naguguluhan ba kayo?
Yearly kasi, nireregaluhan kami ng Mommy ni Duanne. Last year, wrist watch ang refalo niya sa amin pero laking gulat ko nang malaman ko ang gift namin for this year.
Trip to Seoul, South Korea! ✈
"Sagot na ni Mommy ang Hotel, foods, transpo, and Pocket Money. Get ready guys." Masayang anunsyo ni Duanne.
"So, kailan ang alis natin?" Tanongni Jaimee at hindi namansiya ganun kaexcited. Bat kaya?
"Tomorrow morning. Pwede na rin naman daw wag ng umatend sa Festival kaya't bukas na agad ang alis natin." Sagot ni Duanne at muli akong niyakap ni Mau.
...
Maaga akong nagising ngayon. Maaga, as in. Mas maaga pa sa alarm clock.
At pag sinabi kong maaga, alas tres pa lang ng madaling araw.
Eight am pa ang flight namin.
Tulog na tulog pa si Jaimee at gising na gising na ako.
Nakapag-ayos na ng maleta si Jaimee kagabi at ngayon pa lang ako mag-aayos.
Jacket, sweater, bonet, scarf, at lahat dinala ko. Hihi. Excited e.
Dinala ko din yung DSLR naregalo sa akin na Mommy noon.
Everything is already prepared at sarili ko na lang ang hindi.
Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Gising na rin si Jaimee at kasalukuyan siyang nasa CR.
Sinuot ko lang yung sweater ko at pinatungan ko pa ng jacket at black pants sa baba. And also, pinartneran ko ito ng Converse shoes.
Magsisix pa lang pero handang-handa na kaming apat.
Sinundo kami ng Mercedes Benz na padala ng Mommy ni Duanne.
Naging madali lang ang byahe dahil malapit lang naman kami sa airport.
Seven pa lang nang makarating kami dito sa NAIA.
"Tara guys, maaga pa. Breakfast muna tayo." Aya ni Duanne sa amin na agad naming sinang-ayunan.
Pinili naming magbreakfast sa malapit na Cafe para madali lang kaming makabalik.
Frappe at pancakes lang ang inorder namin.
BINABASA MO ANG
PAYBACK
ActionLisa Endrada. A typical high school girl who hates to do something illegal. She's been living alone for a long time and learn to be independent. She doesn't have any clue about his father, and she's been bugging by her dream. Sebastian Eastern Aca...