Kady's POV
Sinasabi ko na ba! Kilala ko tong lalaking to eh!
Siya yung bumato sakin sa ulo! Grabe. At classmate ko pa talaga siya ah. Humanda ka sa akin!
Nakatingin lang ako ng masama sa kaniya nang tumingin siya sakin. Lalo ko siyang tiningnan ng masama. Mukhang nagulat naman siya at napansin ko pang napalunok siya.
"Ok see you tomorrow class. Goodbye."
At umalis na nga ang prof.
Nagsi-alisan na rin ang mga classmate ko. Napansin kong 'di pa umaalis 'yung devil na 'to. May katawag kasi siya sa phone.
Dalawa na lang kaming natitira dito. Sinadya ko talagang magpaiwan para sana bigyan siya ng leksyon pero bigla kong naalala na nagantihan ko na pala siya. Remember, sinipa ko siya sa ano niya? Hahaha that was nice.
Napagdesisyunan kong umalis na lang kaysa naman awayin pa 'tong gagong 'to. Sayang ang effort. Sayang ang oras.
Nakatalikod siya kaya 'di niya ako mapapansin. Pero nung nasa bandang likod na niya ako, bigla akong nadulas! Sh*t bakit may basa dito?!
"Ahhh!"
Tili ko dahil matutumba na talaga ako.
Nakapikit lang ako. Pero bakit wala akong nararamdamang sakit? Ganito na ba ako kamanhid para wala nang maramdaman?
Dumilat na ako. Ang gwapo. Hawak-hawak niya ako. Mukha siyang nag-aalala pero bigla na lang nag-iba ang itsura nito at naging cold. He rolled my eyes at me!
What was that for?!?
Binitawan niya na ako.
"Alam mo, hindi mo naman kailangang umacting para lang pansinin kita eh. Kasi wala akong oras para pansinin.."
Tiningnan muna niya ako mula ulo hanggang paa.
"...ang isang bitch. Tss."
Napanganga ako sa sinabi niya. Ano raw?! Ako?? Nagpapapansin sa kaniya?!
Bago pa ako makasagot, nakaalis na pala siya.
"Aaaarrggh!"
I can't believe this! Ang kapal naman niya! Ang kapal kapal niya! Inano ko ba siya?!
flashback
"I told you to stop but you didn't. You deserve that mister."
I winked at him and walked away.
"Tss. You'll pay for this."
Narinig ko pang sabi niya.
So eto ang ganti niya sakin? Gosh! Ang sama ng loob ko!
He even looked at me before saying i'm a bitch!
Everyone calls me bitch but why the hell I'm so affected by his words?!
That man! He's really a devil!!!
"Ahhh! I hate you!!!"
Sigaw ko at padabog na umalis. Hindi pwedeng masira ang araw ko dahil lang sa devil na 'yun!
Lance's POV
Nagulat talaga ako nang nakatingin sakin si Kady ng masama. Pero naisip ko, bakit ba parang natatakot ako sa kaniya?
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya sabay namang nagpaalam na ang prof namin.
Nagvibrate ang phone ko. Si Brumer.
BINABASA MO ANG
The Bitch and the Devil's Set-up
RomansaI'm a Goddess, genius but a totally BITCH. He's handsome and hot. That's all, nothing more. Oh, one more thing, he's a big DEVIL! Unfortunately, I'll be his tutor but not just an ordinary tutor...