Dear Kuya, *One-Shot*

1.9K 26 1
                                    

© minlai22---All Rights Reserved 2013---Her letter to her so called 'KUYA'... --- No contents in this story is real or intended to resemble anyone real. Nothing in this story is scientifically established. No part of this story can be reproduced without the knowledge of the author. Thank you for reading...

---

a/n: outburst. Nainspired sa 'Dear Idol' ni Alyloony. hihi~ :) May nami-miss lang din kasi ako. Hays~ Sana di niya ito mabasa, kundi paktay ako... hahaha~ :)

Don't forget to follow, vote and comment. Kung gusto lang, walang pilitan. Thanks! :) Love. Love. Love :)

---

Dear Kuya, *One-Shot*

Hi Kuya. Wala lang. Nami-miss na kasi kita. Ang tagal na kasi mula nung huli tayong nagkitang dalawa. Tapos hindi na rin kita nare-replyan sa mga texts mo. Medyo namimiss na kita pero wala akong magawa. Hays~ Gusto kong balikan yung mga panahon nung una palang tayo nagkakilala para mas nagbigay ako ng atensyon sa'yo noon.

Naalala ko pa nung una tayong nagkita nun, nag-OJT ka nun sa pinapasukan kong kompanya. Akala ko nga nun mas matanda ako sa'yo dahil OJT ka palang tapos ako nagwo-work na. Tapos yun pala mas matanda ka sa akin ng isang taon. Kaya medyo nahihiya akong mag-utos sa'yo nung nalaman ko yun. Pero ayun, dahil nga OJT ka nun, lagi kitang nautusan. Pero kadalasan kasi ng utos ko nun ay kailangan mo pang mag-travel, kaya nakokonsensya akong mag-utos minsan, pero wala naman akong narinig na reklamo. Kaya medyo nilubos-lubos ko na nung nagtagal.

Hindi ko alam kung kelan, pero bigla na lang nilang itinukso ka sa akin. Nahihirapan pa naman ako kapag may tinutuksong lalaki sa akin. Hindi ko maiwasang mailang, pero hindi ko naramdaman yun sa'yo. Dahil imbes na mailang, mas lalo kong sinakyan yung trip nila dahil alam kong joke lang yun at inaasar lang nila ako.

Hanggang sa dumating yung araw na bigla na lang tayong nagkasabay pauwi. Tapos nilibre mo ako ng pamasahe. Medyo nailang ako sa gesture mong yun. Hindi kasi ako sanay sa mga ganung bagay, tapos katabi pa kita sa jeep, medyo siksikan pa. Hindi nga ako nagsasalita nun kasi hindi ko alam, parang bigla na lang nilamon ng lupa yung kakayahan kong magsalita. Alam mo yung parang bigla na lang akong nailang sa'yo ng biglaan, parang may bigla na lang akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. Kinabukasan, after nung araw na yun, nalaman ko na lang sa mga officemates ko na hinintay mo daw pala talaga ako nun sa ay sakayan para sabay tayong umuwi. Shet! Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng saya. Tapos nasundan pa ng ilang beses yung pagkakasabay natin sa pag-uwi nun. I mean, hinihintay mo na pala ako para sabay tayong dalawang umuwi. Sa totoo lang, gusto kong kasabay ka nun pauwi, kaso hindi ko alam pero nahihiya akong kausapin ka.

Tapos dumating yung last day mo. Nagpadespedida ka nun sa bahay ng isa pa naming ka-officemate. Dapat talaga hindi na ako sasama nun dahil hindi talaga ako nakapagpaalam at may masama akong feeling nun. At yun, nung gabi ngang yun, nangyari yung masamang feeling na sinasabi ko. Matapos kasi nila tayong iwang dalawa, sinabi mong gusto mo ko. Nakainom ka nun, pero alam ko na alam mo pa rin yung mga sinasabi mo. Nakainom din ako pero hindi naman ako lasing. Kaya alam ko yung mga sinabi mo. Ramdam ko yung mga sinabi mo.

Alam mo yung feeling na masaya pero malungkot. Masaya ako kasi finally, may lalaki ring nagtapat sa akin ng nararamdaman niya ng personal. Malungkot dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko pa kasi naiintindihan yung tunay kong nararamdaman nun. Tapos isang araw, nalaman ko na totoo pala yung sinasabi nilang sparks. It was that time nung sinabi nilang magtitigan daw tayong dalawa. Di ko alam, biglaan na lang, nakatingin ka nung tapos tinignan kita sa mata. Tapos nafeel ko yung sparks. Shet! Oo, hopeless romantic na Kuya. Nakakahiya. Kaya nag-iwas agad ako ng tingin nun.

Tapos ayun, natapos na yung OJT mo. Pero natatandaan ko pa yung time na nag-inom tayo na magkakasama sa bahay. Medyo nalasing ako, nahihiya nga ako nun sa'yo dahil nakita mo kung paano ako malasing. Nakaka-turn off no? Ang weird ko.

Natatandaan mo pa kaya nung time na na-i love you ako sa text ko sa'yo? Alam mong lasing ako nun. Ako rin, aware ako na lasing ako. Pero maayos pa rin yung isip ko nun. Kaya malakas yung loob kong sabihin yun sa'yo that time dahil alam ko, kinabukasan pwede kong bawiin yung mga tinext ko. Pwede kong idahilan na lasing lang ako kaya tinext ko yun sa'yo, pero sa totoo lang, ayun nga siguro yung nararamdaman ko nung mga oras na yun. Hindi ko palang siguro maamin sa sarili ko na sa isang tulad mo ako nahulog kaya ginawa kong dahilan yung pagkalasing ko kaya ko naitext sa'yo yung mga bagay na yun. Natatakot kasi akong mahulog, baka kasi walang sumalo sa akin. Takot akong masaktan kaya parang ayokong magmahal kasi natatak sa isip ko na sa pagmamahal, kasama dun ang masaktan. Hindi pa siguro ako ready nun. Emotionally unprepared pa siguro ako. 

Tapos ayun, hanggang texts at chats na lang tayo nagkakausap. Di ko alam pero parang nakuntento ako nun.  Hanggang sa aminin ko na lang sa sarili ko na gusto na rin kita. Kahit na alam kong marami kang flaws, kahit hindi lahat ng qualities ng ideal man ko nasa iyo, kahit may ilang bagay akong hindi ko gusto sa'yo, hindi ko alam pero ikaw nga yung pinili ko. Ikaw na nga siguro yung sinasabi nilang 'the only exception'.

Masaya ako kasi finally, yung mga pinagdaanan mo dati, alam ko na. Ikinuwento mo sa akin halos lahat. Yung mga sikreto mo, alam ko na. Yung mg sikreto ko naman nasabi ko na sa'yo. Isang sikreto na lang siguro yung hindi ko pa nasabi nung mga panahong iyon.

Pero sa totoo lang, nasaktan ako nung sinabi mo na hindi mo muna itutuloy yung panliligaw mo sa'kin. Hindi ko pa alam yung dahilan mo noon pero nung nalaman ko, mas naintindihan kita. Kaya naisip ko na siguro, tama nga siguro yung desisyon kong bigyan ka ng chance, na hintayin kita.

Pero mukhang hindi na tayo darating dun sa time na magiging tayo. Dahil kahit na gusto ko, kahit na handa akong maghintay ng gaano pa katagal, mukhang yung tadhana na yung nagdesisyon ng magiging kapalaran nating dalawa.

Kuya, wag kang malulungkot ha. Pero dito ko na sasabihin sa'yo yung last secret na yun. Last week, inamin na ng doktor sa akin na malala na yung sakit ko, at humigit kumulang isang buwan na lang yung maaari kong itagal dito. Sobra akong nalungkot dun pero sabi ng doktor ko, bawal daw akong malungkot. Kaya ayun, pinilit kong maging masaya, inisip na lang kita.

Siguro mababasa mo ito after kong mawala dito sa mundong ito kaya ipinagdadasal ko na sana hindi ka malungkot, na palagi ka lang sanang masaya at nakangiti. Hayaan mo kuya, masaya naman akong nakilala kita. Sobrang saya ko. I don't regret choosing you over other guys, siguro ang tanging regrets ko lang ngayon, ay yung hindi ko nasabing gusto rin kita nung panahong inamin mong gusto mo ko.

Basta Kuya, hindi man tayo pinagbigyan ngayong lifetime na ito, pero pangako, sa next life time hihintayin pa rin kita...

Nagmamahal,

Ate

---The End---

a/n: not literally, ate & kuya, they're just using thqat as their call sign.

hehe~ sabi ko sa inyo outburst lang eh... biglaang naisip. kasi naman eh. hays... :) SALAMAT PO SA PAGBABASA! :)

Dear Kuya, *One-Shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon