Crisscross by jessica

3.9K 81 27
                                    

This is not my own story.

Credits to Ms. Jessica Concha

***1***

'Scared, Harry?'
'A Little.'
'It's all right. I felt the same way before my first game.'
'What happened?'
'Er, I don't really remember. I took a bludger to the head two minutes in. Woke up in the hospital a week later.'

Waaa! Oh My God!!! Sean Biggerstaff! Ang nag-iisang asawa ko!! Ok, pause muna para makita ko yung mukha niya ng matagalan. Ano ba yan.. sumobra naman. Si Daniel Radcliffe ang nahintuan... o siya, pwede na rin. Crush ko rin naman yan.

Normal. Just normal. Humihinga ako, kumakain, may bahay, pumapasok sa school, pala-gala din... well.. that's part of being a teenager. Other than that, I love my family. My mom.. my Dad... and myself. Nag-iisang anak lang kasi ako.

Actually, we used to live in'...the home of the brave'. United States, kung naitanong niyo, last line yan ng Stars Spangled Banner. Sa katunayan, yan lang ang alam kong part maliban sa first line. My mom is a Filipina, and my Dad is American. I was born there, pero marunong akong magtagalog paano ba naman every single year of my life kapag summer, umuuwi kami para bisitahin yung family ni Mommy.

Nag-aral ako sa US buong elementary years ko. (1-6th grade). Yung Dad ko eh sobrang bait, laging wala yan sa bahay at pauwi-uwi lang, pero laging may dalang kung ano kapag dumarating. Ikakandong pa niya ako nun habang nanonood kami ng TV.. I love him so much.. so as my mom.

I really don't know what happened, when I was nine, nag-divorce sila. Nagkulong ako sa kwarto ko nun maghapon, umiyak at gusto kong bumalik si Daddy, pero wala naman akong magagawa. Finally, lumabas na rin ako dahil naisip ko na baka yung sinasabing 'divorce' eh parang 'vacation' lang. Hindi ko pa naman masyadong maintindihan yung divorce nun.. I know it's separation..

.. the heck. What kind of separation???

Syempre nung tumatagal-tagal, I figured out that it is separation of marriage. Hindi ko na nakita Daddy ko nun hanggang sa may dala-dalang paper si Mama para pirmahan niya. He kissed me, said goodbye, and that's it. 'Never heard anything from him since then.But I never hated him for that.

3 years later, 12 na ako. May nadiskubre na naman akong bago. Gusto ng Mom ko na bumalik kami sa Philippines, na hindi raw niya kayang maging single parent. Yun pala yung pinapirmahan niya kay Daddy. Consent na pumapayag siyang ilabas ako ni Mommy ng bansa. At least daw sa Philippines, kahit dalawa man lang kami sa iisang bahay, pwedeng-pwede niyang tawagan yung mga kamag-anak namin in case na kailangan niya ng tulong. Sa America, ang pinakamalapit na kamag-anak namin eh nakatira.. somewhere North.

Dahil may pera naman si Mommy na naipon bago naisipang mag-stay na for real sa Philippines, meron kaming sariling bahay. Actually, malaki siya kung dalawa lang kaming titira. Dumadalaw doon yung mga relatives namin, pati yung mga pinsan ko, at yung iba eh hindi ako kinakausap.

Nahihiya pala sa akin. Akala kasi nila hindi ako nagtatagalog. Tapos nung nalaman nila na marunong ako, kinda' retarded on some words, pero yun.. close na kami lahat.

Inenroll ako ni Mommy sa pinakamalapit na school. I didn't know that they call 7th grade as first year, at high school na pala ang 7th grade!!! In US, it's Middle School.

Nahirapan pa ako nung simula, bukod sa sobrang init na nga, ang taas ng humidity, kakaiba yung amoy ng classrooms to think na doon ka lang mag-stay for the whole day, walang computers... I was like...'How can I live in this place?'Sobrang dami na nga ng klase, simula umaga hanggang hapon, at may extra works pa after school. At naaalala ko pa na nagrereklamo kami sa principal namin sa school ko sa America tungkol sa dress code na kailangang nakatuck-in yung shirt.. pero dito.. you're wearing the same stuff!!!

Nasanay na rin ako, kinausap ko si Mommy na ok na ako sa school system... but please!!! Huwag naman sa mainit!

Nag-transfer ako sa private school. Ayun, may AC na bawat classroom. That felt good. Dun na ako nag-stay hanggang sa ngayon... 4th year na ako.

I really have no clue how it started, pero nung bago pa lang ako sa school eh marami nang kumausap sa akin. Ilang months lang, halos lahat ng nasa corridor eh kinakausap na ako. Hindi ko man sila kilala, 'Hi' na lang din ako.

Na-realize ko na rin kung ano ang pagkakaiba ng life sa Philippines kaysa sa America. Totally different culture, pero mas masaya yung mga celebration kapag holidays.

This isn't bad after all. Kahit na dalawa lang kami ng Mommy ko at wala yung Daddy ko.

Dahil nga may office work ang Mom ko, Richard came into view. He's my mom's officemate. To be honest, he's always in our house, nagdadala ng kung anu-ano para kay Mommy, para sa akin.. lalabas kasama siya... mga ganung bagay.

He's... nice. Err.. not nice.. good.

Isang araw na lang at nagsusulat ako sa kwarto ko, kumatok si Mommy at tumatawag sa labas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crisscross by jessicaWhere stories live. Discover now