After I read the story ay napangiti ako. According to what I've read. Kapag ginawa mo daw na wallpaper ang crush mo ng 15 days nang walang nakakakita ay pwedeng maging kayo. Nangyari to sa story na binabasa ko kaya wala namang problema kung itatry diba? Wala rin namang mawawala.
Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa gallery. Tinignan ko ang picture nya at napangiti. It's been four years since I last saw him. Lumipat kasi sila ng bahay. Hindi ko na rin sya mahagilap kahit sa facebook, hindi ko rin nakuha ang phone number nya dahil biglaan ang pag-alis nila. And now, buti nalang may nasave akong picture nya from facebook last year nung hindi pa ata sya nagdedeact at hanggang ngayon, hindi ko pa rin to binubura. I hope that one day magkita ulit kami.
Napabuntong hininga ako at inayos ang salamin kong bilog tsaka ngumuso.
"Hays. Gagawin ko to, malay mo diba. Magkita tayo. Plus points! Tayo pa! Hahaha." ginawa ko na tong wallpaper at natulog na.
____
Day one...
Nagising ako sa sinag ng araw at bumangon na. Bumaba na ako after kong maghilamos at magtoothbrush.
"Dominique! Magi-enroll na tayo mamayang nine o'clock. Bilisan mo dyan at malapit ng magseven!" sigaw ni mama sa kusina habang ako naman ay nagmamilo habang nanonood kasama si kuya.
"OPO!" malakas na sigaw ko kasabay ang pagbatok ni kuya. Aish! Epal talaga to kahit kailan sa buhay ko e.
Sinamaan ko lang sya ng tingin at ininom na lahat ng milo ko.
"Saan ulit yung school na gusto mong pasukan?" sabi ni mama pagkapunta ko sa kusina para kumuha ng pandesal tapos itlog.
"Ah. Ano po, **" sabi ko at pinalamanan na ang pandesal. Last update ko kasi bago sila umalis ay sa ** sila mag-aaral ng kuya nya. Malay mo diba. Doon pa rin sila nag-aaral. Hays, four years na rin kasi ang lumipas e.
"Sure ka ba doon?" sabi ni mama at lumapit sakin. Tumango naman ako at ngumiti. The best talaga si mama.
_____
Day five...
Napasalampak ako sa higaan at tinignan ang wallpaper ko tapos ay ngumuso.
Nakakainis bakit sila nagtransfer? Okay naman sa ** a. Bakit kailangan nilang magtransfer? Kung saan pa na hindi ko kayang puntahan. Hays. Ayaw talaga kaming pagkitain ni Fate. Nakakainis sya!
Syempre nakapag-enroll na ako hindi na pwedeng bawiin. Sayang rin yung perang ginastos ni mama. Private rin yun.
Napabuntong hininga ako at inilapit ang screen ng cellphone ko sa mukha ko. Ang gwapo nyang tao. May maputi syang balat at maamong mukha. Ang pinkish rin ng lips nya at may katamtaman na hugis ng katawan. Napangiti na naman ako na parang tanga. Jusko Dominique! Kalma!
"Buti nalang wala pang nakakakita sayo. Hahaha." sabi ko sa wallpaper ko at pinatay na.
_____
Day ten...
Nagsimula na ang pasukan at eto, lonely pa rin ako. Ang gagara kasi ng mga tao dito. Sarap sapukin e.
Inayos ko ang salamin ko at tinignan ulit ang wallpaper ko. Nakaka-adik talaga ang mukha nya. Parang drugs. Nakakahulog ng malalim, hirap bumangon.
Bukod sa first crush ko si John ay sya rin ang pinakamatagal kong naging crush. Eight years. Kahit nagkacrush ako sa iba nung mga times na wala na sya ay hindi pa rin mahihigitan ng iba ang pagkagusto ko sakanya.
Totoo ata ang salitang first crush never dies.
Hays. Sana magkita na kami. Wala pa ring nakakakita ng wallpaper ko at sana totoo ang paniniwala sa kwento.