Chapter 24

2K 98 22
                                    

(Cellphone ringing)

Nagising lang ako sa kawalan ng marinig ko yung ringtone ng cellphone ko. Agad kong kinuha yung phone ko sa bag. Si Seb pala yung tumatawag, bakit kaya?

(Voice call)

Sebby: Alex? 

Alex: Hmm Alex nga to Seb, bakit?

Sebby: Are you alright? Bakit parang ang lungkot lungkot ng boses mo.

Alex: Ha? Ako malungkot? Parang di mo naman ako kilala.

Sebby: Ok sabi mo eh. Saan ka ba?

Alex: Nandito na ako sa dorm. Sige to be honest kailangan ko ng taong makakausap. Please Seb kung ok lang sayo puntahan mo naman ako dito.

Sebby: Sige sige, hintayin mo ko. Iiinuom natin yang problema mo.

Alex: Ok, ingat ka sa byahe.

At inend ko na nga yung call. Sana tama nga sila, na alak ang sagot sa taong nasasaktan. Kahit sana ngayong gabi lang makalimot naman ako, makalimutan ko lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hirap na din naman ako sa sitwasyon ko, maybe tama si Caleb. Baka mas makabubuti nga yung lumayo na ako sa kanya. 

Alam kong hindi magiging madali dahil aminin ko man o hindi, mahal ko pa rin siya. Pero kahit na mahirap ay wala akong choice kundi ang magmove-on, at itabi na lang sa kahapon ang mga masasayang ala ala namin ni Caleb. 

"Hey Alex I'm here na." biglang sabi ni Seb. Hindi ko na namalayang nakapasok na pala siya sa room namin.

"Hmm kumusta ka na Seb? Bakit parang ang bilis mo yata?" tanong ko sa kanya.

"Eto ok lang, wala rin kasing traffic kaya medyo mabilis yung naging byahe ko papunta dito." sagot niya sa mga tanong ko.

"Eh saan ka ba kasi nagpupunta nitong mga nakaraang araw?" curious kong tanong sa kanya.

"Nothing important, nagsoul searching lang."

"Really? Sorry pala kung nakaistorbo ako sayo, kasi diba dapat one week kang wala dito, pero napa-aga yung balik mo ng dahil sa akin." Paghingi ko ng paumanhin kay Seb. At inassume ko lang naman na ako yung dahilan kung bakit siya napaaga ng uwi.

"No prob Alex, tsaka I think I've had enough time na para makapag-isip isip sa buhay ko."

"Bakit parang ikaw yata yung may problema? Akala ko ako tong dadamayan mo." pang-aasar ko sa kanya.

"Gago! Walang ganon." sabay sapak niya sa braso ko.

"Sige na umpisahan na natin yung session ng makarami!" excited kong sabi sa kanya.

"Hhahaa mukhang malaki nga yung problem mo, excited eh." 

Sinimulan kong ikwento sa kanya yung nangyari sa pool. Kung paano ko nalaman yung paghahalikan nina Jake at Caleb. 

"Wow, di  ko maimagine na gagawin niya yun sayo. What I mean is, mahal na mahal ka kasi ni Caleb para lokohin ka ng ganon." naging reaction ni Seb sa kinuwento ko.

"Hindi naman daw niya ginusto yon."

Nag-shot muna ako ng vodka before ko ituloy yung kwento ko. Tama nga sila, na mawawala yung mga what if's mo kapag sinaniban ka na ng alak.

Itinuloy ko yung pagkwento ko kay Seb. Hanggang sa part na nagtapuan ko yung name nila Jake at Cassidy sa list na ginawa ni Caleb.Pinakita ko pa nga sa kanya yung papel. At noong nakita niya yung name ni Jake ay parang napa-isip siya.

"Hmm I really do think na kay Caleb nga yung list na yan. Kasi si Cassidy nga yung first niya. And that list explains kung bakit ako familiar sa mukha nung Jake na yon. Dahil nakita ko na siya one time sa bahay namin, before pa kita nameet." Seryosong sabi sa akin ni Seb.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon