"I'M speechless, Ren. 'Di pa rin talaga ako makapaniwalang si Mr. Pogi, si Secretly In Love Admirer at si Alexus pala ay iisang tao lang. What a mischievous thing!" amused na sambit ni Eireen.
"And all this time, ikaw pala ang tinutukoy n'yang babae na pinag-aalayan n'ya ng feelings. Grabe talaga, Ren! 'Di pa rin ako maka-get over," walang tigil sa kalalakad na wika ni Eireen. Nasa kuwarto sila ni Caren ngayon.
"Without knowing na ikaw na pinagkukuwentuhan n'ya, at ang babaeng tinutukoy pala n'ya, which is me, ay mag-best friends pala. Ang galing maglaro ng pagkakataon," pahayag ni Caren habang nagpapalit s'ya ng damit.
"At bakit ba 'di ko rin napansin na akmang-akma pala 'yong ikinuwento n'yong dalawa?" Natampal nito ang noo pagkatapos ay napabuntong-hininga ito.
"So, ano na'ng plano mo?" tanong ni Eireen matapos makapagpalit si Caren. Nagkibit balikat lang s'ya.
"Masyado nang ginugulo ng lalaking 'yan ang sistema ko. Siguro dapat ko na talaga s'yang pagsabihan para matahimik na ako," aniya. Nakatitig sa kanya si Eireen. "O, ba't nakatulala ka d'yan?"
"Ren, may sasabihin ako sa'yo pero 'wag kang magagalit, ha?" Napakunot noo tuloy s'ya.
"Ano naman 'yon?"
"Ren, crush ko si Mr. Pogi. Mukha kasi s'yang mabait, eh at saka s'yempre, ang pogi pogi n'ya talaga! Ang ganda pa ng smile, makalaglag panty!" parang ewan na pahayag ni Eireen.
"O? Eh di crush mo lang. Paki ko ba 'ron? Saka ba't naman ako magagalit? Sino ba ako para magalit, eh, 'di ko naman s'ya pag-aari," sagot n'ya sabay irap.
"Tsk! Tsk! Tsk!" anito habang naiiling. "Mukhang 'di mo yata lubusang nage-gets ang mga bagay-bagay, mahal na prinsesa." Nagtatanong ang mga matang tumitig s'ya rito.
"Ikaw lang naman ang bukod tanging babaeng laman ng puso ni Mr. Pogi. Ikaw ang kanyang sinisinta at ninanais na mapasagot ng isang matamis na, 'oo,'" madamdaming saad ni Eireen na wari'y tumutula.
"Magtigil ka nga."
"Kahit ano'ng gawin mo, mahal na prinsesa, ikaw na ang nagmamay-ari ng puso ni Mr. Pogi slash, ang mahal na prinsipe. But don't worry, mahal na prinsesa, hinding-hindi ko aagawin sa'yo ang mahal na prinsipe. Hanggang crush lang ako kaya 'di ako threat sa inyo. I'll support you both!" tuwang-tuwang pahayag ni Eireen.
Napailing-iling na lang si Caren. Mukhang tuwang-tuwa pa ang kaibigan n'yang 'to sa kanila ng lalaking iyon. 'Pag nagkaroon ka nga naman ng kaibigang kunsintidor. Hay...
"Basta, isu-support ko talaga kayo at tutulungan ko si Mr. Pogi sa'yo." Marahas na napatingin s'ya rito at bago pa s'ya makapagsalita ay naunahan na s'ya nito.
"At 'wag ka nang kokontra. Starting today, ako na ang number one fan n'yo," anito saka dali-daling lumakad paalis ng kuwarto n'ya.
"But seriously, Caren, I can feel that he's a good guy." Bago ito tuluyang lumabas ng kanyang kuwarto.
MALAKAS ang ulan kaya napagpasyahan ni Caren na sa library na lang muna s'ya tatambay hanggang sa huminto iyon. Gagawin na lang uli n'ya ang mga school works n'ya.
Mabuti na lang at kokonti ang mga estudyante roon kaya malaya s'yang makakapuwesto sa gusto n'yang lugar. Pinili n'ya ang sulok malapit sa may bintana para 'di s'ya ma-distract ng mga padaan-daan na estudyante sa paligid.
Nasa kalagitnaan s'ya ng pagsusulat nang biglang may humila ng upuan sa katapat n'ya at basta na lamang umupo doon.
"Hi there, lovely lady. Would it be okay if I join you?" Nang tingnan n'ya kung sino ito ay walang iba kundi ang tanging lalaking laging nanggugulo ng kanyang sistema. Ang lalaking ngayon ay ubod ng tamis ang ngiti sa kanya. Ang lalaking unexpected lagi ang mga ikinikilos sa kanya. At ang lalaking may pangalan na Alexus.
BINABASA MO ANG
I'm a Lover and a Fighter
RomancePagkakaibigan... Pag-iibigan... na mauuwi sa Pagtataksil. Ten years old pa lamang ay magkasama na kayo ng best friend mo, habang kayo naman ng boyfriend mo ay ten years na ang relationship at magpo-propose na ito sa'yo and sooner, magpapakasal na ka...