Zeus at Methius

4.3K 22 7
                                    

Mula sa mundo ng mga supernatural at kababalaghan...sa mundo kung saan hindi pa naaabot ng kahit na sinong mortal na tinag na Olympus. Lugar kung saan nakatira ang mga Diyos at Diyosa na taglay ang iba't-ibang kapangyarihan.

Taglay ng Olumpus and naggagandahang mga hardin at tanawin na napagyaman pa ng mga nakatira. Ang Olympus ay pinamumunuan ni Zeus, ang Diyos ng mga Diyos at Diyosa at taglay niya ang kapangyarihang kildlat na wala nang hihigit pa.

Nagkaroon ng anak si Zeus kay Methius isa ring Diyosa ng isang babaeng sanggol. Pinangalanan nila itong Invie, mabilis ang paglaki ni Invie at ikinatuwa naman it ni Zeus. Araw-araw ay pinagmamasdan nito si Invie upang makilatis kung an ong kapangyarihan mayroon si Invie, ngunit dumaan ang maraming araw pero wala pa ring naipapakita si Invie.

Naiinip si Zeus sa paghihintay kaya agad niyang pinatawag si Invie.
"Malaki ka na ngunit hindi pa rin lumalabas ang iyong kapangyarihan, natitiyak ko na hindi ka bagay ditto sa Olympus kaya ngayon pa lng ay itatapon na kita sa mundo ng mga mortal at doon mamalagi, Ibibigay ko sa iyo ang kakayahang maglaho dahil iyon ang nababagay sa iyo!"utos ni Zeus.

At natapon nga sa lupa si Invie, sa oras na tumapak siya sa lupa ay naglahong lahat ang kayang alaala. Napulot siya ng isang mayamang mag-asawang hindi nabiyayaan ng anak at doon na naninirahan. Magddedesi-otso na si Invie noong maramdaman niyang may kakaiba sa kanya, kapagka ayaw nya ang kanyang kausap o napapahiya siya ay bigla raw siyang hindi nakikita ng kanyang mga kaibigan. Marami pang mga pagkakataon ang nangyari at unti-unti nang natuklasan ni Invie ang kanyang kakayahan. Sa kanyang murang edad ay kung anu-ano ang pinag-gamitan niya nang kanyang kakayahan. Unti-unti niyang nakontrol otp at ginamit pa upang sundan ang kanyang crush at magmanman sa kanyang kaaway.

Nang mag bente-anyos na siya ay naisip niyang magseryoso sa paggamit nito dahil naniniwala siyang regalo ito nang nasa itaas.
Sa paggamit niya sa kanyang kakayahan sa kabutihan ay marami siyang natulungang tao, kagaya nang pagpapataw ng parusa sa tunay na suspek sa isang krimen. Ginamit niya ang kanyang paglalaho upang manmanan ito. Minsang ma-kidnap siya ng isang Kidnap for Ransom group ay nagawa niyang tumakas nang hindi siya nakikita ng mga kidnappers at naisumbong niya ito sa mga pulis. Laking pasasalamat nang kanyang mga magulang.

Ipinagpatuloy pa ni Invie ang pagtulong niya sa kapwa, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para sa mabuti. Masaya naman siyang pinagmamasdan ng kanyang mga magulang sa itaas.

Kwentong Epiko Ng MitolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon