Chapter 4 : Red
"Kezha, Kim, Yesha, Amira, Zaira, Nikka at Allen kayo ang bubuo sa unang grupo. Ang kinakailangan niyong gawin ay puntahan ang isang lugar sa Siquior. You will be staying there for 2 days and 1 night. Ihahatid kayo bukas nina Sir Calderon at Ma'am Valete bukas. So you may go now but before that plan something first. Okay? "
"Yes Ma'am. " - Nikka at Yesha
"Ok po. " - Amira at Kezha
"K. " - Kim
Sagot nung lima habang kami naman ni Allen ay tumango lang. Gaya-gaya haha.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan Zaira, halika na nga. " iritadong tanong ni Kim bago ako hilahin palabas.
"Uy, teka nga. May problema ka ba? " Grabe kasi kung makahigit parang lalake.
"Meron, yung Nikka na yun 'o. " giit nito habang nakasipat sa puwesto ni Nikka na kasalukuyang kinakausap si Allen.
"Selos lang yan Kim. " bulong ni Amira na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.
"Asan si Yesha at Kezha? " tanong ko. Ang alam ko kasi nag-uusap usap silang tatlo bago ako hinila ni Kim.
"Ayun magpapaganda daw muna sa CR. Susunduin daw sila ng mga boyfriend nila. " mabilis nitong sagot.
"Hi, may napagmeetingan na ba kayo? " pagsingit ni Nikka na agad na ikinairita ni Kim.
"Chill lang bes papangit ka niyan. " bulong ko habang hinahagod yung buhok niya.
"Wala pa, tsaka 'di na siguro natin kailangang magmeeting kaya puwede na kayong maunang dalawa. Mukhang may lakad pa ata kayo eh. " saad ni Amira habang pinaglalaruan yung kinakain niyang bubblegum. At matapos niya itong paglaruan ay muli niya itong ibinalik sa bibig niya. Kadiri.
"Hoy nababasa ko utak mo Zai wag kang maarte diyan. "
Inirapan ko lang siya bago maupo dun sa katabi kong bench. Pinagmasdan ko yung open field at matahimik na pinanuod yung mga varsity ng soccer na nagtetraining.
Nagfocus ako ay kay #4, siya kasi pinakang cute, tsaka mukha ding mabait.
Habang patuloy ko silang pinapanuod ay bigla itong napatingin sa puwesto ko. Nagkatitigan kami pero agad din itong naputol ng matamaan siya sa ulo ng bola.
Kahit 'di ko naman siya kilala at kahit hindi ako sigurado kung sakin ba siya nakatingin bago siya tamaan ng bola, ay lumapit parin ako sa puwesto niya.
Hala, nakatulog ata. "Kuya okay lang ba siya? " pagtawag ko dun sa #12.
"Ok lang yan Miss cutie don't worry. " sagot naman nito habang inaalalayang tumayo si #4.
"Huwag ka na ngang magdrama diyan Red. " giit naman ni #1 kaya napamulat bigla si Red. O'diba nakiki- Red na din ako haha.
"Di kaya ako nagdadrama. " saad nito habang namumula yung mukha.
"Ayieeh nagbablush si Red haha. Andito kasi si crush eh." pangbubuska ni #9. Di ko alam pangalan nila kaya 'wag kayong ano diyan haha.
"Shut up Nick! Give me 30 push-ups, now! " sigaw nito bago lumapit sakin.
Hinawakan niya yung kamay ko at marahan akong hinila palayo sa teammates niya. Ayieeh medyo feeling close si Cute haha. Kaso nga lang may pagka-judgemental ang mga kaibigan ko, kaya ayun pinigilan nila kami.
"Oy saan mo dadalhin ang kaibigan namin ha? " - Yesha
"Gagawa ba kayo ng baby---aray! Masama ba yung tinanong ko? Hindi naman ah, I'm just asking para kung mabuntis man si Zaira hindi na tayo mahihirapan pang hanapin at alamin kung sino ang Tatay ng magiging anak niya. " mahabang paliwanag ni Amira na nagpatahimik sa mga taong nasa open field. "I know I'm smart, you don't have to be speech---aray! "
"Tumigil-tigil ka diyan Amira. " giit ni Kim bago kami sipatin. "No kissing, no sexing, no touching. Just talk. Gets niyo? "
"Oo gets namin na napaka-OA mong tao. Sex kaagad? Diba puwedeng touching muna. Irephrase mo nga yung sina---aray! Hoy ikaw na babae ka ha! Kanina si Amira yung sinapok mo ngayon naman ako. Ano may problema ba tayo ah? " sigaw ni Kezha. Tsk, lumabas nanaman pagiging war freak niya.
"Hey beautiful girls 'wag kayong magta--"
"--shut up! Hindi ka namin kinakausap. " sigaw nung apat na nagpaurong kay #12
"O-Okay chill." - #12
Gumawa ng bilog yung apat at tila nagmimeeting pa. Mga ilang sandali din siguro yung tinagal nila sa pag-uusap bago kami muling tingnan.
Isa-isa silang lumapit sa puwesto namin ni Red. Pumalibot sila bago kami muling sinipat ng tingin.
"May 10 minutes lang kayo para mag-usap. " -Kezha
"Anong 10? Akala ko ba 15? " - Yesha
"Mga gaga 5 lang. " - Amira
"10+15-5?" - Kim
"25." - Kezha
"Ang bobo mo talaga bes, 15 kaya. " - Yesha
"Pfft hahaha bobo kayo parehas. 20 lang kaya. " - Amira
"That's right Amira. So Zaira and Red you have 20 minutes. You may go. " parang boss na giit Kim.
Napatango na lang kami bago tuluyang umalis.
Pero ba't parang ang bilis ng mga pangyayari? Ngayon lang naman kami nagkakilala diba?
Mag-uusap lang naman kayo, kaya anong mabilis dun?
Yun na nga yung mabilis dun. Mag-uusap kami pero hindi naman kami magkakilala.
Well you have a point. Edi ang gawin mo na lang kilalanin mo siya.
Sige.
Maaasahan ko talaga ang konsensiya ko nakakakilig.
Tumigil kami sa garden ng school namin. Umupo kami sa isang bench sa may gilid kaya naman kitang kita ko lahat nung mga tanim na bulaklak. Ang ganda.
"By the way, I'm Red Kean Lim. " saad nito sabay abot nung mga kamay niya.
"I'm Zaira Yco Caseyco. " pagpapakilala ko din.
Aabutin ko na sana yung kamay niya pero biglang sumingit si konsensiya.
Hoy ikaw na malanding babae ka. Sabi mo dati ayaw mong magkalovelife. Buti naalala ko, ikaw ah. Anong nakain mo at biglang lumandi yang utak mo?
Sinabi ko ba yun? Wag kang bulaan.
Hindi ako bulaan 'no! Sinabi mo kaya yun dati habang pinanunuod mo din silang mga soccer player na magtraining.
Naku joke lang yun bes di ka na mabiro. Malandi kaya ako kaya manahimik ka na diyan.
Tsk ewan ko sayo!
Binabawi ko na yung sinabi ko kanina, hindi ko pala maaasahan yung konsensiya ko.
"Hey you're spacing out Zaira. " saad ni Red na nagpabalik sakin sa katotohanan.
"Sorry may naisip lang ako bigla. By the way ano nga palang pag-uu--"
"--wala na kayong pag-uusapan tapos na yung 20 minutes niyo. " saad ni Kim na bigla na lang akong hinila palayo.
Nagwave na lang ako kay Red na sinuklian niya naman ng isang ngiti. Wah ang kyut!
"Wag ka munang malandi bes, nandiyan Kuya mo. "
Ha? "Si Kuya? " kaya ba hinigit niya 'ko bigla.
"Oo yung gwapong terror mong Kuya na bet na bet ni Amira kaya single parin hanggang ngayon. " sagot nito.
Ba't siya nandito? Tuwing may ginagawa lang naman akong kalokohan umuuwi si Kuya Braile ah. May ginawa ba 'kong kalokohan? Wala naman diba?
"Come with me Rai. May pag-uusapan tayo. " blankong saad ni Kuya ng makarating na kami sa harapan niya.
Patay.
x x x x x
Sorry ngayon lang nakapag-update tapos ang lame pa ata x_x
Pero salamat po sa pagtitiyagang basahin itong story 'kong 'to. Enjoy reading :)
BINABASA MO ANG
When Ms. Palabiro Meets Mr. Seryoso (#Wattys2017)
HumorStatus : ON GOING - - - - - "Hindi sa lahat ng oras, kailangan mong maging seryoso. " ani ko habang hinahagod yung buhok ko. "At hindi rin sa lahat ng oras, kailangan mong magbiro." antipatikong sagot nung lalakeng nakaupo sa likuran ko. "Ano bang...