She rattled the chain wrapped on her hands and feet and tried taking them off but it was of no use. Kahit na anong pilit ang gawin niya, nanatiling matatag ang pagkakapinid ng bakal at hindi iyon bumigay kahit isang pulgada man lang. Ramdam na ramdam niya na ngayon ang hapdi na dulot ng bakal na kumakaskas sa kanyang maputing balat at halatang-halata na ang pamumula ng kanyang palapulsuhan at bukung-bukong. Sa huling desperadong pagkakataon, hinigit ni Moira ang kadena saka nagpakawala ng ungol ng pagkabigo ng manatili itong nakakabit sa kanyang kamay at paa.Inilibot niya ang paningin sa paligid. Paggising niya kani-kanila lang ay ito na kinaminulatan niya. Hindi niya alam kung saan naroroon ang lugar na ito o kung sino man ang kumuha sa kanya noong tumakbo siyang palayo kay Ichiro. Wala siyang maalala na kahit anong pangyayari matapos siyang mawalan ng malay sa hardin.
She made a quick inventory of the whole place, then and there taking notes of the advantages of her surrounding. Sa unang tingin ay maihahalintulad ang lugar na ito sa mga kulungan na meron noong unang panahon sa Viking era. Madilim, maliit at medyo hindi kagandahan ang amoy. Rehas na bakal ang nakapalibot sa maliit na kwarto upang magsilbing kulungan at ang hinuha ni Moira ay matagal nang nasa operasyon ang lugar na ito. She resisted the urge to shiver when she thought of all the people who must have fought their last breaths in this dank cell. Whoever they are, may they rest in peace.
Sa kanyang kanan ay naroon ang maliit at matigas na kama, at sa tabi nito ay may isang balde ng tubig na marahil ay gagamitin niya upang magbanlaw ng katawan. Pero maliban doon ay wala nang kahit na ano. Walang bintana. Walang kahit isang maliit na siwang na mapagkukunan ng sariwang hangin.
This is a freakin' dungeon in the 21st century. This is insane.
Lalong nagpumilit si Moira na tanggalin ang gapos sa kanyang mga kamay at paa. She can't be in this place. She can't. Mas mabuti nang doon siya kay Ichiro maparusahan kaysa sa lugar na ito. No, this is insanity personified. Kung sino man ang taong nagpatayo ng ganitong kulungan ay may sayad sa utak, iyon ang nasisiguro niya.
The rattling of the chains and her angry shout of curses made it possible for her captor to enter in unattended and unheeded. Sa ilang segundo ay pinanuod nito si Moira habang walang humpay niyang tinatanggal ang mga tanikala. There was a terrifying amount of coldness in his eyes and the temperature practically dropped inside the smoldering prison.
Maybe she's attuned to the presence of her captor now, she doesn't know what made her look around but she did, and their eyes meet.
May dalawang guhit na lumabas sa pagitan ng kanyang mga mata habang pinapanood ang anino na lumapit. She wanted to shout at the man, but her control and her time as an assassin taught her a lot of things. And anyway, she was the Patient-Killer kaya sa halip na sumigaw---na wala namang mapapala kundi ang saktan ang sarili niya, Moira decided to stare and observe.
"Who are you?" tanong niya sa anino. Madilim at walang kailaw-ilaw at ang tanging liwanag na meron sa kanyang kulungan ay iyong nanggagaling sa taas, sa may hagdan. Ngunit kahit iyon ay hindi sapat upang makilala niya kung sino man ang nasa kanyang harapan.
The man came closer, way closer to the prison bars and Moira prayed that he would come just a little bit more so that she can wrap her chains on his neck.
He stepped once, twice and then when he was an arm away, he stopped. Just then, his abrupt movement stirred the air surrounding them making her smell that familiar musk that she has come to love. She tensed. Her concentration much more attuned, much keener now despite the lack of proper light. And then her captor chuckled.
The hairs on her nape stood up. Hindi nga siya nagkakamali.
"I-Ichiro, what--?" she started saying with a confused look on her face. Abruptly, the confused look vanished, replaced by a relieved mien. "Nahanap mo ako! You've found me." gusto niyang sumayaw at magpakasaya dahil napatunayan niya kung gaano nga siyang kahalaga sa taong ito. Yes, she's done a lot of bad things to him, pero andito pa rin ito upang iligtas siya. Inside her heart, Moira swore that she would do everything, everything to make things easier on Ichiro. Aayusin niya ang lahat ng maling nagawa niya dito. She rattled her chains to him and said, "Come on, baka dumating yung kumuha saken. You have to help me escape, Ichi! Baka abutan ka nila dito, hurry!"
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
Ficción General"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...