Chapter 7

50 5 0
                                    

POV ni Sofie

"Kasalukuyang tumutugtog ang Got to believe in Magic. Nasa isang sikat na hotel kami ngayon, duon ginanap  ang JS Prom nila Terrence . Napaka sokemn ng lugar, madaming estudyante ang katulad naming nagsasayaw. Nagulat ako ng bigla niya nalang akong hapitin. Tiningnan ko siya pero nakapikit siya at tila ninanamnam ang kanta. Kaya hinayaan ko nalang siya, pumikit nalang din ako. Napadilat ako ng marinig kong nagsalita siya.

"May sinabi kaba? tanong ko sa kanya. Isang pulgada nalang yata ang pagitan namin.

"Sabi ko you look beautiful tonight" buong sinseridad na sabi nito habang nakatitig sa kanya. Naiilang na siya sa ginagawa nito. Nanlaki ang mata niya ng umakmang hahalikan siya nito, agad niyang iniwas ang labi niya kaya sa pisnge niya tumama ang labi nito.

"Ay sorry Sofie, di ko sinasadya yon nadala lang ako" hinging paumanhin nito ng tila matauhan na.

"Okey lang yon, buti pa umupo na tayo" aya ko sa kanya.

"Sige"

Pagkaupo namin ay nagpaalam ako sa kanya.

"Punta lang ako sa restroom" paalam ko sa kanya. Agad kong hinanap ang rest room saka ako naghilamos. 

"Ano ba tong nararamdaman ko" bulong ko. "Bakit parang nagkakagusto ko sa inaanak ko." naguguluhang sabi ko. Muli akong naghilamos pagkatapos ay tinuyo ko na ang mukha ko saka ako naglagay ng light make up saka pink lipstick.. Nang masiguro kong maayos na ang itsura ko ay saka lang ako lumabas. Binalikan ko si Terrence sa pwesto niya kanina pero wala na siya dun.

"San kaya pumunta yon? "agad kong iginala ang mga mata ko sa paligid. "Wala naman siya sa dance floor. San kaya nagsuot ang bata nayon" sabi ko habang naglalakad. May babaeng lumapit sakin. Mukang natataranta ito.

"Ikaw yong kasama ni Terrence kanina diba? agad na tanong nito

"Oo bakit nakita mo ba siya?

"Sumunod ka sa akin" mabilis na lumakad ito. Nagpunta sila sa lobby ng hotel, nagulat siya ng makita niyang may nag aaway duon.  Agad siyang kinabahan ng matanaw niyang si Terrence ng isa sa nakikipag away.

"Terrence!" sigaw niya dito. Agad siyang lumapit sa mga ito, buti nalang at napigil ng mga guard ang away ng mga ito.

"Terrence ok kalang ba?" nag aalalang tanong ng babaeng lumapit sa akin. Tinangka nitong hawakan ang pisngi ni Terrence ngunit umiwas lang ito.

"Tara na" aya nito saka siya hinila nito sa parking lot. 

"Terence ok kalang ba? May masakit ba sayo? Bat ba nakipag away ka kanina? sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Wala yon, uwi na tayo" umiwas ito ng tingin sa kanya kaya pinabayaan niya nalang ito. Agad siyang sumakay sa kotse niya.   

..................................................

Nang makarating sila sa bahay ay ginamot niya agad ang sugat nito.

"Ouch dahan-dahan naman"daing ni terence ng simulan ko ng gamutin ang sugat niya.

"Ano ba kasi ang dahilan kung bakit nag away kayo?  tanong ko.

"Hindi pa ba tapos yan, inaantok na ko" paiwas na sagot ni terence.

"Ayan tapos na, ok kalang ba talaga"  

"Oo matutulog kana" sabi nito saka iniwan siya sa sala.

Naiwan siyang nagtataka sa ikiknikilos ni terence

"Ano kayang problema nun?" takang tanong sa sarili ni Sofie.

Torn Between Love Or FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon