Luke's POV
Papunta ako ng classroom galing sa canteen.. Okay na kami ni Sam. Parang tanga ako dito nakangiti habang naglalakad... Hindi ko mapigilang matuwa, na-miss ko siya ng sobra... Dalawang araw ako nabagot sa bahay, laging nakatingin sa box ng pizza na inorder nung Saturday.. Hindi ko pinatapon yung box na yun.. Kasi hindi pa kami ayos.. Pero ngayon.. Ang masasabi ko lang, masaya na 'ko.
Pagbukas ko nung pinto ng classroom namin ng Computer Subject...
Nakita ko agad si Marinelle, yung Ex ko, nasa harap, kinakausap si Ma'am, ang pinaka approachable na teacher sa school na 'to, na kakarating lang din, kasi kanina, paglabas ko wala pa siya... Umupo agad ako sa upuan kong nasa 3rd row.. Nakatabi ko pa yung new student, si Felix Mejia, na feeling ko, hindi ko makakasundo.. Kanina pa kasi ako nakaharap sa kanya, kasi nga gusto kong talikuran si Marinelle. At kanina pa rin masama tingin niya sa'kin..
"Everyone, spare Ms. Montalban a few minutes, she will share something.." -- Oh oh, I'm in BIG trouble. Tungkol sa akin 'to.
Nakatingin sa akin lahat ng classmates ko, nakangiti, lahat binubulungan ako ng 'Hala, Luke..'.. Ginawa ko lang naman kung ano yung nararamdaman ko ee, at hindi naman siya mukang apektado, kasi hindi naman niya ako pinapakitaang mahal niya ako sa actions niya ee.
Pero 'pag balik nung tingin ko sa kaniya sa harap, umiiyak na siya.
Huh? Hindi ko mapaghiwalay yung dalawang kilay ko..
"Gusto ko lang mag-share ng something na nangyari sa akin recently." -- Hindi tumitigil yung luha niya. Na medyo mahirap nang intindihin yung sinasabi niya. "Kakahiwalay lang ng parents ko. Napaka-wrong timing nun.. Nagalit ako sa mundo, at sa lahat. Hindi ko nga na-appreciate yung mga taong nagmamahal sa 'kin ee.. At hindi ko na rin alam nun kung ano talaga ang mga mahalaga sa'kin. I was keeping all of these problems to myself pero nung Saturday, pagkagising ko ng umaga, I realized na hindi yun yung panahon na maawa ako sa sarili ko. And I thought I had to appreciate everything I have kasi hindi naman lahat ng tao nakakaramdam ng ginhawa't pagmamahal na nararamdaman ko ngayon.. Naalala ko yung boyfriend ko nun.. Kaya na-excite ako nung tumawag siya. Noon ko dapat sasabihin yung una kong 'I love you' sa kan'ya. Pero pagkasabi ko ng 'Hello', he said the most painful thing I have ever heard in my whole life, nakipagbreak yung boyfriend ko sa'kin..." -- "Sinagot ko siya, 2 weeks ago, before ako magkaproblema. Akala ko nun, mahal niya ako. Akala ko nun, ako lang. Akala ko nun, hindi niya ako iiwan. Akala ko, hindi siya susuko sa akin. Akala ko, naiintindihan niya ako." -- "Pero mahal ko yun. He did the sweetest things to me. Everything he did is important to me. And I regret how I wasn't able to show it to him dahil nga sa mga problema ko nun. At ngayon, I'm taking the chance to say sorry. Sorry, Luke Jeremy Mendoza. I hope you can forgive me."
Lahat ng classmates ko, tumayo para sa kaniya. Lumapit pa yung iba sa kaniya at niyakap siya. Pero, nung time na umupo na siya ulit sa tabi ko, she smiled at me, -- "Luke, hindi ako naging mabuting girlfriend, pero I'll do everything to make it up to you. We can still do this." -- Then, lumingon na siya kay Ma'am. -- "Thank you, Ma'am, I appreciate it."
Pagkatapos nun, the whole day passed without me noticing it. Nablanko yung buong utak ko.. Lahat ng lessons, hindi ko naintindihan. Yung mga quizzes na pinasagutan sa amin, bagsak ako. Pati sa recitation sa Chemistry kanina, 75 lang ako.. Ano ba yan, Luke? Top 9 ka.. Ng buong batch niyo. Bakit sinisira mo lahat ng pinaghirapan mo?
Bakit ba kasi ang gulo ng utak mo?
Sam's POV
Kailangan ko nang makuwento kay Felix lahat.. Malamang magugulat yun kasi ang bilis ng mga pangyayari.. Bakit ba kasi ang hirap niyang tiisin?
Papunta na ako ngayon sa room nila ng Chemistry..
Habang papalapit ako, bumukas na yun pinto.. Si Luke ang unang lumabas at parang nagmamadali.. Hindi niya ako nakita kasi dumaan siya sa kabilang direction... Lumabas na yung iba.. Nakita ko na si Marinelle, na halatang malungkot. At si Felix na kasabay nila Ate Sara, Ate Eunice at iba pang ka-grupo nila na puro lalaki.
"Taps.." -- Nakita na niya ako at mukang masaya naman siya ngayong first day niya.
"Oh, ano? Kamusta naman? Mukang ang dami mo nang new friends aa."
"Ako pa." -- Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting parang may gustong sabihin.. -- "BTW, mamaya na yung sa akin, yung sa'yo muna."
"Huh? Anong sa akin?"
"Si Luke.."
"Ay, oo, meron nga.. Kasi ganito yun..."
"Taps, ako muna.. Di hamak na magugulat ka dito..." -- Kinuwento na ni Yats lahat ng nangyari kanina, at hindi ako makapaniwala.. Ang buong akala ko kasi, wala siyang paki-alam kay Luke... Yun pala, may pinagdadaanan lang siya.. Nagi-guilty tuloy ako.. Ang bitter ko sa kaniya ee... Kaso, mas inaalala ko si Luke.. Kaya siguro parang problemado siya kanina na parang ewan.. Magkaayos na nga kami, eto naman ang bagong problema... -- "tapos, pagka-upo niya dun sa tabi ni Luke, nag-sorry siya tapos.."
"Huh? Tapos ano?"
"Sabi niya na parang gagawin niya ang lahat to make up to Luke at parang gusto niyang makipagbalikan."
Hindi na ako naka-salita.. Hindi ko ma-imagine kung gaano kabigat na stress 'to para kay Luke.. Kailangan ko ba siyang puntahan? O tawagan man lang?
"Kung ako sa'yo, bigyan mo muna siya ng time." -- Huh? Wala naman akong sinasabi aa... Grabe, kilalang-kilala talaga ako nito ni Felix.
"Oo nga.. Sa bagay.."
Naglakad na kami papuntang sakayan ng jeep at sumakay na...
Mixed emotions para sa araw na 'to.
Kamusta kaya si Luke?
------------------------
M!
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Teen Fiction"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...