[A/N:] Dedicated po kay Beb. Kasi mahal ko siya. :))))))
VOTE po ha? XD
by: Marielovesyou :*
~
Chapter 5 [BMF] Wow lang ha?
KENT’S POV
Mga 7:30 na ng gabi. Wala pa rin sila. Halos ganitong oras din silang umalis ah. Mas maaga ng kaunti pero parang ganitong oras na nga rin. Ah basta! Ang tagal nila! Ano bang malay ko? Minsan pa naman harmful yung kaibigan kong yun. Hindi lang minsan eh…Palagi! >.< Ewan ko ba, pero parang napansin ko lately bumabait na ang loko. Psh. Hindi ko rin alam kung bakit.
Buong araw akong walang ginawa. Pinagtripan ko yung mga maids na nandito. Wala kasi si Manang which means walang manunuway. Sa kanya lang naman ako sumusunod eh. >.< Kung anu-anong inutos ko sa mga maids na natira sa bahay. Pinaglampaso ko ng sahig. Lahat ng floors sa bahay. Ang laki pa man din ng bahay namin. Pero kaya nila yun. Madami naman sila. Pinag-landscape ko rin sila sa garden. Joke. Pinagbunot ko lang ng mga ligaw na damo ba yun. Basta ganun. Kahit yung mga maliliit na insekto, hindi ko pinalampas! Pinahuli ko lahat sa kanila! Basta kailangan walang matira ni isa! At kahit ako mismo sa sarili ko…nawi-weirdohan na sa mga pinapagawa ko. Anak ng! Badtrip talaga! (-_-“)
Kinuha ko yung cellphone ko. Nasa living room na ako ngayon. Naglaro na lang ako nung mga bago kong download na games. Wala talagang magawa. Haays. >.<
Maya-maya may narinig akong tunog ng kotse na nagpa-park. Sigurado akong sila na yun. Ewan ko ba pero sobrang na-excite ako! Tumayo ako bigla sa kinauupuan ko. Pagbukas ko ng pinto…
NICE.
He kissed her on the cheeks.
Wow lang ha?
Tae! Cheeks lang naman ah. Pake ko ba.
Aish.
Eh bakit parang affected ako? Ang labo ko dre. >.<
Nawala bigla yung excitement ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ilang oras pa lang naman nandito sa pamamahay ko ang babaeng yun tapos ganito na agad? Siguro mga 32 hours pa lang siya nandito. Ewan, estimation ko lang yun. Ah basta! Oo na. Affected ako sa nakita ko! Amp*ta. Parang ang bading ko naman.
Sinara ko na agad yung pinto. Tapos narinig ko bubuksan na niya yung gate. Papasok na siya. Anong gagawin ko? Baka isipin niya hinahantay ko siyang umuwi. Pero totoo naman talaga eh. Ah kahit na! Teka… Maglalaro ulit ng games sa phone? Kakain ng dinner mag-isa? Sasalubungin siya? Pupunta sa kwarto tapos kunwari tulog na? O kaya naman….
“S-sir?”
O.O
Yakapin siya ng sobrang higpit.
Ay tanga.
Wala na. Nagawa ko na.
“A-ano…Akala ko si Manang na yung dumating. Ha-ha-hahaha! Hindi pala! Hahaha. S-sorry. Sige. Dyan ka na!”
Ay mas tanga.
Umalis na agad ako. Wala na akong sasabihin. Pwede na yun. Naka-tsansing na din ako. JOKE. Hindi ako ganun. Pero masarap sa feeling. Tae umamin. ^___^
Dumiretso na ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko nashu-shunga ako eh. Potek. What a term. Shunga. Pero kasi hindi naman ako makatulog. Paikot-ikot lang ako dito sa kama ko. Nang biglang….
BROOOOOM! BROOOOOOM!
Potek. Anong tunog yun? Parang sa motor lang. Pero tyan ko yan! Gutom na ako! Hindi pa pala ako kumakain ng dinner. Nung lunch naman nakakawalang-gana. Hindi masarap magluto yung mga maids na natira. Aish. At kung matatandaan niyo, ang sarap sana nung breakfast ko. Grabe nakakabusog lang! Humigop ka ba naman ng isang kutsara ng sabaw ng dinuguan ba yun? Hindi nga higop eh, tikim lang. Talagang nakakabusog nga naman. (_ _”)
Ayoko ng bumaba sa kusina. Baka makita ko pa yung babaeng yun. Mamaya na lang siguro pag tulog na silang lahat. Kaya ko ‘to. Titiisin ko na lang. Konting oras lang naman yun eh. Anak ng! Konting oras ba yung 5 hours? Sanay na kasi yung mga katulong namin dito na madaling araw kung matulog. Kung ‘di ko pa alam na nagpa-party-party sila ‘pag gabi. Tss. Kinakain pa nila yung ibang pagkain sa ref. Sabagay masisipag naman sila kaya okay lang naman sakin. Hinahayaan ko na lang.
Ako na ang pinaka-nakakaawang amo sa lahat. Ako pa yung gutom at nagdurusa. Habang sila alam kong busog na. Kaso kasalanan ko naman eh. Bakit ba hindi ako kumain ng dinner kanina? Para ako nitong broken-hearted na nag-uumarteng hindi kakain ng ilang araw. Psh. That’s so gay. Ugh. >.< Mag-coconcentrate na nga lang ako sa pagtulog.
*Tok-tok-tok*
Teka…
*Tok-tok-tok*
May kumakatok nga ba? Sa kwarto ko nga ba talaga?
“Sir…tulog na po kayo?” narinig kong tawag niya mula sa pinto kong nakasara pa din. Ang hinahon ng boses. Sarap pakinggan. Nawala yung gutom ko. Joke. Ang OA lang.
“Sir…papasok na po ako ha?”
*Dug-dug. Dug-dug*
Weh? Ano yun?
Puso ko ata. Amp.
Ano na? Ah! Magtutulog-tulugan na lang ako. ^___^
“Ahmm…ano…Sir kasi ano...ganito po kasi yun…ano…”
Ano ng ano? Ano bang problema niya sa ano? Ano na? Ano ba yan. Puro ano na din tuloy naiisip ko dito.
Tapos parang may pinatong siya dun sa bedside table ko.
*HOOOO!*
Siya yan. Huminga ata ng malalim. Problema nito?
“Game na po Sir…ito na talaga…”
Hindi tayo naglalaro. Anong game ka dyan.
“Sir wag po muna kayong mag-rereact.”
Promise. Kasi nga nagtutulog-tulugan ako.
“Kahit hindi po kayo talaga natutulog…”
Hindi naman talaga ako natutulog. Sino bang may sabi sa’yo?
“Sabi po nina Ate Lyn sa baba kanina…medyo kakaakyat niyo lang daw po…”
Panira naman yung si Ate Lyn. Pambihira. >.<
“Pero wag niyo pong sisihin si Ate Lyn ha?”
Eh sa gusto kong sisihin eh? Magagawa mo?
“Wag niyo nga pong sisihin si Ate Lyn sabi eh…”
Nakakahalata na ako ah. Bakit parang tinatabla nito yung mga sinasabi ko sa isip ko?
“Sir Kent…talaga bang natutulog na kayo?”
Ang daming intro…sabihin mo na kasi…
“Sige na nga Sir. Kahit hindi niyo naririnig…basta sasabihin ko na po ha? Nung nasa park po kasi kami ng kaibigan niyo….naalala ko lang po yung kanina…yung nangyari nung almusal…
Kaya po naisip ko kung kumain na po ba kayo o hindi pa…
Tapos nung pagkauwi ko po, nalaman ko pong hindi pa po pala kayo nag-hahapunan….
Ano…Sir…sana magustuhan niyo…kainin niyo po yan ha? Nagmadali po akong lutuin yan kanina. Pag nagising kayo, kainin niyo para magkalaman naman po yung tiyan niyo…
Sige Sir. yun lang naman po sasabihin ko…alis na po ako ha? Pasensya na din po kung basta na lang po ako pumasok..Hehe.”
Sa mga sinabi niya parang gusto ko ng bumangon at yakapin ulit siya. Ang sarap sa pakiramdam na naalala niya pala ako. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko, dito sa may bandang chest ko…iba na naman ang tibok nito…
Pero bago siya umalis…
Napansin niya…
“Ay nako Sir…parang ang likot niyo naman pong matulog…”
Pagkatapos niyang sabihin yun…
Naramdaman ko na lang na…
Inayos niya yung kumot ko.
And with that, umalis na siya.
Then I found myself smiling for a reason, for all reasons.
-