Sinamahan ko naman si Gab pumunta sa SM bago kami pumunta sa auditorioum ng school. Habang nag aayos na siya ay nastress naman siya dahil hindi pa dumadating yung speaker. Tapos yung mga ilaw ang bagal pa gawim kaya tumulong nalang ako mag decorate sa stage kasama yung mga alipores niya galing canada. Habang tumutulong ako ay may kumausap saakin."Hi mis—" hindi ko na siya pinatapos mag salita ng itaas ko ang kamay ko, nagulat naman siya dahil may sing sing na sa kamay ko.
"You're Married?" Tanong niya saakin, hindi siguro siya makapaniwala. Hahaha pero ang totoo hindi ako kasal sinuot ko lang ang bigay ni Asheton saakin dati. Ang bobo kasi ni Ashe bumili hindi ko pa kasya. Tyaka para lubayan na ako sa mga may balak manligaw o magpapansin saakin. Umalis naman siya agad at nag trabaho ulit.
Medyo tapos na ang auditorioum ang stage okay na ang mga ilaw okay na rin, Ang speaker, tables at upuan nalang ang kulang. Habang nag aayos sila ay pumunta naman ako sa Room nila Sam kung saan tinuturuan ni Alex. Pagpasok ko nakita ko yung batang lalaki sa Airport nilapitan naman ako ni Sam at niyakap.
"This is my mom" sabi naman si Sam bago umupo sa upuan niya. Ngumiti naman saakin yung batang lalaki at umupo sa upuan niya. Nilapitan ko naman si Alex na nag aayos na ng gamit. Ano oras na ba? 3:30 na pala kaya pala nag reready na rin ang mga bata. Kinausap ko naman si Alex.
"Transferee?" Turo ko sa batang lalaki.
"Yeah, alam mo ba naawa nga ako diyan sa bata sabi busy ang magulang niya kaya yaya niya nalang ang nag enroll sakanya dito" kwento niya.
"Kawawa nga, hindi pa siya sinamahan sa first day niya"sabi ko habang tinitignan ang bata.
"May kamukha siya" sabi naman ni Alex kaya napatingin ako sakanya, akala ko ako lang nakaka pansin.
"Kamukha niya si Monica"sabi ko naman.
"Alam mo bessy, ang cute niyang bata Keoh Drake Vasquez ang pangalan niya" napa isio naman ako imposible na anak nila ito madaming Vasquez sa mundo kaya napaka imposible. Pinauwi naman niya ang mga bata at pinalabas sa school hindi naman sila makakalabas sa gate dahil mahigpit ang guard dito. Naglaro naman ang mga bata sa labas. Nakita ko naman si Ashe na sinundi si Sam.
"Hindi ka sasabay saamin?" Sabay halik sa pisnge ko.
"Hindi pa may hangout kaming mag kakaibigan hahaha" napangiti naman saakin si Ashe na ewan.
"Osige alis na kami, mag babake nalang kami ng anak ko" kinuha ni Ashe ang bag ni Sam at lumabas na ng gate.
"Pumasok naman ako sa loob ng classroom nila Alex ng may nakita akong lunch box alam ko na kay keoh ito dahil naka upo siya dito. Kinuha ko ito at lumabas para ibigay sa bata. Nakita ko naman si Keoh sa labas at nakikipag laro sa mga bata. Nilapitan ko siya at binigay ang lunch box niya.
"Baby Keoh, naiwan mo lunch box mo" sabi ko naman sa bata.
"Ay salamat po" kinuha niya ang lunch box niya.
"Naku! Pawis pawis kana" kumuha ako ng tissue sa pouch ko. At pinunasan ko naman siya pati likod. Natawa ako kasi may kiliti siya sa likod gaya ni Axell. Maya maya may tumawag na sakanya.
"Keoh anak" saktong tinawag ako ni Alex kaya nagpaalam na ako kay Keoh at iniwan na siya duon. Lumapit naman ako kay Alex at pumunta kami ng Auditorioum.
AXELL P.O.V.
Susunduin ko naman si Keoh sa bago niyang school pero kung sinuswerte ka nga naman nakita ko nanaman yung babaeng lagi ko nakikita.
"Keoh anak" lalapit na sana ako ng tawagin siya ng teacher. Kaya naglakad na siya papunta sa teacher. Sayang naman ayaw kaming pagtagpuin, baka hindi naman siya si Ivy baka namiss ko lang siya kaya ganun. Kinuha ko na ang bag niya tyaka naglibot kami saglit sa campus nang ituro ni Keoh yung classroom nila. Gusto naman niyang niyang ipakilala ni keoh ang teacher niya. Pagpasok namin ay pareho kaming nagulat ng teacher niya.
"Teacher, this is my daddy" naka smile na sabi ni keoh. Si Alexandra Marquez pala ang teacher niya. Ang bestfriend ng sinayang ko.
ALEX P.O.V.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Axell kasama si Keoh ang mas malala anak pa niya si Keoh. Buti nalang pina una ko si Ivy pumunta ng Auditorioum.
Dahil kung hindi lagot. Nakita na namin nila Nica at Gab si Axell sa Airport at SM nung kumain kami. Inilayo lang namin si Ivy dahil away na mangyayare."Kamusta na?" Sabi ni Axell saakin.
"Okay lang" sabi ko habang nakangiti.
"E si I.C.?"
Wow, maka I.C. bakit? Kayo pa?
"Ahh! Si Ivy? Okay naman na siya, osiya alis na ako may gagawin pa kami nila Gab" hinatid ko naman silang mag ama palabas. Nagpaalam naman ako kay keoh at kay Axell paalis na sana ako ng may sinabi siya.
"Saan na si Ivy? Mukhang may dalawa kayong naging kaibigan ah at usa na dun si Nica diba? Sino yung isa?"ngumiti naman ako ng matamis at sinagot siya.
"Hindi ko pwedeng sagutin yan" tyaka ako umalis. Natatakot ako para kay Ivy na pag nagkita sila maaring masaktang ang kaibigan ko ulit. Hindi na ako papayag pa na mangyari yun. Pumasok ako sa Auditorioum ng nanginginig at kinakabahan, hindi ko o namin sabihin na dumating na si Axell dito sa pilipinas. Pag pasok ko nandun na si Nica nag kwekwentuhan silang tatlo. Pagpunta ko dun ay nakipag kwentuhan ako sakanila. Kinakabahan parin ako, nag paalam naman saglit si Ivy na mag C.R. sinabi ko na sarado na sa labas kaya dito nalang sa Auditorioum siya umihim pag alis niya ay kinuwento ko na ang nagyare kanina.
"WHAT?! DITO NAG AARAL YUNG ANAK NIYA?! AT NAGPAKITA PA SAYO HA"sabi naman ni Gab.
"Pinakilala kasi ni Keoh saakin kaya nagkita ulit kami" sabi ko naman.
"HAYSS, BAKIT PA KASI SILA BUMALIK AT NAGPAKITA PA NAKAKA STRESS"sabi naman ni Nica.
"Basta ang kailangan natin ay protektahan siya okay, ayaw ko na makita ulit siyang umiyak, Gawin natin ang dapat gawin" sabi ko kaya umoo nalang sila at naiinis rin kay axell.
Nang maka balik na si Ivy saamin ay nag kwentuhan ulit kami kahit papaano nawala na ang kaba ko. Ngayong masaya na siya hindi ko o namin hahayan na masaktan siya ng dahil sa lalaking yun
Author's Note
Hi, naka ud na ako
VOTE AND COMMENT KANA.
-ASHE