Panunumbalik/ Pagsisisi

69 2 0
                                    

"Manumbalik kayo, mga anak na taksil," sabi ni Yahweh, "pinapatawad ko na kayo sa inyong mga kasalanan." Sabihin ninyo: "Oo, lalapit na kami sapagkat si Yahweh ang aming Diyos! Walang naitulong sa amin ang mga diyos-diyosang sinasamba namin sa kaburulan. Si Yahweh lamang na aming Diyos, ang tunay na kaligtasan ng Israel. Dahil sa aming pagsamba kay Baal, nawala sa amin ang lahat ng bagay na pinaghirapan ng aming mga magulang, mula pa noong una-ang aming mga anak, mga hayop at mga kawan. Dapat kaming manliit sa kahihiyan, sapagkat kami'y nagkasala kay Yahweh, kami at ang aming mga magulang. Mula sa pagkabata hanggang ngayon, hindi namin sinunod ang tinig ni Yahweh na aming Diyos."

Jeremias 3:22‭-‬25 MBB05

Paliwanag:

Bethel - (tahanan ng Diyos) ang pangalan ng batong palatandaan na inilagay ni Jacob noon sa burol na kaniyang pinuntahan nang dalawin siya sa panaginip ng Panginoon.

At dahil pinagpatong-patong na bato ito, na tumaas at nagmistulang altar ay iniisip ng ibang mga tao noon na narito ang Diyos. Ginaya nila. At dahil naging kagawian ni Jacob ang pumunta dito bago lumakbay at sundin ang mga tagubilin ng Panginoon ay tinularan na siya ng mga tao.

Bago gunawin ang mundo sa tubig ay kagawian na nila ito at minana pa ng panibagong salin-lahi.

Si Jacob ang tinutukoy na Israel. Siya ay nagkaroon ng humigit dalawampung anak sa dalawang naging asawa at apat na kinakasama.

Isra'el ang panibagong pangalan niya nang binyagan siya ng Panginoon. Ang ibig sabihin ay Prinsipe ng Diyos sa ibang salin Nakipagbuno sa Diyos.

Isang bahagi lamang ito noon na panawagan ng mismong Diyos sa mga tao. Iba na ang paraan ngayon. Si Jesus na Cristo na ang daan patungo sa Kaniya, siya ang bugtong na anak na isinilang bilang tao at nabuhay na banal dahil sa kapangyarihan Siya nagmula, gamit ang katawan ng ina niyang banal o walang bahid ng pagkakasala na ang pangalan ay Maria.

Kapag sinabing BANAL o HOLINESS, ibig sabihin ay hindi gumagawa ng mga kasalanan at kayang pigilan ang pagkakasala, sa salita man o sa gawa, sa tingin man o sa kilos, maging sa isipan. Malumanay magsalita at hindi nagkikimkim ng kahit na anong galit o pakiramdam na makasasakit.

(Kung hindi malinaw, hindi bale hahanapan ko pa ng ibang verses sa bible. Hindi ako magaling tumanda ng numero pero ng mga salita lamang.)

The Ten Commandments V. 01Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon