Chapter 1:Pagkikita
Mayroong isang babae na kilos lalake siya ay si Shyla,lagi siyang nakapanlalake kung pumorma at ang kilos. Elementarya pa lang siya ng, ay may service na siya kumbaga hatid sundo siya palagi at doon niya nakilala si Michael isang service boy. Halos magkasundo ito sa lahat ng mga bagay,ngunit naghanap ng computer shop si Shyla at itinuro naman ito ng lalake kung saan meron. Kaya naadik si Shyla sa pag-computer at isang araw nagpapalit ito ng barya sa isang batang lalake “Totoy palitan mo nga itong pera ko” at sumunod naman ito.Ngunit kinuha ni Michael ang pera kaya nagalit si Shyla at sinugod si Michael, sa galit ng babae ay nasuntok niya ang lalake at ito ay nakapasa. Dahil sa pangyayari na iyon ay nagustuhan ni Michael si Shyla.
Chapter 2:Panliligaw
13 taong gulang pa lang si Shyla at 20 taong gulang naman si Michael,halos pitong taon ang kanilang agwat sa isa’t-isa ngunit nanligaw pa din si Michael kay Shyla. Dahil sa sobrang mahal niya si Shyla ay naghintay ito ng 2 taon, ginawa niya ang lahat para lang mapa-sagot ang babae.Unti-unti naring minahal ni Shyla si Michael dahil lagi siyang hinahatid ,at pinaramdam niya ang pagmamahal nito. Dinala ni Michael si Shyla sa isang puno na napaka-laki at doon nag-propose ng “ Will you be my Girlfriend” na nakasabit doon sa may puno. Sa sobrang tuwa ni Shyla napayakap na lang siya kay Michael.
Chapter 3:Relasyon
“Oo, Michael tayo na sinasagot na kita” at sabay halik sa labi ni Michael, “Talaga, Shyla tayo na ! Salamat mahal na mahal kita”…Simula ng araw na iyon ay sobrang sweet nila sa isa’t-isa,pinakilala ni Shyla si Michael sa kanyang mga kaibigan na si Myrna,Myla,at Mylanie…
“Mga best,boyfriend ko nga pala si Michael” saad ni Shyla, nagulat ang kanyang mga barkada pero natawa rin ito para sa kanya. “Wow! Best nakakatuwa naman na nagkaroon ka nan g boyfriend” sabi ni Myla. “Kaya nga best! Ikaw na lang ang nahuhuli sa ating magbabakarda” sambit ni Myrna. “Sana tumagal kayo” pahabol pa ni Mylanie. “Salamat mga best ah” tugon ni Shyla at umalis na ito kasama si Michael. Lumipas ang isang taon, 16 na si Shyla at 22 naman si Michael,sa isang taon ng kanilang relasyon ay puno ng pagmamahalan.Pero dumating ang kinatatakutan nilang pangyayari na malaman ng magulang ni Shyla ang kanilang relasyon.
Chapter 4:Paghihiwalay
“Umuwi ka na” text ng ina ni Shyla na si Mommy Ida ,at naglakad na nga si Shyla at sobrang takot na takot ito at nanginginig pa ito.Pagkapasok pa lang ng bahay nila ay sinampal na agad siya ng kanyang ina “….PAK” tunog ng pagsampal ng kanyang ina. Napahagul-gol na lang si Shyla sa sobrang pagka-gulat at sakit ng sampal na bumakat sa kanyang pagmumukha. “Ikaw babae ka!pagkatapos kitang pag-aralin maglalandi ka lang!!!”bangit ng kanyang Mommy Ida. “Sobrang mahal ko po si Michael, hindi ko po siya kayang hiwalayan.”tugon ni Shyla. “Ano!!! hiwalayan mo ang lalakeng iyon kundi hihinto ka sa pag-aaral at itatakwil kita!” sambit naman ng Mommy Ida niya. At tumakbo na nga si Shyla sa kanilang tagpuan ni Michael kung saan sila nagging magkasintahan.At nandun din pala si Michael na naka-upo habang nakatingin sa kalangitan na puno ng stars. “Bakit ka umiyak?” sabi ni Michael. “Alam na ni Mommy ang tungkol sa atin. Sabi ni Mommy na itatakwil niya raw ako kapag di kita hihiwalayan” pautal-utal na sinabi ni Shyla kay Michael. “So ano? Mahal mo naman ako diba?” paiyak na sabi ni Michael. “Oo,sobrang mahal kita…Pero diba kung tayo para sa isa’t isa tayo parin diba.At maghihintay ako sa tamang panahon at ikaw parin ang aking mamahalin” ang sabi ni Shyla. “Maghihintay ako Mahal” huling salita ni Michael kay Shyla. At sa huling pagkakataon ay hinalikan at niyakap na napaka-higpit,umuwi na si Shyla at dumiretso sa kayang kwarto. Kinabkuasan naka-impake na ang mga gamit ni Shyla at pati na rin sa kanyang ina.Dahil pupunta silang States.