By: Arey Serrano
Wala na ngang mas sasarap pa sa panrinig ko kundi ang salitang "Mahal Kita"
Parang kinikiliti ng balahibo ng ibon ang tenga ko
Parang may may mga nagliliparang paru-paro sa tiyan ko
Nakakakilig Oo,
Pero mas kinikilig ako sa tuwing lalapitan mo ako at yayakapin ng mahigpit
Sabay bulong sa tenga ko, "sobrang na miss kita"
Mas kinikilig ako kapag magkasama tayong naglalakad habang hawak mo ang mga kamay ko
Sabay sabing "wala nang ibang kamay ang magkakasya sa mga puwang ng kamay mo kundi ang mga kamay ko lang"
At mas kinikilig ako kapag magkasama tayo sa gabi at nakayakap ng mahigpit
Habang sinasabi ang salitang "mahal na mahal kita, ayoko nang mawala ka pa sa piling ko"
Sa tuwing sasabihin mo sa'kin na ako lang ang para sa'yo at wala nang iba, nakapanghihina diba?
Nanghihina ako kasi sayo ko lang din naramdaman ang pagmamahal na totoo
Pagmamahal na hindi natin inakalang magiging buo
Pagmamahal na kahit merong tampuhan madalas nmn ang lambingan
Pagmamahal na akala natin ay magiging panandalian lamang
At pagmamahal na iningatan at talaga namang ating inalagaan.
Yan ang mga munting alaala mo bilang ikaw noong magkasama pa tayo
Ang yong mapupulang labi na may magandang ngiti, mga matang kumikislap habang nangungusap
Ang mainit mong kamay at yakap na walang kasing higpit.
Mga masasayang alala na kahit kailan ay hindi naging sayang
Wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama ka habangbuhay
Pero hindi na mahal,
Dahil dumating na ang araw at ang dulo,
Ang pinakamasakit na araw, sa buong buhay ko
Ang araw ng totoong pamamaalam, pagpapaalam
na tinapos ng tadhana, hindi natin ginusto ito at lalong wala sa plano
Ngunit kailangan tanggapin ng buong buo, tapos narin sa wakas
Ang mga sakit at hinagpis, sa bawat araw at gabing hindi na natin kaya pang ipaglaban
Ang lungkot at pagod na pagod na nating mga puso na tila ayaw nang tumibok.
Paalam mahal, Paalam at salamat sa masaya at maiksing panahon
Ngunit punong puno ng makukulay at masasayang alaalang ating pinagsaluhan.
Malaya ka na, Malaya ka na.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoesíaSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...