Agad akong bumalik sa kinahihigaan ko nang marinig kong may papalapit sa room.
"Alex oh patulong naman sa pagwawalis para mabilis nating malinis yung room." sabay abot sa akin ng isang walis tambo ni Seb.
"Sige, basta ba after nating maglinis dito eh puntahan na natin yung beach na sinasabi mo." ganado kong sagot kay Seb.
"Oo na, napakaexcited mo naman. Pero wag muna tayong maligo kasi galing pa tayong byahe."
"Edi mamayang hapon, siguro naman nakapahinga na yung katawan mo."
Hindi na sumagot si Seb, mukhang nakatunog na siya na hindi ako papapigil na makaswim sa beach, as if I am a swimmer.
After naming matapos maglinis ng kwarto niya ay tinawag kami ni Lola Martha, nakaready na daw yung lunch namin.
"Alex apo try mo itong beef tapa, masarap yan." alok sa akin ni Lola Martha.
"Thank Lola Martha, ikaw din po, kain na po tayo."
At dahil galit na talaga yung mga baby dragons ko sa tummy, nakatatlong beses akong kumuha ng rice. Oo 3 at hindi yon basta basta one cup lang haahaha. Eh kasi naman ang sarap ng beef tapa, ginataang sitaw at kalabasa, pati na rin yung fried fish na hindi ko alam kung anong tawag.
Nang isusubo ko na yung last scoop ng food ko ay doon ko lang napansin na nakatingin sila Lola Martha at Seb sa akin. Kaya dahan dahan kong isinubo ito at nginuya.
"Ang lakas mo pala kumain apo." sabi sa akin ni Lola Martha.
"Gutom lang La." sabi ko na lang.
After naming matapos maglunch ay nagpahinga kaming tatlo sa sala.
Makaluma yung bahay pero kumpleto si Lola Martha sa mga latest appliances like flat screen t.v., air-con, etc....
"Seb, sino pala yung anak ni Lola Martha kela tito at tita?" nakalimutang kong itanong sa kanya kanina.
"Ahh anak niya si Dad, at solong anak lang si Dad." sabi ni Seb sa akin.
"Eh nasaan yung lolo mo?"
"Nasa heaven na, malakas kasi magyosi kaya ayun maaga aga siyang kinuha ni God." simpleng sagot niya sa akin.
"Ahh, mahirap talaga kalaban yung mga bisyo bisyo na yan kasi in the end eh ikaw din yung mahihirapan." sabi ko na lang.
To be honest, hindi talaga ako fan ng yosi or yung vape. Minsan na try ko ng magyosi pero hindi ko nagustuhan kaya hindi ko na inulit pa.
For me lasang kahoy lang siya na sinunog, but I don't care kung may mga taong trip magyosi, as long as hindi nila ibubuga sa mukha ko yung usok, kundi sapak aabutin nila sa akin.
"Oh mga apo kung may pupuntahan pa kayo puntahan niyo na. Matutulog lang ako sa kwarto, alam mo na matanda na eh." sabi sa amin ni Lola Martha.
"Sige po La, punta muna kami sa beach. Hindi kasi makahintay tong si Alex." sabi ni Seb kay Lola Martha.
Hindi na muna ako nagdala ng mga gamit ko pangswimming dahil sisilipin lang daw muna namin yung beach.
"Tara na angkas ka sa likod ko."
Nakita kong nilalabas ni Seb yung bike niya. Bigla ko tuloy naalala yung moment na nagbike din kami ni Caleb.
Hindi ko talaga lubos maisip na wala na kami ni Caleb. Somehow sa puso ko ay umaasa na magkakabalikan ulit kami. Baka someday eh mamiss niya ako at balikan niya ko.
"Hoy Alex! Akala ko ba excited ka na makapunta sa beach?" sigaw sa akin ni Seb.
"Oo na ito na!" sigaw ko din para quits.

BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
General FictionLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...