Papunta na si Mika sa bahay ng papa ni Rachel para dalhan ito ng niluto niyang pagkain. Nalalapit na ang kasal ni Rachel at ni Bryan pero hindi pa din niya nakukuha ang loob ng papa nito.Minsan naisip niyang itakas na lang si Rachel ngunit may respeto pa rin siya sa papa nito.
"Hay, kung di lang ako patay na patay sayo babe hindi ko gagawin to eh." saad ni Mika habang naglalakad na papunta sa pinto.
Nginitian naman niya ang mga kasambahay. Hindi rin niya mawari kung bakit hindi siya pinagbabawalan ng papa ni Rachel na pumasok sa bahay nito.
"Si tito po?" tanong niya sa isa sa mga kasambahay.
"Kung wala ho sa opisina niya ay baka nasa kwarto niya pa ho." sagot sa kanya.
"Salamat po." sagot ni Mika at umakyat na.
Kumatok siya sa opisina at nakarinig ng kalabog kaya dali dali niya itong binuksan. Sa kasamaang palad, nakalock ito.
"Ah bahala na!" saka niya sinipa ang pintuan at nakitang nakahandusay na sa sahig ang papa ni Rachel.
Nagpanic siya ng kaunti ngunit nakahingi naman agad ng tulong. Humingi siya ng karayom at tinusok ang daliri ng papa ni Rachel.
(first aid daw pag inatake 😮 di ko din sure.)
Agad naman din nilang isinugod sa hospital ang papa ni Rachel.
*****
Rachel's
"Babs ano na?" tanong ko dahil mukha atang naligaw pa kami.
"Tama itong dinadaanan natin, wag ka makulit. Tanggalin mo na yang heels mo." sabi niya kaya ginawa ko naman.
Kinakabahan ako, hindi ko macontact si Mika, si tita, si Ara, si Kim at Den! Lahat na lang hindi macontact! Anong kalokohan to?
"Nacontact mo na ba?" tanong ni Jovs.
"Hindi nga eh." inis kong sagot.
"Juskong tadhana napakamapaglaro!! Gamitin mo yung phone ko." sigaw ni Jovs at inabot ang pouch niya.
Hinalungkat ko naman ang pouch niya ngunit wala naman itong laman na phone.
"Wala dito!" natataranta kong sagot.
"Anak ng tokwa. Inabot ko nga pala kay Aby!" sagot ni Jovs.
Nasabunutan ko na lang din ang sarili ko sa inis, pero mahina lang. Sayang naman yung ayos ng hair ko for today diba.
*Beep beep!*
Malalakas na busina na lang ang naririnig ko. Halos lahat naiinip na. Pag ako walang naabutan, sasabunutan ko kilay ng mga impaktong makikita ko.
*Beep beep!*
"Malapit na lang ba yung airport dito?" tanong ko.
"Bakit? Magtatatakbo ka ng nakaganyan? Nako babs, sinasabi ko sayo bukas makalawa nasa dyaryo ka na." sagot ni Jovs.
"Kailangan natin mag madali!"

BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fiksi Penggemar© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]