#Chapter30

72 7 1
                                    

Third Person's POV

"Anong ipapagawa mo boss?" Tanong ng isang tauhang kararating pa lang sa sinabing lugar ng kaniyang boss.

"Simple lang, kill this girl!" At ipinakita ng kaniyang boss ang isang larawan ng babae.

"Naku boss, di ko po kayang gawin yan. Baka mahuli ako." Nanginginig na sabi ng lalaki.

"Di mo kaya?! Eh duwag ka naman pala eh! Tandaan mo, hawak ko ang buhay ng pamilya mo! Gusto mong ipapatay ko na sila ngayon na?!" Dahil sa sinabi ng boss, labis na pagkatakot ang nadarama ng lalaki. Iniisip nitong kapag di siya sumunod sa utos ng kanyang boss, mapapahamak ang kaniyang pamilya.

"Boss, wag po! Maawa kayo sa pamilya ko! Wag mo silang idamay dito!" Alam na alam niyang makapangyarihan ang kaniyang boss. Pwede niyang magawa ang lahat na gusto niya.

"Pwes, kung ayaw mong madamay pamilya mo, GAWIN MO ANG INUUTOS KO!" Kahit labag sa kaniyang kalooban, napatango na lang ang lalaki. Para sa pamilya niya ang kanyang maling gagawin.

"Good! Susunod ka naman pala eh!"

"Sino po siya boss?" Tanong niya. Gusto niya nang matapos ang problemang to.

"Siya si Rova Flexine Levine. Alamin mo kung saan siya pupunta ngayon. Nandyan na sa picture ang address niya. Then grab the chance to kill her. Understand?" Napaisip ng lalaki kung ano nga ba ang rason kung bakit pinapagawa iyon ng boss niya. Maganda pa naman at sa tingin niya ay mabait ang nasa larawan.

"Sige po." Pagkatapos niyan, ibinigay ng boss ang isang bag na naglalaman ng pera.

"Para sa'n po ito?" Nagtatakang tanong ng lalaki

"Reward ko sa'yo! After mong patayin ang babaeng yan, umalis ka kaagad dito kasama ng pamilya mo at WAG NANG BUMALIK PA! May baril diyan. Yan ang gamitin mo para patayin siya. Naiintindihan mo?!"

"Opo boss."

"Sige, gawin mo na!" Pagkatapos nun, pinuntahan na ng lalaki ang address na nakalagay sa picture.

Pakarating niya roon, saktong lumabas ang isang babae sa bahay na yun. Ang babaeng iyon ay tumugma sa larawang ibinigay ng kaniyang boss.

Agad niya itong sinundan.

Sa Crocodile Park pumunta ang target ng lalaki. Nakita niyang pumunta sa isang room ang babae.

Medyo matagal itong lumabas kaya napag-isipan niyang humanap ng perfect spot para hindi siya makita ng mga tao at barilin ang target.

Nang mga 5 minuto ang nakakalipas, may nakita siyang isang lalaki na lumabas sa room na iyon. Di pa rin lumalabas ang babae kaya naghintay siya.

May dumating din na isang lalaki at pumasok sa room na iyon. Mga ilang sandali, lalabas na sana ang babae kaso hinawakan ng lalaki ang kaniyang braso. Agad namang inalis yun ng babae at lumakad papalayo.

Eto na ang pagkakataon niya para gawin ang utos ng kaniyang boss.

Inihanda niya na ang baril at itinutok ito sa babae.

Swerte namang huminto ng sandali ang babae,

*Baaaaangggg!*

Agad namang umalis ang lalaki at hindi na tiningnan kung napagtagumpayan niya talaga ang kaniyang misyon dahil natatakot talaga siyang mahuli ng awtoridad.

Rova Flexine's POV

"FLEX!" Ang lakas ng pagsigaw ni Kianne ng pangalan ko kaya napahinto ako.

The Life With a Boyfriend and a Bestfriend (COMPLETED❤️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon