Chapter 7 - Tutorial

303 29 3
                                    

AKESHA REIN’S POV:


After what happen last Monday, ayun, lagi na kami nag kukulitan ni beejhay. Ang cool lang kasi, pati sila Miguel at Bessy eh ok narin.

Nakapag sorry narin si Beejhay kay Shiela at sa ibang officers since halos lahat naman ay nasa Classroom lang din namin.


Break time na, at ayun, naisipan ko munang dumaan sa Student Council Head Quarters at ilapag yung mga gagamiting materials for Acquaintance party and Christmas ball. Naisip kasi namin na pag-isahin nalang yun para isahang Event nalang.

Napansin kong naiwan ko pala dito yung notebook ko na puro anime lang ang laman, including Pictures, drawings, at lyrics ng kanta. Kaya pala parang may kulang sa bag ko.


Maya-maya, napalingon ako sa labas. Parang may nakatingin. Ang creepy ah!


Silip..


Silip..


“BOOOH!”

O_O -------- me still in gulat mode.


Maya-maya nahimas masan ako nang marealize kong si Arvin pala.

Section B sila Arvin pero sabi nila section A daw sya dati, Which is nasa ibang School pa ko nun.

Profile: Name: Arvin James Villavicente
             Age: 16
             Status: heartthrob sa campus, mayaman ang Family. May-ari ng Chocolate Factory sa buong Europe. Captain Ball ng Basketball team ng Academy and of course matalino at gwapo.

Ang pinagtatakahan ko lang, bakit kaya nalipat sa Section B si Arvin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang pinagtatakahan ko lang, bakit kaya nalipat sa Section B si Arvin. Matalino naman sya.

To be honest, naging Crush ko yan last year, pero sabi ni Drea, wag ko na daw ituloy, Ex daw kasi sya ni Karen de Vera, which is nasa states nung panahon na yon. Pero ngayon balik pinas at Kaklase ko pa. Ex namanna eh. Pero sabi nila mahal pa din nila ang isa’t isa. Medyo may attitude kasi kaya di kami Close. Kaya pake ko naman diba?

“Uy! Ok ka lang?” tanong ni Arvin.

“Uh! Loko to! Nagulat kaya ako. He-he” still gulat pa din. Kasi naman. Kala ko kasi demonyo, anghel pala.

“Sorry, di ko naman alam na magugulatin ka pala.” Sabay kamot sa ulo niya.

“Napapadalas lang sa kape. Hehe. Ba’t ka pala nandito? Sino hinahanap mo?” Tanong ko.

“Uhh.. Ikaw talaga sadya ko.” Nakangiting sabi nya with matching kita pa yung white teeth. Teka? Ano kailangan neto sakin?

“ eh? Bakit naman?” Gulat kong tanong, pero fi ko masyadong pinahalata.

“Mmmm.. Magpapatulong sana ako sayo sa Math.. Sabi kasi jila, magaling ka daw di ko kasi naintindihan yung Lesson kanina.” Nahihiyang sabi nya.

“hmm, yun lang ba? Sige ba. Mamaya sa Freedom Park, after class. Antayin mo ko dun. Tital wala din naman akong gagawin.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

“Talaga?! That’s great. Well, see you later! Asahan kita mamaya ah!” tuwang tuwang sabi ni Arvin.

“sure..” ngiting balik ko naman sa kanya.

“Sige, balik na ko sa room ah!” sabi nya tapos sabay takbo at nagsisisigaw na parang nakaJackpot sa Lotto.

. . . . .


Papunta ako ng cafeteria nang makita ko sila Drea, Miguel, Chloe, Drew at Beejhay. Mukhang nagkukulitan sila at yung isa parang matamlay, which is si Beejhay.

“Hey guys!” sabi ko, with matching wave ng kamay.

“Bessy, kanina ka pa namin inaantay, saan ka ba galing?” tanong sakin ni Drea na parang worried. Si Drea talaga.

“Ugh, dun lang sa Student Council HQ, may nilapag lang akong gamit for Acquaintance party at Christmas Ball.” Ako sabay upo sa vacant seat which is sa tabi ni Beejhay na mukhang nalulungkot pa rin.

Poke..

Poke..

Poke..

Still no response..

“Uy beejhay, ano? Deadma mo lang ang beauty ko?” mataray na sabi ko.

“Ay! Bakit?” Gulat na tanong nya sakin. So, all this time wala sya sa sarili?

“Anobg bakit? Kanina pa kita kinakalabit, dinedeadma mk ko? Anong Problema?” Sabay kuha ko ng chips sa kamay nya. Mukha kasing walang balak kainin, sayang naman.

“Naku bessy, kanina pa yan ganyan. Meron daw kasi syang nakita na hindi nya gustong makita. Ewan ko ba dyan kay Insan.” Explain naman sakin ni Drea.

“Ano naman nakita mo?” Tanong ko kay Beejhay.

“Wala, hindi na mahalaga yun. Una na ko sa Classroom ah.” Walang ganang sabi ni Beejhay. Sabay tayo at umalis na.

“Something Fishy.” Sabi ni Chloe.

“Buffet na resto yun sa Eastwood di ba?” tanong ni Drew.

“baliw ka talaga! I mean, may tinatago satin si Brent. Like hello? Pinsan nya kayo tapos di manlang nagkkwento? Tss.” Sabi naman ni Chloe at sumubo na ng pasta na kanina nya pa kinakain.

“Sabagay.” Sabi ni Drew.

“Hay naku! Ikaen nalang natin to. Gutom lang yan. Kung anu-ano iniisip nyo.” Sabi ko sabah lantak ng chips and drinks na hindi manlang nabawasan ni Beejhay. Sayang naman di ba?

Maya-maya umakyat na kami at same face ang nakita ko kay Beejhay, badtrip na malungkot na bothered na ewan?

“Uy! Ano ba kasi problema mo? Kala ko bafriends tayo? Ba’t ang cold mo sakin?” malungkot na sabi ko.

“Wala nga sabi. Wag mo nalang akong pansinin OK?” Inemphasize talaga nya yung word na “OK”

“EDI WAG! Sungit. Hmmmmpft.” Sabi ko sabay irap.




.  . . . . . . . .

Natapos ang Klase at excited akong niligpit ang gamit ko dahil may tutorial session pa kami ni Arvin.

Pagdating ko ng Freedom Park, andun na si Arvin at nakangiting nilapitan ako sabay kuha ng mga bitbit kong gamit. So gentleman.

“Kumaen ka na ng Lunch?” tanong sakin ni Arvin.

“hindi pa, kakalabas ko lang di ba? Bakit kayo? Paranh ang aga nyo ata lumabas?” tanong ko naman sa kanya.

“Ugh, oo, walang teacher sa last subject, kaya maaga kaming pinalabas. L” explain nya.

“ay, may dala pala ako sayong lunch, alam ko kasing di ka pa kumakain. Kain ka muna.”  Sabay labas ng paperbag galing macdonald’s. Nagutom ata ako bigla ah. Pero mamaya na yan. Di yan ang pinunta ko dito.

“hala! Nag-abala ka pa.ikaw naman, mamaya na tayo kumain. Aral muna tayo, ok?” nag aggree naman sya sa sinabi ko dahil wala syang choice.

Tinuruan ko naman sya sa Trigonometry. Sine, cosine, tangent ang topic which is madali naman nyang nakuha agad.

Maya-maya sa kalagitnaan ng tutorial namin nagulat ako ng may sumigaw.

“AKESHA!” sabi nung sumigaw, kaya parehas kami ni Arvin napatingin.

Nagulat ako ng makita kong si..

“Beejhay?”



♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Well, alam kong nabitin kayo sa isang chapter. Kaya eto, another update for you guys!

Love ko kayo ehh!

Happy reading ulit!!


©EmpressRein❤

The Real Elite Princess (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon